34

2.7K 121 1
                                    


Chapter 34

"O?ba't nakabihis ka?".naka crossed arm na tanong ni skyler habang nakasandal sa kotse.Napagod kasi ito sa kakalagay sa compartment ng mga dadalhin.Dahil walang pagkain o tagabantay doon sa resort ng isang linggo dahil umuwi ang katulong kaya siya ang naatasan sa pagkain.

Ang aga pa niyang nagising at nagpasama sa yaya ni kim para mamalengke.

"Sabi mo sumama ako".isang checkered polo shirt at black tokong ang suot niya.tinernuhan din niya ito ng itim na black airmax nike shoes.

"E sabi mo din hindi ka sasama".pagtatanggol din ni skyler sa sarili.

"Edi hindi na sasama,magsama kayo ng ella mo".sabay sipa sa tuhod ng asawa dahil sa sobrang pagkapikon.kanina pa niya gustong sapakin ito.Kagabi kasi ay hindi talaga tumigil sa pagkatok hangga't hindi niya pinagbuksan.Pagkatapos kasing mag walked out ay inilocked na niya ang pinto ng kwarto.

"Mabuti,dito ka nalang at magtanim ng mga halaman o bulaklak.Dapat maging babae ka naman kahit ngayon lang,pero ang sakit ng sipa mo a".napahawak siya sa tuhod.naka kulay blue na summer shorts kasi ito at plain na white shirt tapos kulay blue na tsinelas.

"No thanks,mag chachat nalang kami ni stella".naiinis na sagot ni kim.Para sakanya ay okey na sila ng dating kasintahan.Ayaw na niyang balikan ang nakaraan dahil natapos na iyon.Ang importante ay naka move on na sila sa nangyari.

"Sumama ka nalang pala kim,maganda doon.Tyaka para naman kahit paano ay malamigan yang ulo mo".Kinuha niya ang bitbit na bag ng asawa pero mahigpit na hinawakan ito ni kim.

"Hindi!ayoko na.Dito nalang ako.Tinatamad na akong bumiyahe,ang layo ng batangas.Mag einternet nalang ako at magsaskype kina mommy at tita nicole".nasa canada na naman ang parents niya.

Nagbago na din ang isip ni kim.Baka mainis lang siya kapag makita niya ang mga barkada ni skyler.Ayaw na din niyang mabalewala kapag andoon si ella.

"Tara na hon,'to naman napaka killjoy.Isa pa maraming chicks doon kasi andun ang mga kaklase namin".pangungumbinse ni skyler.

"AYOKO UMALIS KANA NGA!".hinayaan nalang niya na makuha ni skyler ang bag na bitbit.Tumalikod na siya pero nahawakan siya nito sa braso.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka sasama.TAra na".sabay bukas ng pinto sa front seat ng sasakyan at itinulak ang asawa papasok.

"Walang hiya ka skyler".reklamo ni kim pero mabilis na inistart na ng asawa ang sasakyan.

"Bababa ako!".naiinis na saad ni kim.

"Tssss".mas binilisan pa ni skyler ang pagdadrive hanggang sa tumigil na si kim sa pagrereklamo.

Dahil sa antok na ito ay natulog nalang siya sa biyahe.Kulang na kulang pa kasi siya sa tulog.

Nagising si kim nang may malambot na mga labi ang dumampi sa kanyang ilong.Tinatamad siyang dumilat kaya hinayaan nalang nito ang humahalik sakanya.Alam naman niyang si skyler lang ito dahil kabisado na niya ang amoy nito.

Banayad at maingat ang mga halik nito na bumaba sakanyang mga labi.Hanggang sa medyo nilaliman na.

Mumulat na sana si kim pero mas naunang gumalaw ang mga kamay niya kaya agad namang umayos sa pagkaka upo si skyler.

"Ehem.Mabuti naman dahil gising kana.Tara na,bumaba na tayo".parang walang nangyari lang na wika ni skyler.Pagtingin niya sa wristwatch ay alas diyes na pala ang oras.

"Hinalikan mo ba ako skyler?".nakasalubong ang kilay na tanong ni kim habang tinatanggal ang seatbelt.

'Hindi a,ba't naman kita hahalikan?".hindi makatingin na sagot ni skyler.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon