42

3K 131 1
                                    




Chapter 42

Naglalakad si kim dito sa hallway papunta sa classroom nila.Kahapon,pag-uwi ay agad niyang inayos ang mga gamit ng asawa at ibinilin sa yaya na kapag dumating ay ibigay ang malaking maleta.

Tawag pa ito ng tawag kagabi pero nang ma bwesit siya ay ini off na niya ang cellphone.Hindi naman kasi basta basta lang ang sitwasyon nila.Hanggat magkasama sila ni skyler ay masasanay lang ito at hindi na malaman ang totoong nararamdaman kung sino ba talaga sa kanila ni ella.

Mas mabuti na din iyon para hindi na siya umasa pa,kahit pa sabihing kasal sila ay hindi naman siya ganun ka desperada.Sanay naman siyang mag-isa at walang kaibigan.

"Awww"napahawak siya sa noo nang mabangga sa isang matigas na bagay.

"Ang lalim ata ng iniisip mo ah".pagtingala niya ay nakasalubong niya ang nakakunot na noo ni kevin.

"M-may iniisip lang.Okey kana ba?pasensiya kana kahapon ha".hinging paumanhin niya at kumulo na naman ang dugo sa asawa.

"Wala yun,pinalayas mo pala si skyler".naglalakad na silang dalawa papunta sa classroom.Magkatabi lang kasi ang classroom nila sa first subject ngayong umaga.

"Well?yan lang naman ang pinakamainam na solusyon".sagot ni kim.

"Kung sabagay,kahit kami nga ni ella ay nagkatampuhan na din e".kahapon,nang umuwi sila ay kinumpronta niya ang dalaga kung ano ba talaga ang nararamdaman nito para sa kapatid pero tumahimik lang ito.Nang pinilit niya,sagot lang nito ay "special" daw si skyler para sakanya.

Masakit yun para kay kevin, magmula pa noong bata sila ay palihim na siyang tumatakas sa klase para lang makipagkita kay ella pero sa isang araw lang na pagkikita ay nakuha na agad ni skyler ang atensiyon ng kanilang kababata.

Nagseselos siya kay skyler.Mula noon ay iniiwasan niya ang magkaroon ng karelasyon para makapag focus kay ella pero pagdating kay skyler ay nararamdaman niyang mabilis lang bumigay ang dalaga.Siya naman itong todo na nag-eeffort.

"S-sorry kevin.Alam kong special din si ella saiyo."pag-aalala ni kim.Alam kasi niya ang pakiramdam ng taong nagmahal sa taong wala namang pakialam sa nararamdaman mo.

"Mahal mo na talaga siya noh?".siguradong wika ni kevin.Tumigil si kim at tiningnan ang nakangiting mukha ng kaibigan pero tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad kaya binilisan na din niya ang lakad para mahabol ito.

"Ganun na ba ako ka obvious kevin?".nakasimangot na tanong niya nang masabayan uli ito.Ang pinakaayaw pa naman ni kim ay ang malaman ng iba ang kanyang saloobin.

"Hindi mo naman palalayasin yun kung hindi mo siya mahal kim diba?isa pa,mabuti nga yun sakanya para matuto."nakangising saad ni kevin nang malapit na sila ni classroom.

"Paano kaya kung ikaw ang ipinakasal sa akin nina daddy?siguro hindi malabong mainlove din ako sayo".nakangiting wika ni kim.May mga similarity din naman sila ni kevin pagdating sa pag-uugali,noong inaway siya ng mga schoolmates nila at tinulak-tulak noong nerd pa siya ay si kevin din ang nagtanggol sakanya.
(A/n:wala ang eksenang ito dito nasa story nina tyron at aira).

"Talaga kim?wag kang mag-alala,hindi malayong mainlove din ako sayo.Infairness,ang ganda mo naman at ang bait pa".nagulat siya nang biglang nag-iba ang tono ng pananalita ni kevin.Yung parang nang-aakit.

"Ang bait mo din naman kevin kaya marami ang nagkakagusto sayo.Siguro kung hindi ko lang asawa si skyler ay isa na ako sa mga babaeng yun".nakangiting sabi ni kim pero tingin niya ay hindi magbabago ang pagmamahal niya sa asawa dahil kahit magkaiba ang kanilang ugali ay minahal parin niya si skyler at hindi niya alam kung bakit.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon