20

3.2K 131 0
                                    


Chapter 20

"Hahaha! Naku, dad, ang kulit nga e," natatawang sagot ni Kim kay Ian.

Pagkapasok na pagkapasok ni Skyler sa mansion ay ang masayang mukha ng asawa at ng ama ang bumungad sa kaniya na nakaupo sa sala.

"O, Skyler, nandiyan ka na pala?" Nang mapansin ni Ian ang anak.

"Wala pa dad, si Kyler po ito. Bakit 'pag 'andito na ako, may problema ka ba?" naiinis na sagot ni Skyler na nakasalubong pa ang mga kilay.

"Tsss. Sa pagkasuplado mong 'yan, si Kyler ka?" nakataas ang kilay na sagot ni Ian. Maniniwala na sana ito na si Kyler nga ang dumating kaso base sa pagkakasagot nito ay hindi siya puwedeng magkamali, si Skyler nga talaga ang nasa harapan nila ni Kim.

"Ba't napunta ka? Nasaan na si Mommy?" tanong ni Skyler.
"Binisita ko lang ang maganda mong asawa. Actually, napadaan lang ako." Sabay tayo ni Ian at inayos ang damit.

"Ano ba talaga? Binisita o napadaan lang? Nasaan ang ganda niyang si Kim?" pagsisinuplado ni Skyler sa ama. Si Kim naman ay sinimangutan lang ang asawa.

"Napadaan kaya naisipan kong bisitahin na lang.
Ano ba ang problema mo? Wala ka nang galang kung sumagot sa akin a!" napipikon na rin na sagot ni Ian sa anak.

"Wala ka rin namang galang kay Lolo. 'Asan na nga si Mommy?" tanong ulit ni Skyler.

"Nasa bahay, busy sa pag-aalaga ng mga halaman. Mukhang hindi ako welcome dito. Anak ba talaga kita?" nagdududa na tanong ni Ian. Halos lahat ng oras ay nag-aaway silang mag-ama kapag magkasama.

"Sige Kim, hija, uuwi na ako. Ikaw na ang bahala sa batang ito. Sana makakatagal ka,"  paalam ni Ian. Si Skyler naman ay pasalampak na naupo sa sofa na katabi ni Kim.

"Sige po dad, ihahatid na kita," nakangiting sabi ni Kim. Tumayo ito para sumunod na kay ian palabas ng bahay.

"Wow, honey, diretso na ang lakad natin a. Hindi na ba masakit?" pang-aasar ni Skyler nang mapatingin sa naglalakad na asawa.

"Huh? May nangyari ba sa 'yo, hija?" nag-aalalang tanong ni Ian.

"W-Wala po dad, nadulas lang po ako sa banyo kanina," palusot ni Kim na masamang nakatingin kay Skyler. Kung wala lang ang ama nito ay malamang nabato na naman niya ang asawa ng tsinelas.

"Naku, baka kailangan mong magpa- check-up, hija. Baka nabalian ka?" puno na ng pag-alala ang mukha ni Ian.

"Wala po, okay na po ako, dad. No need na pong pumunta sa hospital," napakamot sa ulo na turan ni Kim na ngayon ay sobrang kumukulo na ang dugo dahil sa nakangising asawa.

"Sigurado ka hija, ha? Magpasama ka kay Skyler, magpa-check-up kayo," pagbibigay payo ni Ian.

"Naku, hindi na kailangan, dad. Kusa namang gagaling 'yan. I'm sure, ganyan din si Mommy sa'yo noong una," makahulugang sabat ni Skyler.

"Aba, Skyler, wala ka 'atang kuwentang asawa? Hindi ka man lang ba concern sa asawa mo? Kitang nasasaktan na, e, galit na wika ni Ian sa anak. Magmula noong bata pa ito ay ang bigat na talaga ng dugo ng anak sakanya. Mabait lang ito kapag may hingiin o may importanteng kailangan.

"Normal 'yan dad, hindi mo talaga maiwasan na masaktan. Ako nga e, todo ingat na sa kanya tapos pagkaumaga, tsitsinelasin pa ako. Kabilaan pa 'yon, ha," naasar na sagot ni Skyler. Firstime niyang maranasan ang ginawa ni Kim sa kaniya.

"Isa na lang, Skyler!" May pagbabanta sa mga mata ni Kim para tumahimik na ang asawa.
Pansin niya na nagiging madaldal na ito at ang lakas pa kung mang-asar.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon