7

2.5K 108 0
                                    


Ang Asawa kong Nerd na Tboom pa

by: sha_sha0808 ash simon

CHAPTER 7

"Tumayo ka na nga diyan at ayusin mo 'yang damit mo!" naiinis na sabi niya. Inilocked din niya ang pinto para walang makapasok.
Nagbihis na sya sa harap ko pero hindi ako nakatingin. Inayos ko muna ang sarili ko at pinahidan ang mga luha ko. Tatlong butones ang natanggal sa polo ko kaya inilagay ko na lang ang tuwalya sa bandang dibdib ko.
"O, gamitin mo 'to" inihagis niya sa akin ang jacket niya na agad ko namang nasalo.
"S-salamat!" Nakayuko kong pasalamat at tumayo na. Hindi ko inakala na ganito ang mararanasan ko sa araw na 'to.
"Tss... Nextime, matuto kang lumaban. Ano'ng klaseng tomboy ka? Mas matapang pa ang kaibigan mong kambal kesa sa 'yo," nakasalubong na naman ang mga kilay niya. Yumuko lang ako at inayos ang salamin ko.
Pagbukas niya ng pinto ay marami ang mga estudyanteng nakaabang sa labas.
"Oh, tatanga- tanga n'yo? Bumalik na nga kayo sa klase n'yo! Mga tsismosa at tsismoso!" Galit na sabi ni Skyler at dirediretso lang sa paglalakad papunta sa gym.
Nakayuko ako habang naglalakad. Pumunta muna ako sa locker room para magpalit ng damit. Inilagay ko rin ang jacket niya sa bag ko.
Nang masiguradong maayos na ako ay lumabas na ako. Hinayaan ko na ang mga pinagsasabi ng mga estudyante sa akin at tuloy- tuloy lang papunta sa parking lot. Hindi na ako susunod don sa gymnasium. Panigurado, ako na naman ang pag-usapan ng mga tao roon. Isa pa, naalala ko na nag message pala si Stella sa akin kagabi na magkikita kami ngayon.
Gamit ang ducati ay mabilis na pumunta ako sa isang coffeeshop.a
Nando'n kasi ang usapan namin.
"Hi!" bati ko sa kanya. Napatingala naman siya sa akin at itiniklop ang magazine na binabasa niya. As usual, siya naman ang cover nito. Maganda pa rin sya sa simpleng suot. Isang white jeans at pink blouse. Wala pa ring pagbabago maliban sa humaba na ang buhok niya. Noon pa ay gusto ko na ang beauty niya, maputi at makinis.
"Sorry kung late ako. Kanina ka pa ba?" tanong ko.
"Nope, actually, kakarating ko lang. Maupo ka, Kim." Kinuha niya ang prada bag niya sa upuang nasa tabi niya pero mas pinili kong maupo sa harapan niya. Gusto ko kasi siyang makita. Nami-miss ko na s'ya lalo na ang mga ngiti at tawa niya.
"Bakit mo ako pinatawag, Stel?" Tanong ko. Ang buong akala ko ay iiwasan na niya ako.
"Gusto ko lang magkaroon tayo ng closure, Kim. I mean, formal breakup. Wala namang masama roon, 'di ba?" tumigil siya nang dumating ang order niya. Dalawang capuccino at dalawang chocolate cake.
"Akala ko ba, ayaw mo sa cake?" body conscious kasi ito dahil tabain daw sya. Hindi naman, e. Anorexic na nga ito. Gano'n naman ang mga modelo lalo na sa ibang bansa. Kung sino ang pinakapayat ay yo'n daw ang pinaka-sexy. Umalis na rin si Kuya. Ibinigay niya sa akin ang isang cake at capuccino.
"Paminsan-minsan, kailangan ko ring hayaan ang sarili ko. Balik na nga tayo sa usapan natin. Kim, sana maintindihan mo. Mahal ko si Skyler at alam mo na totoong lalaki siya," nahihirapang paliwanag niya. Para na rin niyang sinabi na fake lang ako. Totoo naman e. Physically ay hindi ako lalaki. Mukhang inlove na nga ito.
"Pero Stella, kilala ko si Skyler. Playboy siya sa school namin at maraming babae sa buhay niya," sigurado alam na niya ngayon na schoolmate ko si Skyler. Desperada na kung desperada pero hindi talaga puwedeng sila ang magkatuluyan. Isa pa, paano na lang kung malaman niya na asawa ko na ngayon ang lalaking ipinagpalit niya sa akin?
"Alam ko. Pero nagbabago siya para sa akin, Kim. Please, unawain mo naman ako. Mahal ko talaga siya. Ngayon lang ako na inlove ng ganito. Please, let me go." halos maiyak na pakiusap niya sa akin. Aaminin ko, nasasaktan ako. Lalo na nang nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Lungkot dahil nahihirapan siyang makipagrelasyon kay Skyler dahil sa akin.
"Kung 'yan ang gusto mo, s-sige, malaya ka na." Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko hanggat sa makakaya ko. Masakit sa pakiramdam na i-let go mo ang taong mahal mo at naging sentro na ng buhay mo dahil may mahal na itong iba.
"Talaga, Kim? Oh, my! Thank you! As in thank you talaga!" hinawakan pa niya ang mga kamay ko na nakapatong lang ng table. Pilit na ngumiti ako sa kanya. Ayokong ipakita sa kanya na sobrang nasasaktan ako dahil ayokong mag- aalala pa sya. Ganon naman ako e, sanay na itago ang nararamdaman.
"Pero Stella, p-pwede ba tayong maging magkaibigan muli?" pakiusap ko. Wala naman sigurong masama kung friends na lang ulit kami kasi roon naman kami nagsimula. Isa pa, gusto ko rin syang makita. Iyong tulad ng dati.
"K-kwan... Kim kasi, mas mahirap sa atin na ibalik ang dating relasyon natin as friends kasi di ba, lumagpas tayo sa boundary na 'yon. Kung maging friends man tayo, sigurado ay may isa sa ating masasaktan." Tama sya. Alam naman niyang mahal ko pa sya at masasaktan at masasaktan lang ako kapag lagi kaming magkikita.
"G-ganon ba? Sige, 'wag na lang. Salamat na lang sa pagmamahal mo noon. Naging masaya naman ako," may mga bagay talaga na kahit gusto ninyo ay hindi pwede dahil sa umpisa palang ay hindi na tama. Ang babae ay para lang sa lalaki sabi nga nila. Pero hindi ko naman kasalanan kung ba't ako nagmahal ng kapwa ko babae.
Kung ako ang papipiliin ay ayoko ng ganito pero ano'ng magagawa ko? Kung 'yon talaga ang itinitibok ng aking puso. Hindi ko naman pwedeng pagsabihan ang puso kung sino ang mamahalin ko. Nahihiya akong magladlad dahil takot akong husgahan ng society ko.
"Thank you rin, Kim. Minahal naman kita. Sana maintindihan mo ako at sana ay makahanap ka rin ng taong mamahalin mo. Iyong para talaga sa iyo," napangiti ako sa sinabi niya. Gusto ko sanang sabihin na nahanap ko na at siya iyon, kaso hindi na pala pwede. Akin naman sya e, inagaw lang ng lokong Skyler na 'yon!
"Wala yon. Uwi na ako, Stella. Baka mag-long distance call sina Mommy," pagdadahilan ko.
"Ahm... Kim? Pwede ba 'pag magkasalubong tayo ay 'wag na nating batiin ang isa't isa? Wag na rin nating ipaalam na magkakilala tayo kasi schoolmate mo ang boyfriend ko." so, that's it. Gusto niya ng ganitong closure. Iyong back to strangers na kami sa isa't isa.
"Iyon ba ang gusto mo? Don't worry, mula ngayon ay hindi na kita kilala. Sige, alis na ako." tumalikod na ako bago pa niya makita ang mga luha ko. Ang sakit na ipinagpalit niya ako sa taong kasarian palang ay wala na akong laban.
Kahit na tumutulo ang mga luha ko ay pinilit ko pa ring makauwi ng safe sa bahay. Pagdating ko ay tahimik lang na nakaupo si Skyler sa sala. Blangko ang mukha nito nang tumingin sa akin.
"'Andito sila," mahina niyang sabi na parang naasar.
"Sinong sila?" nagtataka kong tanong.
"SURPRISE! Oh my gosh, Kim! Saan ka galing? Bakit namumula 'yang mata ng babygirl namin?" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Tita Nicole na pababa ng hagdan at tuwang- tuwa na papunta sa akin. Nasa likod nito ay si ninang Lenny.
33 years old na si tita pero parang matanda lang siya ng kaunti sa akin kung tingnan. Isa palang ang baby nila ni Tito Leo, si Paul kaya ako pa rin daw ang princess ng pamilya namin.
"Inaway mo s'ya Skyler, noh?" nakapamewang na tanong ni ninang Lenny.
"H-huh? Hindi po," todo tanggi ng loko at napatingin pa sa akin na halatang nagpapatulong.
"Hindi po tita, ninang, hindi po kasi ako nagsuot ng helmet pauwi kaya namumula ang mga mata ko sa hangin." pagdadahilan ko nalang. Eh, wala naman talagang kasalanan si Skyler.
"Ganon ba? Halika nga rito!" hinila ako ni Tita palayo. Naiwan naman sina Skyler at Ninang sa sala.
"Ano 'tong nabalitaan namin na inaway ka raw kanina sa school, ha?Aba Kim, baka hindi pa nila alam na tayo ang may-ari ng school? My gosh! Tingnan mo nga 'yang sarili mo! Nakakasuka ka! Nasaan na ang itinuro kong sense of fashion?" halos maiyak na sabi niya. Hinahagod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ahm... Tita? 'di ba, sabi mo, pagmanalo ako sa pageant na iyon ay hayaan mo na ako sa gusto ko?" natahimik sya sa sinabi ko. Yan kasi ang kasunduan namin noon.
"At wala man lang ginawa 'yang asawa mo? Aminin mo nga, inaaway ka ba niya?" nakapamewang na tanong ni Tita.
"H-hindi po," ayoko na kasing lumaki ang gusot sa amin ni Skyler. Tama na 'yong wala kaming pakialam sa buhay ng isa't isa.
"Aba Kim, sa guwapo niyang asawa mo ay dapat bakuran mo lalo na ngayon kasi kasal kayo!" pangungumbinse niya sa akin. Sus, as if hindi niya alam na arranged marriage lang ang nangyari sa amin.
"Di na bale, ako'ng bahala!" makahulugang sabi ni Tita.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon