21

3.1K 141 3
                                    


Chapter 21

"Skyler, napaayos ko na pala ang laptop mo, bro, ligtas ka na kay daddy." Kakapasok lang ni Skyler sa classroom nila nang iniabot ng kakambal ang nasirang laptop. Niregaluhan kasi silang tatlo ng laptop ni Ian noon at kung aabot ito ng limang taon ay bibilhan sila ng pinaka-latest model ng ducati.

"Thanks, bro! Sabi ko na nga ba, maaasahan ka talaga," masayang wika niya at binuksan ang laptop. Sampung buwan na itong hindi mabuksan dahil nahulog habang nasa kama siya. Sa sobrang antok ay nakatulog siya at sa tabi pa nito ang laptop kaya nasipa niya dahilan para mahulog.

"Ulol! May bayad yan. Ang totoo ay si Kevin talaga ang nakahanap ng magaling na tiga-ayos diyan." Napailing nalang si Skyler. Napapansin kasi niya na nitong mga nakaraang araw ay naniningil na si Kevin sa lahat ng pinapagawa nilang tatlo.

"Hayaan mo siya. Mukha namang pera ang isang 'yon. Nasaan na si Tyron?" palinga-linga siya pero hindi nakita ang kaibigan.

"Hindi pa dumating, baka nasa department nina Aira. Bro? Nandiyan pa pala ang picture na 'yan?" Lumapit si Kyler at tiningnan ang nasa screen ng laptop.

"Tsss! Burahin ko na nga 'to. Baka mamaya, multuhin pa ako ng babaeng ito, e."

Tumawa nang malakas si Kyler na ikinatingin ng ibang kaklase nila pero patay malisya lang silang dalawa. Naalala kasi niya noon na sobrang crush ni Skyler ang babae. Ang kaso ay namatay na raw ito.

'Ikaw lang naman ang patay na patay diyan, kaya 'ayan, literal na namatay--Awww! Takte ka, Skyler!" Gumanti rin siya sa pagbatok sa kakambal na ngayon ay napipikon na.

"Hayop ka talaga, Kyler! E, sa nagandahan ako sa patay na'to e. Malay ko ba na mamatay kaagad to!" napipikon na sagot ni Skyler at hinimas ang sumasakit na batok dahil sa pagkahampas din ni Kyler.

"Kayong kambal, ano'ng ingay na naman yan? At Mr. Kyler Villafuerte, pakisarado na ng laptop mo!" Utos ng prof na hindi nila namalayang nasa harapan na nila. Napansin niyang nandito na rin pala ang kaibigang si Tyron na halatang problemado.

"Sorry, sir." Hndi na niya itinama ang pangalan niya. Okay lang naman sa kaniya na magkapalit sila ni Kyler sa classroom. Ini-shutdown niya ang laptop kaya hindi na niya nabura ang picture na ngayon ay wallpaper pa niya.

Matagal na siyang may gusto sa babae. Sa kasamaang palad ay namatay ito.

"Okay ka lang bro?" nag-aalalang tanong ni Kyler. Napansin kasi nitong nakahawak ang kakambal sa ulo at halatang may iniindang sakit.

"W-Wala, sumakit lang ang ulo ko bigla. But I'm fine now. Kulang lang sa tulog," bulong ni Skyler na umaliwalas na ang mukha. Kagabi kasi ay sa kabilang kwarto siya pinatulog ni Kim at sira pa ang aircon kaya hindi rin siya nakatulog.

"Wag mong sabihing may nangyari na sa inyo ng asawa mo?" pag-uusisa ni Kyler.

"Pakialam mo? Leche! Huwag ka ngang tanong nang tanong! Sasapakin na kita ulit!" pagbabanta ni Skyler na ikinatawa ng kakambal.

"Mukhang may nangyari na nga!" siguradong tugon ni Kyler na tiningnan lang ni Skyler.

Firstime na hindi ito umamin at hindi nag-deny kaya sigurado siya na may nangyari nga. Kapag kasi babae ang usapan ay sobrang bilis nito na sumagot na may nangyari nga. Kapag si Kim naman ay mabilis din itong sumagot na never niyang papatulan ang asawa pero ngayon ay umiiwas na itong pag-usapan. Magkambal sila kaya hindi ligtas kay Kyler ang lihim ng huli.

"Kayong dalawang kambal, labas!" galit na wika ng kanilang teacher na babae. Nasa 40 na ang edad nito at matandang dalaga kaya kahit ano'ng pang-akit ng mga guwapong estudyante ay hindi ito nadadala.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon