40

3.1K 122 3
                                    




Chapter 40

"Ano ba ang problema mo skyler ha?".sa sobrang pagkainis ay sinipa ni kim ang asawa.Ganyan naman siya,kapag mainis ay kailangan niyang saktan si skyler.Nakasanayan na niya ang ganito.Pakiramdam kasi niya kapag hindi niya maipalabas ang sama ng loob ay sasabog ang kanyang dibdib.

'Fuck!ang sakit kim a,napapansin ko ginagawa mo nalang akong punching bag lagi".reklamo ni skyler habang hinihimas ang masakit na tuhod.

"Bakit ba bigla mo nalang sinuntok si kevin?e wala namang kasalanan ang tao sayo".napaupo si kim dito sa sofa ng kwarto.

"Itinatanong mo pa kung bakit?"napasandal si skyler sa dingding.Nakasuot na ito ngayon ng white sando at summer shorts.

"Bakit nga ba?".nawala na ang tama ng alak kay kim dahil sa katarantaduhang ginawa ng asawa.

"Dahil asawa nga kita,ayaw kong may kahalikan kang iba!mahirap bang intindihin yun?diba matalino ka kim?tssss.".naglakad si skyler papunta sa cabinet at may hinahanap.

"O kim".nang makabalik na ito sa harapan ng asawa sabay abot ng alcohol.

"Anong gagawin ko dito?".nakakunot ang noo na tanong ni kim.

"Hugasan mo ang labi mo,may laway na yan ni kevin.haist! Ang baho kaya ng bibig ng gagong yun.Wag mo akong halikan magmumog ka muna at mag toothbrush".reklamo niya.

"Salamat,ngayon ko lang na realize na ang bait mo pala skyler.Napakaswerte ko talaga kasi ikaw ang napangasawa ko".madamdaming saad ni kim habang inaabot ang green cross alcohol.Halatang hindi pa ito nagagamit dahil nakasealed pa ang takip.

"Walang anuman kim,swerte ka talaga sa akin isa pa,syempre asawa kita,obligasyon ko na protektahan ka lalo na sa kevin na iyon.Kaya dalian na mo na hon, hugasan mo na ng alco----DAMN!!putiks namimihasa kana kim a"sa ulo niya tumama ang alcohol na buong pwersa na itinapon ng asawa.

"Try mong imumog yang alcohol na 'yan nang sa ganun ay malinis yang maduming lumalabas sa bunganga mo.bwesit ka!!!".asar na asar na siya sa asawa.Ang lakas ng tama nito para pahugasin siya ng alcohol sa bunganga.

"Concern lang naman ako e,hala kim bumukol ata".hinihimas himas na niya ang noo para echeck kung may bukol ba.

"Minsan,hindi ko alam kung kailangan na kitang ipa check-up sa doctor".napailing na pahayag ni kim.

"Bakit ka galit?masakit para sa akin na makitang may kahalikan ang asawa ko at kapatid ko pa.Masakit talaga yun kim".seryosong wika nito.Basta kaninang makita niya na hinalikan ng asawa si kevin ay umakyat na ata ang lahat ng dugo nito sa ulo.Bigla nalang nandilim ang kanyang paningin kaya nasuntok niya si kevin.

"Pero kaninang sine CPR mo si ella tingin mo okey lang sa akin yun?naglapat din ang mga labi ninyo a.Ilang beses pa".naalala naman niya ang sobrang pag-alala sa mukha ni skyler.

"E,siyempre nag-aagaw buhay yung tao,kim naman.Kailangan ba talaga isipin mo yun?kahit sayo naman mangyari yun ililigtas din kita e".depensa ni skyler sa sarili.

"E yung sinabi mong mahal mo siya?kailangan paba iyon para mailigtas mo siya?kailangan mo pabang sambitin iyon sa harapan ng mga kaibigan natin at higit sa lahat isampal sa harap ko kung gaano mo kamahal ang ellang iyon?".nanginginig ang buong katawan na sumbat ni kim.Ngayon ay may lakas loob na siya para isumbat sa asawa na hindi okey sakanya ang mga nangyari kanina.

"K-kim,kasi ang totoo,naguguluhan din ako.Mahal ko si ella,oo aminado ako.Mula pa noong bata ako siya na talaga ang mahal ko p-pero kim,mag-asawa na tayo at masaya talaga ako kapag kasama kita promise".naguguluhang pahayag ni skyler.Alam niyang tama lang na umamin siya sa asawa dahil ayaw niyang maglihim dito.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon