26

3.1K 150 6
                                    


Chapter 26

"Bakit ang tagal mo, Skyler?" naiinis na tanong ni Kim. Gusto nang malaglag ang panga ni Skyler nang makita ang asawa. Halos hindi ito makapagsalita sa nakikita.

"Hoy! skyler! Ba't natulala ka r'yan?Kagabi pa kita hinahanap." Sabay hila ni Kim sa kanya dahil may dadaan. Nasa gitna kasi sila. Magsta-start na ang number 1 ng talent.

Ang ibang contestants ay busy na rin sa pag-aayos at todo memorize ng kakantahin sasayawin o idadrama. Medyo masikip din dito sa backstage dahil ang daming props na nakabalandra sa daanan.

"Ikaw ang mag-talent kung gusto mo. Ba't mo pa ako isasama?" nakasimangot na sagot naman ni Skyler habang nakakunot ang noo na napatingin kay Kim.

"Titingin-tingin mo sa mukha ko?" Napataas ang kilay ni Kim.
Naka-tights and leotards ito na kulay itim kaya nakakurba ang magandang hubog na katawan.

"Hanggang sa talent naka-nerd look ka pa rin, Kim? Anong akala mo sa pageant na'to? NERD pageant?" bulalas ni Skyler na ikinatawa ng mga nakarinig.

"PUTSA! Walang nakakatawa sa sinabi ko!" bulyaw ni Skyler sa mga contestants at makeup artists na malakas ang tawa.

"Pakialam mo!" nakasimangot na sabi ni Kim at padabog na naupo sa harap ng salamin. Inilugay naman ng kanyang hairstylist at sinuklay ang kulot na buhok sa dulo.

"Hon? Pagkatapos nito, pupunta tayo sa mansionm--hoy tabi bakla!" Utos ni Skyler at kinuha ang upuan ng isang bakla para maupo sa tabi ng asawa.

"Bahala ka!" wala sa modong sagot ni Kim habang dinadagdagan ang blushon at lipstick ng kanyang makeup artist.

"Okey na'to girl. Doon na lang kami sa gilid mag-aabang para mabilis ang pagbihis mo mamaya," sabi ng isang bakla na bitbit ang kulay dilaw na damit ni Kim. Halatang mamahalin ito at pang prinsesa na gown.may maliliit pa na diamonds na naka- design.

"Ilan ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Kim. Baka kasi matagalan siya sa pagbihis.

"Tatlo. Dalawa sila ang magdadamit sa'yo at ako ang sa buhok mo. Kukunin mo lang naman ang retainer at salamin mo mamaya," sagot ng bakla.

Retainer na ang inilagay niya dahil natanggal na ang braces nito kahapon.

"Tapos okelay na yang tights mo.isuot mo lang ito. Madali lang naman. Kaya natin yan in less than a minute kasi zipper lang naman ang isusuot basta relax ka lang," dagdag pa ng isa sabay wink ng bakla kay Kim.

"Ikaw ang bahala," pagsang-ayon ni Kim. May tiwala naman siya sa kinuha ng Tita Nicole niya. Ito rin ang mga naging kasama niya noong nagmo-model pa siya sa ibang bansa.

"Kim?" kalabit ni Skyler dito.

"Ano na naman, Skyler?" nakukulitang tanong ni Kim.

"Wala lang." Sinuot na ni Skyler ang damit na ibinigay sakanya ng bakla. Wala na ring time kaya dito na siya naghubad ng pantaas.

Halos lumuwa ang mga mata nang makita ang abs niya. Hindi na niya hinubad ang pantalon at ipinatong nalang ang costume dahil baka marape pa siya ng mga bakla.

"Guys? Let us welcome on stage, ang pambato ng BSBA in her talent portion." Hudyat para lumabas sina Kimberly.

"Honey, wait!" Bago pa makalabas ay pinigilan siya skyler sa braso.

"Bakit na nam---uhm..." Nanlaki ang mga mata ni Kim nang mariin na hinalikan siya ng asawa sa mga labi.

"Tsss! Goodluck." sabay hila ni Skyler sa asawa na ngayon ay parang wala sa sarili nang dahil sa halik niya.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon