Special chapter

5.4K 185 41
                                    


Special Chapter

"Ayoko, hon! Ang pangit ng pangalan!" napipikon na sabi ni Skyler. Nasa mansion sila ng magulang at nakaupo dito sa mahabang mesa sa dining room kasama ang buong pamilya Villafuerte. May kaunting salo-salo sila dahil birthday ni Kevin ngayon pero wala namang bisita. Silang magkamag-anak lang.

"Eh, 'yun ang gusto ko, e!" Nakasimangot na sagot ni Kim. Malaki na rin ang tiyan nito. Infact, kabuwanan na niya ngayon.
Tama lang dahil summer naman kaya okay lang. Atleast, pagkapanganak niya ay pasukan na naman.

"Tsss... Wala ka na bang alam na ibang pangalan? Ayoko nga nun, eh." Tahimik lang ang mga kasamahan na nakaupo rito sa harap at gilid nila. Ang dami ring pagkain sa mesa na personal na hinanda nina Sunshine at Hannah. Andito rin sina Tyron at ang kambal nitong mga kapatid pati si Aira.

"Ano ba ang pangalan na gusto mo, hija?" malumanay na tanong ni Hannah na nasa harapan nila nakaupo.

"Lynlie at Erika po. Maganda naman po lola, 'di ba?" gusto talaga niya ito. Para kasing katunog din ng KIMBERLY na pangalan niya.

"Hindi nga pwede! Kambal sila tapos ganyan ang ipangalan mo?AYOKO!" Pagmamaktol ni Skyler. Ilang araw na nila itong pinag-aawayan.

"E di, 'wag! Walang pumipilit sa 'yo. Basta, Lynlie at Erika!" hinarap siya ni Kim at pasimpleng kinurot sa hita. Ipaglalaban talaga niya ang pangalan na 'yan.

"Ano ba ang gusto mong ipangalan sa kanila, Skyler? Ang ingay, ingay mo!Siguraduhin mo lang na maganda ha!" Tanong ni Kyler na nakaupo sa kanang bahagi ng kanyang lola. Sa kaliwa naman ay ang mga magulang at si Tyron.

Sa kanang bahagi na katabi nina Skyler ay ang tatlong mga kaibigan ni Kim.

"Kambal sila kaya dapat lang na pangkambal din ang pangalan." sagot ni Skyler.

"Ano nga?" napipikon na tanong uli ng kakambal.

"Becky and Becka. Oh, di ba? Maganda naman talaga?" matagal na niya itong pinag-iisipan. Ito talaga ang gusto niyang ipangalan kapag magkaanak sila ni Kim.

Tumahimik sila bigla. Kahit si Kim ay napayuko din at kumuha ng makakakain sa ibabaw ng mesa.

"Di ba? Maganda?" ulit ni Skyler pero walang pumapansin sa kanya.

"Hijo? Saan na pala ang sinasabi nilang syota mo na si Ella?" tanong ni Hannah sa birthday celebrant na nakaupo sa dulo katabi ang lolo Ryan nila.

"May sakit po lola, e." napakamot si Kevin sa ulo. Kahapon pa niya sinabihan si Ella pero sa pagkamalas ay nilagnat ito. Hindi naman pwedeng hindi siya dumalo sa munting salo-salo na inihanda ng kanyang lola at ina kaya iniwan nalang muna niya si Ella nang masigurong okay na ang kalagayan nito.

"Bakit iniiba ninyo ang usapan, ha?" malakas na ang boses ni Skyler.

"Pwede ba, Skyler, h'wag ka namang bastos sa harap ng hapag- kainan!" Saway ni Ian sa anak.

"Eh, magtatanong kayo tapos ayaw naman ninyong maniwala!" Naikuyom niya ang kanyang kamao. Kahit isa man lang sana ay umayon sa kanya na Becky and Becka ang ipangalan sa mga anak pero wala man lang ni isang kumampi sa kanya.

"S-skyler.A-araaay!".daing ni kim na napahawak sa sumasakit na tiyan.

"K-kim.Ano'ng nangyayari hon?".nag-aalalang tanong ni skyler.Hinagod nito ang likod ng asawa.

"M-manganganak na ata ako.Ang sakit na t-talaga".impit na ungol ang pinakawalan ni kim.Huminga din ito ng malalim para mawala ang sakit pero and'yan parin.

"W-wag ngayon.Baka may kabag ka lang"kinakabahang wika ni skyler.Ayaw niyang manganak ang asawa ngayon.Bukas ay pwede pa pero 'wag lang ngayon.

"S-skyler masakit na e".reklamo ni kim.Napatayo na silang lahat.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon