11

2.6K 126 5
                                    

Ang Asawa kong Nerd na Tboom pa

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

"Hi, Kim." Kakalabas lang ni Kimberly sa gate nila dahil nag-text si Stella na nandito sya ngayon sa labas ng school kaya dali-dali naman niyang pinuntahan.
"Ano ba ang ipinunta mo dito?" palinga- linga na tanong ni Kim. Natatakoy siya na baka makita ito ni Skyler.
"Ayaw mo ba akong makita?" malungkot na tanong ni Stella na ikina-guilty naman ng dalaga.
"H-Huh? Hindi... Kuwan... Ahm... Baka kasi makita tayo ni Kkyler," nag- aalinlangang sabi niya.
"Hmp! Kung mahal natin ang isa't isa, nakit matakot tayo, 'di ba?" naka-pout na wika nito na ikinangiti ni Kim. She always loves her smile. Ito ang isa sa nakakapagaan ng loob niya.
"Ano"ng gusto mo?" tanong ni Kim. May pasok pa siya pero nagpaalam lang syang mag CR.
"May pasok ka pa ba? Tara, pasyal tayo sa mall." masiglang yaya ni Stella.
"W-Wala na. Wait lang, kunin ko lang ang ducati ko." Ayaw na niyang aminin na tumakas lang siya dahil baka ma-guilty si Stella.
"No, dala ko ang kotse ko. Ikaw na lang ang mag-drive." Pagpresinta ni Stella sabay hagis ng susi kay Kim na agad naman nitong nasalo. Wala namang problema sa pagda-drive dahil may student's permit naman sila.
Sa isang malapit na mall lang sila gumala. Nami-miss na rin kasi ni Kim ang ganito. Matagal-tagal na silang hindi gumala na magkasama dahil sa mga nangyari nitong past months. Masaya siya dahil hindi niya akalain na magkabalikan pa sila ng babaeng minamahal. Ang buong akala niya ay wala na talaga sila nito.
-------
"Oh, Skyler, saan ka pa pupunta?" tanong ni Kevin. Kakatapos lang nilang mag-practice at nasa locker room na sila.
"Pupuntahan ko lang si Stella. Hoy, Kyler, patulong naman. Samahan mo ako para mag-explain sa kanya na fixed lang talaga ang kasalan namin," nahihirapang pakiusap niya sa kakambal. Isang linggo na kasi siyang hindi kinakausap ni Stella.
Hinayaan niya muna ang dalaga na makapag-isip pero hanggang ngayon ay wala pa rin syang balita kaya pupuntahan na niya ito sa condo nito. Medyo busy rin kasi sila sa practice dahil sa nalalapit na UAAP.
"Ayoko nga. May puntahan pa ako, bro. Si Kevin na lang!" turo ni Kyler. May date pa kasi ito sa current girlfriend niya.
"May importante pa akong lakad," todo tanggi din ni Kevin.
"Haist! Sumama kayong tatlo! Tutal, makikinig yon si Stella sa inyo!" nakasalubong na ang kilay ni Skyler.  Napatingin naman si Tyron sa kanya na ngayon ay naglalagay ng sapatos sa locker.
"Tsss! Ba't mo ba kami isasama?Problema ba namin 'yan?" pag sisinuplado ni Tyron.
"Basta sumama na kayo. Madali lang 'to, promise. Kung hindi, lalayas ako sa bahay at hindi na ako uuwi!" galit na sabi ni Skyler.
"E di lumayas ka! Pakialam ko!" Hinubad ni Tyron ang jersey shirt at ngayon ay naka white sando na lang.
"Lahat tayo ay mawawalan ng sustento. Kung hindi niyo ako samahan, FINE! Sama-sama rin tayong mawalan!" pagbabanta ni Skyler. Kapag kasi sumuway siya ay madadamay ang dalawang kapatid kaya laging nakabantay at alalay ang dalawa sa kanya. May mga times na pinagtatakpan ng mga ito ang mga kalokohan niya para hindi sila madamay pero mas madalas ay si Kyler ang sumasalo.
"OO NA! Bwesit! I-text ko na lang ang syota ko. Lanira ka talaga ng kaligayahan o!" napipikon na pagsuko ni Kyler kaya napangisi si Skyler sa dalawa.
"Tara na nga! Makasama na rin sa inyo.
Ayokong makita si Aira sa mansion!" parang naiinis na sabi ni Tyron.
"Hahaha in love ka na, dude!" tukso ni Kevin.
"Ulol! In love mo mukha mo! Tara n'yo na nga!" Nauna nang lumabas si Tyron. Nakasunod naman silang tatlo dito.
Paglabas pa lang nila ay nagtilian na ang mga babae at bakla sa kilig.p
Palibhasa naka-white sando lang kasi silang apat at jersey short. Trip lang talaga nila na magpatakam sa mga babae ngayon. May mga times na ganito sila. Alam naman kasi nila na maliban sa gwapo, e, makikisig din sila plus matatangkad pa. Dreamboy 'ika nga.
Si Tyron ay bitbit ang bola. Si Kyler naman ay hinahawakan ang jacket na nakapatong sa balikat nito. Si Kevin ay bitbit ang bag na may laman ng mga gamit nilang magkapatid. Si Skyler ay wala lang. Parang kina career ang pagrampa sa runway.
Mr.dreamboy. Mr.dreamboy
Ano kaya ang nasa isip mo
Lagi kang nasa panaginip ko
Sanay masabi ko sayo
Ang nakatagong lihim ko.
Ikaw ang tanging...
DREAMBOY KO....
Kinikilig na kanta ng apat na babae na nakaupo sa mahabang bench nang dumaan silang apat. Kunwari may tinitingnan pa silang notebook para hindi mahalata na para yon sa kanilang apat ang kanta.
Napatulala sila nang tumigil si Kyler at ngumit sa kanila. Dahil sinusumpong si Tyron ng kalokohan ay kinindatan niya ang apat.
Hindi na napigilan ng dalawang babae at tumalon-talon na ng tumalikod na ang mga ito at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Ulol n'yo, Tyron. Ayun si Aira, kasama si Diana!" turo ni Kevin kina Tyron at Kyler.
"Tsss. Hayaan mo siya." Nakasalubong ang kilay ni Tyron.
"Di ko girlfriend si Diana. Hindi ako pumapatol sa kapatid ng barkada!" todo tanggi ni Kyler.
"Mabuti naman at nagkaliwanagan tayo diyan." segunda ni Tyron kay Kyler.
"Waaaah.. Hi babes, Skyler," malanding sabi ng isang babae na may maiksing palda. Maganda ito at magaling magdala ng damit. Halatang mayaman pero spoiled brat.
"Tss!" nilagpasan lang ni Skyler ang babae. Wala siya sa mood na makipaglandian sa iba dahil sobrang naba-bothered ito sa sitwasyon nila ni Stella.
Ang dami ring nagpapapansin sa tatlo pero puro dedma lang din ang mga ito. Taas noo ang apat na parang mga prinsipe at diretso lang sa paglalakad patungo sa parking area.
"Akin na ang gamitin natin." Pagpresinta ni Tyron. Ayaw na kasi niyang ipakuha ang sasakyan sa driver nila.
Si Tyron ang nagdrive.katabi niya si Kevin sa front seat tapos ang kambal naman sa backseat.
"Sigurado ka ba Skyler na kakausapin ka ni Stella? Baka may iba na 'yon," wika ni tyron habang nagda-drive.
"Ewan! Hindi ako iiwan ni Stella. Mahal ako non. Nagtatampo lang talaga siya sa ngayon pero maging okey rin kami. Isa pa, sa gwapo kong 'to?iiwan ako? C'mon, dude!" pagmamayabang na sagot niya. Kampante siyang mahal sya ng kasintahan at patay na patay ito sa kanya.
"Talaga lang, ha? Paano kung may iba na nga sya?" tanong naman ni Kyler.
"Hayop ka talaga, Kyler! Kakambal ba talaga kita? Ano'ng akala mo sa mukha natin? Iwanan lang ng mga babae?" nakataas ang kilay niya sa kambal. Kinuha niya ang cellphone at sinubukang tawagan si Stella pero hanggang ngayon ay un-attended pa rin ang number nito.
"Kung sabagay!" pagsang-ayon na lang ni Kyler.
Nang makarating na sila sa condo ni Stella ay ipinark muna nila ang sasakyan.
"Bilisan niyo na nga!" naiinip na wika ni Skyler. Ayaw pa kasi bumaba ni Kevin dahil may tumawag dito.
"Mauna na kayo. May importante lang akong puntahan. Sorry talaga," nagmamadaling sabi nito at agad na tumakbo at pinara ang taxi na dumaan.
"Ano'ng nangyari roon?" nagtatakang tanong ni Tyron.
"Malay ko. Tara n'yo na nga, uuwi pa ako," sabi ni Kyler.
"Kim, I love you!" napatigil silang tatlo nang marinig ang dalawang nag- uusap na nasa likod ng sasakyan. May mga sasakyan kasi na naka'park dito sa parking area.
"Sssh!" pigil ni Skyler sa dalawa at hinila sa likod ng isang sasakyan na malapit sa nag-uusap. Kilala niya ang boses na 'yon at alam niyang ang pinakamamahal niyang si Stella.
"Sino ang kausap niya?" bigla na lang siyang kinabahan dahil may ibang sinabihan si Stella ng salitang "I love you".
"S-Stella k-kuwan. Hindi ba't mali 'to?Paano si Skyler?" mas lalong nanayo ang balahibo niya dahil boses babae ang nagsalita. Ang dalawa naman ay na curious din kaya napasilip para makita ang nag-uusap.
"Ikaw ang mahal ko. Please, bigyan natin ng chance ang relationship natin. Tutal, tayo naman talaga ang nagmamahalan, 'di ba?" nanlalamig na ang katawan ni Skyler at halos manigas sa narinig subalit pinilit pa rin niyang sinilip ang dalawa.
"P-pero--"
"Mahal kita, Kimberly. Please, hayaan na lang natin sila, okay?" Napanganga si Skyler nang ma-realize kung sino ang kausap ng kasintahan. Si Kim, ang asawa niya.
"Tomboy si Stella?" bulong na tanong ni Kyler.
Binatukan ni Tyron si Kyler.
"Tsss..Bobo! Si Kim yata ang tomboy!"
"Sakit non, Tyron ha!" galit na wika ni Kyler.
"I love you babe," masayang sabi ni Stella at hinalikan si Kim sa mga labi. Siyempre hindi iyon nakaligtas sa dalawang mga mata ni Skyler.
"TANG INA! Skyler!" ngulat na sabi ni Tyron nang biglang hinimatay ang kaibigan. Mabuti na lang dahil nasalo nila ito.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon