6

2.7K 126 2
                                    

Ang Asawa kong Nerd na Tboom pa

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

[Kim's Pov]

"Uy friend, tara na, punta tayo sa tree park." 'Andon na naman kasi ang tambayan namin. Gusto raw ng kambal na tumambay doon dahil sariwa ang hangin. Isa pa, kaunti lang ang tao doon dahil wala namang tumatambay. Mas naisin ng mga estudyanteng tumambay sa malapit sa gymnasium o sa soccer field dahil doon ang tambayan ng mga gwapong estudyante rito sa school.
"Sige!" Sabi ko habang inaayos ang mga aklat ko. Mabuti pa roon dahil makakabasa ako nang maayos. Kahit ang ingay ng tatlo ay hindi naman ako na i-istorbo. Sanay na ako sa ingay nila. Mabuti na lang dahil hindi raw papasok si Sir Gomez.
"Hahaha! Nagsama na naman ang apat na poor dito sa classroom." Suya ni Jessica na kaklase namin.
"Tumahimik ka nga dyan, baboy ka! Hindi ka yata pinakain ng feeds e," naiinis na sabi ni Aira. Sila na lang lagi ang nagbabangayan dito sa classroom.
"Mas tumahimik ka, palakang ambisyosa! Akala mo, gusto ka ni Tyron?" Panunuya na sagot ni Jessica kaya nagtawanan naman ang mga kasamahan niya.
"Kaysa naman sa 'yo! Boyfriend ko na nga, 'di ba?" pagmamayabang ni Aira na ikinasimangot ng mga girls na nakarinig.
"Tama! At nagkiss na sila ni kuya" dagdag na sabi ni Yna na ikinaputla na naman ni Aira.
"Uy, hindi ha. Naku, 'wag kayong maniwala diyan sa kambal na 'yan, hindi totoo 'yon!" todo tanggi ni Aira sabay wave, wave pa ng kamay. Iyong nagsasabing hindi talaga nila ginawa iyon. Ang mga girls ay tumaas lang ang kilay.
"Tingin mo, may maniniwala don, Aira? Feeler ka rin, ano?" nandidiring sabi ng isa naming kaklase.
"Mabuti naman!  E di, salamat sa hindi pagpaniwala," nakasimangot na sabi ni Aira. Hindi ko maintindihan ang mukha nito. Nakasimangot sya dahil ba galit o nainsulto? O nagpapasalamat dahil hindi naniwala ang mga ito? Pero para sa akin ay nag-kiss talaga sila!
"Uy, andiyan na si Sir Legaspi," sabi ng mga boys na kaklase namin. Ang mga nasa labas na nakatambay ay pumasok na rito. Akala ko, wala nang pasok dahil wala si Sir Gomez. Iyon pala ay magsa-sub si Sir. Sabi ni Mommy, mabait daw si Sir Legaspi. Teacher pa niya ito noon. Kung sabagay, kahit medyo matanda na ay halata namang mabait at walang pinapaboran.
Ayun, nag-lecture lang kami pagkatapos ay may one hour break.
"Guys, tara, punta tayo sa gym.
May laro raw ngayon ng basketball sina Kuya." Yaya ni Yna. Panigurado, si Kyler lang naman ang hinahabol nito. Player kasi ang apat ng basketball team.
"Sige, tara na! Gusto kong manood," excited na sabi ni Ann. Mahilig daw ang kambal manood ng basketball dahil sa kuya nila.
"Sama na kayo, Aira at Kim. Sige na, please..." pagmimilit ni Yna. Kapag sila ang kasama ko ay riot talaga. Napakakulit at ang daming kalokohang naiisip.
"Oo na, kahit na gusto ko pang magbasa sana," nakasimangot na sabi ni Aira. Hindi raw ito nakapag-aral kagabi dahil bini-bwesit ng kambal.
"Sus, kunwari ka pa. Gusto mo ring sumama kasi 'andon si Kuya," tukso ni Ann.
"Ewan ko sa inyo!" nauna nang lumabas si Aira at hindi pinapansin ang kambal. Lagi na lang ganyan 'yang tatlo. Si Aira na lang lagi ang pinagtitripan ng dalawa.
"Girls, mag-C-CR lang ako. Kanina pa kasi ako naiihi. Gusto nyong sumama?" tanong ko sa dalawa. Nahihiya lang akong mag-excuse kanina kay Sir.
"'Wag na. Ikaw na lang, kaya mo na 'yan. Sumunod ka na lang sa amin ha. Mauna na kami," kaya ayun, mag-isa ako ngayong papunta sa CR.
"Hoy, NERD!" Tawag ni Jesaica na nakasunod sa likuran ko. Kasama niya ang tatlong kaibigan niya. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
"Hoy, pangit! Humarap ka sabi, e. Bakit? Matapang ka lang kapag kasama mo ang kambal." pang-aasar nila. Wala naman akong ginagawang masama sa mga ito pero bakit ako ang lagi nilang nakikita?
"Pwede ba, Jessica, maghanap naman kayo ng ibang pagtripan. Ba't ba lagi na lang kami ni Aira ang nakikita n'yo, ha?" naiinis na tanong ko nang humarang sila sa daanan ko.
"Kasi kayo lang ang sobrang pangit sa campus na 'to! Bakit? Lalaban ka ba?ha? NERD!" nakangising sabi ng matabang 'to. Matapang sila palibhasa hindi nila ako kilala. Hindi nila alam ang totoong pagkatao ko. Gano'n naman ang ibang tao e. Hinuhusgahan ang kapwa basi sa hitsura nito. Ang dami namang bully sa school namin. Kung sabagay, kahit saan naman ay may nambu-bully.
"Teka, ano ba? Bitiwan n'yo ako!" todo tanggi ko pero malakas na hinihila ng dalawa ang kamay ko. Pati si Jessica ay nasa likuran ko para itulak ako. Ang mga estudyanteng nadaanan namin ay tumitingin lang sa amin.
"Hoy baboy, 'yang nerd na naman ang binubully n'yo? Naku, lagot kayo sa kambal niyan," pananakot ng isang lalaki. Kaklase namin ito pero hindi ko sila kilala sa pangalan. Wala naman akong pakialam sa kanila dahil aawayin lang nila ako.
"Tumigil ka, VICTOR! Sa shower room ng mga boys, dali!" Gusto kong lumaban pero ang lalakas nila. Ang tataba kasi ng mga ito.
"ANO BA! TAMA NA, JESSICA! ISUSUMBONG KO KAYO SA DEAN!" Galit na sabi ko. Malapit na kami sa shower room ng mga boys.
"E di isumbong mo! As if kaya mo kami, e, poor ka lang naman!" Tumawa pa si Jessica.
"Bilisan niyo, girls!" Natatawang sabi ng isa naming kaklase na mataba rin. Napahawak ako sa pinto pero kinuha pa rin nila ang kamay ko at binuksan ang pinto sabay tulak dito sa loob at isinara.
"What the fuck!" sabay-sabay na sabi ng mga boys at kaniya-kaniyang kuha ng tuwalya para itakip sa sarili.
Nanlaki ang mga mata ko nang pagharap ko ay nakita ko ang isang hubad na katawan. Halos lahat kasi sila ay nakatakip na maliban sa isa. Pag-angat ko ng tingin sa nakahubad ay ang nakasalubong na mga kilay at galit na mukha ni Skyler ang nakikita ko.
"S-sorry... t-tinulak lang nila ako," alam kong namumutla na ako. Pinipilit kong binubuksan ang pinto pero may mga taong nakapigil sa labas at alam kong sina Jessica ang mga 'yon.
Hala, nakita ko. As in nakita ko talaga ang ano ni Skyler! Oh my! Pagagalitan ako nina Daddy nito lalo na kapag malaman nilang nakapasok ako rito.
"Wow, pare, may bisita tayo rito. Ang sikat pa na nerd sa campus na 'to!" nakangising sabi ng isang lalaki. Kilala ko ito. Isang varsity ng basketball.
"Oo nga e. Bakit ka pumasok? Gano'n ka na ba ka desperada kasi walang papatol sa 'yo, ha?" Dagdag pa ng isa. Siguro, nagbibihis sila kasi may laban sila mamaya.
"Sorry... h-hindi ko talaga
s-sinasadya," naiilang na paumanhin ko. Lahat kasi ay puro topless at tuwalya lang ang nakatakip sa pangbaba.
Nakita ko sa peripheral vision ko si Skyler na pinagpatuloy ang paliligo. Hindi ba sya titigil? Pinipilit ko na hindi tumingin sa kahit isa sa kanila kundi sa sahig lang.
"Hahaha pare, gusto yata ng sample e," kahit hindi ko na nakikita dahil nakayuko ako ay alam kong nakangisi ang mga ito.
"Gago! Pare, wala akong planong patulan 'yan. Hindi kaya ng armas ko ang ganiyang mukha!" tumalikod ako sa kanila at pinipilit buksan ang pinto pero ayaw talaga.
"JESSICA, ANO BA! BUKSAN N'YO TO!" Sigaw ko habang sinusubukang buksan pero wala talaga. Narinig kong biglang bumukas ang isang shower. Si Skyler. Tapos na itong magsabon at nagbabanlaw na.
"Gusto mong makatikim, ha? Pare, pwede na 'to. Bigyan natin ng sample mga 'tol!" napasigaw ako nang may isang lumapit sa akin at pilit na hinahawakan ang damit ko.
"W-WAG! ANO BA!" Mahigpit na hinahawakan ko ang kamay niya para pigilan.
"E video n'yo 'tol! Masaya to!" Utos din ng dalawa na lumalapit sa akin. Mga nakangisi pa at tuwang- tuwa sa ginagawa kaya napaupo ako rito sa sahig at napasandal sa pader.
"Sige na, nerd, gusto mo naman 'to, e. Ayaw mo pa, lahat kami ay matitikman mo ng libre!" pilit na tinatanggal na nilang tatlo ang kamay ko para mahubad ang damit ko.
"W-WAG... please, p-parang awa n'yo na. Tama na...l-lalabas na ako," umiyak na ako at mas napasiksik dito sa may gilid. Niyakap ko ang sarili ko nang marinig ko na napunit ang damit ko sa harapan. Nagsilaglagan na din ang mga butones ng polo ko kaya mahigpit kong niyakap ang sarili ko para kahit papano ay hindi pa rin ma- expose ang dibdib ko sa harap nila.
"Hahaha nahiya ka pa. Hawakan n'yo sa magkabilang kamay, 'tol!" aliw na aliw pa sila sa ginagawa.
"Huhuhu a-ayoko na... lalabas na ako... p-parang awa n'yo na," nanginginig na ako sa sobrang takot. Pakiramdam ko ay isa akong daga sa mouse trap na walang matatakbuhan. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanila. Maaaring sa kanila ay laro o biro lang pero nakakasakit na sila.
Napapikit ako nang hinawakan ako sa balikat ng isa sa kanila at pilit na ipinapatayo ng isang estudyante pero biglang may humila sa kanya para lumayo sa akin.
"What the-- "
Booogsh.
Boogsh...
Boogsh...
Nakita kong nakahilata na silang tatlo sa sahig. Ang iba naman ay nakatingin lang sa amin. Halatang ayaw na nilang makialam pa.
"Nextime na gagawin n'yo pa 'to ay sa hospital na ang bagsak n'yo! LUMABAS KAYONG LAHAT!" Galit na sigaw ni Skyler na ngayon ay nakatapis na ng tuwalya.
" HINDI PA KAYO LALABAS?" kinuha niya ang mop na nasa tabi ko at ihahampas sana sa mga ito kaya nagsitakbuhan na sila palabas nitong shower room.
Kaming dalawa na lang ni Skyler ang naiwan dito. Napayakap ako sa tuhod ko at umiyak ng umiyak. Sobrang natakot ako sa nangyari! Hindi ko rin kayang magsalita sa sobrang takot!
Naramdaman kong may naglagay ng tuwalya sa balikat ko para takpan ang sarili ko.
Pag-angat ko ng tingin ay binaba ko uli. Nakahubad na naman kasi si Skyler sa harapan ko kaya kitang-kita ko ang pagkalalaki nito.
"Yang tuwalya ko na lang ang gamitin mo kesa sa tuwalya nila," sabay pulot sa isang tuwalya ng kasama na naiwan at itinakip sa sarili. Napahikbi na lang ako at mahigpit na hinawakan ang tuwalya niya na nakatakip sa sarili ko.
Ayaw pa rin tumitigil ang mga luha ko!
"PUTANG INA MO, KIMBERLY! TUMIGIL KA NA NGA DIYAN SA KAKAIYAK! HINDI KA NAMAN GINAHASA! LECHE! ANG PANGIT MO NA NGA, UMIIYAK KA PA! SILA ANG LUGI KAPAG NI-RAPE KA NILA!" Malakas na sigaw niya at halatang galit na galit na nakatingin sa akin!

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon