27

3.2K 140 6
                                    



Chapter 27

"Hala,  ang ganda ganda talaga ni Kim," manghang wika ni Yna sa kakambal.

"Oo nga. Sabi sa inyo e, ang ganda talaga ni Kim," pagsang-ayon ni Aira. Siya lang talaga ang nakakita ng tunay na kagandahan ni Kim noon paman.

"Skyler, sya pala yung crush mo hahaha! Akalain mo yun? Asawa mo na pala siya?" Natatawang sabi ni Tyron pero tahimik lang na nakaupo si Skyler.

Bumalik s'ya rito dahil hindi na siya pinapansin ni Kim sa backstage. Galit ito sa kanya.

"Oo nga e, hahaha! Sana ako na lang pala ang pinakasal kay Ki--pero mas pasaway ka kaya ikaw talaga ang mauna bro," natatawang wika ni Kyler nang mapansing galit ang mukha ng kakambal.

"Grabe. Siya ba ang nerd na 'yon? Ang ganda pare at ang sexy pa!" hindi makapaniwala din ng mga kalalakihan sa likuran.

"Kunin mo na ang number niya mamaya dude!" sulsol naman ng isa nitong kasama.

"Alam nyo bang matagal na kaming kasal ni Kimberly, ha?MRS.VILLAFUERTE na siya, 'di ba?"giit ni Skyler sa mga ito na nakalingon sa schoolmates sa likuran.

Mabuti na lang dahil tumahimik na ang mga ito. Kung sumagot pa ay magkakarambulan na talaga dito sa loob ng gymnasium. Kanina pa gustong manapak ni Skyler ng tao dahil ang daming gumugulo sa isipan niya.

Tungkol sa kay Stella at Kimberly. Mahal niya si Stella pero hindi niya lubos maisip kung bakit nagsinungaling ang dalaga sakanya tungkol sa pagkatao ng babaeng matagal na n'yang gusto, si Kimberly na ngayon ay asawa na niya.

"Get ready to smile! Here are the twelve contestants in their most spectacular evening wear. Starting with Education department." wika naman ng emcee at tumugtog ang kantang "BEAUTIFUL GIRL WHEREVER YOU ARE".

[A/N;. HAHAHA nasa taas uli ang music.yan din po ang mukha ni kim sa music video. .pakiopen toinkz]

Beautiful girl,wherever you are,
I knew whe i saw you
You had open the door
I knew i'd love again.after a long long while..i'd love again...

Nang nagsimula ang malamyos na kanta ay  lumabas ang number 1 na naka white gown.

Sumunod ang 2 na naka red gown,
Ang 3 na naka white din,
Ang number 4 na naka blue gown.
Ang number 5 na naka white gown,
Number 6 na naka black gown
At number 7 na naka red gown.halos lahat ay magagaling magdala ng kanilang suot. Halatang bihasa talaga sa ganitong pageant.

Lumabas si Kim at tumigil sa gitna ng ilang segundo.

"Number 8, Wow! I like her gown. She is wearing a Favania style, a mermaid silhouette siquin dress with sexy mesh and is the hottest new siquin style." sabi ng emcee habang dahan-dahang naglalakad si Kim papunta sa gitna na parang isang beauty queen na iniikot ang kanyang napakagandang harden.

Bagay na bagay lang sa kurba ng katawan ni Kim ang suot na itim na gown at nakalugay ang buhok na sadyang ikinulot sa dulo habang nagrarampa ay pinapakita niya sa judges at lahat ng tao na her confidence is even more important than her walk.

Knowing that she is the queen to beat before she step out onto the stage is more important than the mechanics of walking.

Habang naglalakad ay para siyang isang celebrity na naglalakad sa red carpet na nakaharap sa mga photographer at fans. Hindi nagmamadali pero napaka graceful ng paglalakad.

Nagrarampa at taas noo na sinasabi sa lahat na ngayong gabi, she will be the QUEEN of all QUEENS.

Kahit na libu-libo ang tao ay nahanap ng kanyang mga mata ang nag-iisang lalaki na kanina pa niya hinahanap, ang kanyang asawa na ngayon ay nakasimangot na nakatingin sakanya kaya nginitian niya ito.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon