2

4K 148 3
                                    



A/n


Read at your own risk.

May warning na tapos nangre-report pa.

Ang Asawa kong Nerd na Tboom pa

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

[Kim's pov]

"KIM, bigyan mo na kami ng apo sa tuhod ni Hannah, ha." pakiusap ni Lolo Ryan. Mahigit singkuwenta na ito pero ang mukha ay hindi halata sa edad. Siguro mas lalong gwapo ito noong kabataan pa niya.
"Tsss... Mga bata pa 'yan sila Tanda. Huwag munang magmadali, Kim." Pagsalungat naman ni Daddy Ian.
'Andito silang apat ngayon sa bahay. Sina Lola Hannah, Lolo Ryan, Mommy Sunshine at Daddy Ian.
Kakagising ko lang. Pagbaba ko, 'andito na sila kaya ayun, nabuko nila na kahapon pa ako nilayasan ni Skyler. Okay lang 'yon. Mas pabor nga sa akin na hindi s'ya maglagi rito sa bahay. Sina Mommy at Daddy lang naman ang may gustong magpakasal na ako.
"Kumain na po ba kayo? Kain po muna kayo. Magpahanda ako kay Yaya," tanong ko sa kanila.
"'Wag na. Dumaan lang kami para bisitahin ka pero nalaman namin na nilayasan ka pala ng batang 'yon? Masasapak ko talaga si Skyler!" Galit na sabi ni Daddy Ian. Iyan kasi ang gusto nilang itawag ko sa kanila, mommy at daddy. Sa totoo lang, mas nakikita ko si Kyler sa katauhan niya. Medyo mabait kasi si Kyler kesa sa asawa ko.
"A, sabi po n'ya, pupunta lang daw po sa barkada niya." Pagtatanggol ko kay Skyler.
"Naku, 'wag mo nang pagtakpan ang batang 'yon. Sige, alis na kami. Tinawagan ko na s'ya. Pauwi na raw," napangiti na lang ang dalawang babae. Alam naman nilang hindi magkasundo sina Skyler at ang daddy nito.
"Hija, pagpasens'yahan mo na ang batang 'yon. Gano'n talaga 'yon pero kapag makilala mo na ay mabait talaga si Skyler," nakangiting sabi ni Lola Hannah. Napakabait niya. Ang haba siguro ng pasens'ya nito sa mga apo. Dagdagan pa ng asawa at ni Daddy Ian.
"Wala po sa akin 'yon. Naiintindihan ko po si Skyler," kung sabagay, sino ba naman ang hindi magagalit kapag ipinakasal nang maaga.
Two months pa lang ako rito sa 'Pinas. Sa Canada ako nag-aral noong highschool ako. Hindi naman ako englisera gaya ng iba dahil sa bahay ay nagtatagalog kami at sa pinoy school naman ako nag-aral. Naisipan ko nana dito ko na itinuloy ang college life ko. Pareho kaming underaged pero nahanapan nila ng solusyon ang kasal. Si Lolo Ryan pa, e ang daming connections no'n.
Ang pagkakaalam ko ay eighteen at twenty one years old pa ang p'wedeng maikasal dito sa 'Pinas or baka p'wede rin kapag may parent's consent lang. Ewan! 'Di naman kami ang naghanda kundi ang parents namin. Sila lang naman ang excited noon sa kasal namin.
"Sige na Kim, nagmamadali kami. O siya, mahabang pasensiya sa apo ko, ha." Sabi ni Lolo Ryan. Kahit medyo may edad na ito ay maloko pa rin at halatang mahal na  mahal talaga si Lola Hannah.
Nakikita ko ang pagmamahal sa dalawang mag-asawang nasa harap ko. Sana balang araw ay ganoon din ako sa magiging asawa ko.
Alam ko na kahit kasal kami ay wala ring balak na totohanin ni Skyler ang kasal namin. Ngayon pa lang ay inaasahan ko na na magdi-divorce kami balang araw.
Hinatid ko sila sa gate at nang medyo makalayo na ang sasakyan nila ay bumalik na ako sa loob ng bahay.
"Manang, matutulog po muna ako, ha." Paalam ko. May tatlong maid kami rito sa mansion.
Ang isa ay si Yaya na mayordoma at ang dalawa ay tigalinis, luto at laba. May hardenero rin kami pero once a week lang pumupunta at may driver na si Mang Kanor pero on call nalang kasi medyo matanda na.
Mas gugustuhin ko pang magtaxi papunta sa school.
Hindi kasi nila alam na anak ako ng may-ari ng school. Kahit ang tatlo kong kaibigan ay hindi rin nila alam.
Pagdating ko sa kwarto ay hindi na ako nagdalawang isip na humiga. Kagabi ay sobrang napagod ako sa kaka-chat kina Ann at Yna. Ang kulit ng kambal na 'yon. Mabuti pa si Aira ay medyo matino kausapin.
Patulog na ako. Idinuduyan na ako ng aking ulirat nang biglang bumukas ang pinto. Nakalimutan ko palang e lock.
"Hoy nerd! Ano'ng pinagsasabi mo sa parents ko, ha?" Galit na tanong ni Skyler sa akin. Agad naman akong napabangon at naupo rito sa gilid ng kama. Bahagya kong inayos ang pajama ko na nakataas na hanggang sa tuhod at pasimpleng kinuha ang eyeglasses ko na nasa ibabaw lang ng table.
"Tsss... Hindi ako interesado sa 'yo kahit maghubad ka pa sa harapan ko. Hindi ako pumapatol sa mga tomboy!" nakataas ang kilay niya na nakatayo sa harapan ko. Halatang nandidiri ito sa akin. Akala mo naman ang gwapo niya. Bwesit kasi si Tita Nicole. Ang sabi niya sa akin bago kami pumunta kina Kkyler ay basahin ko raw ang magazine para makatulong sa akin pero hindi ko akalain na FHM pala 'yon at may mga nude pictures sa gitna ng magazine. Ang masaklap pa ay nakita ng lalaking 'to. Hindi ko kasi naisip na tingnan muna ang binigay ni Tita dahil minamadali na ako ni Dad noon.
"Ano na sabi nila? Ba't natulala ka d'yan? Alam ko, gwapo ako." Pagmamayabang  niya na tinaasan ko lang ng kilay.
"Wala. Hindi ko nga inakala na pupunta pala sila ritol," totoo naman. Kahit ako nga ay nagulat din nang ginising ako ni Yaya.
"Kunwari ka pa. Ang sabihin mo, gusto mo talagang maghoneymoon tayo." Hindi naman gano'n kataas ang lipad ng lalaking 'to.
"Pwede ba Skyler, hindi kita pinipilit na gampanan mo ang pagiging asawa mo sa akin. You're free! Gawin mo ang gusto mong gawin basta walang pakialaman, okay? May isang kwarto naman d'yan. Gamitin mo tutal, wala naman sina Dad!" Naiinis na sabi ko. Akala nito ay luluhod ako sa harapan niya? Okay fine! Gwapo sya, matangkad, macho at maraming babae ang may gusto pero ayoko ng maraming kaaway. Tiyak pagpipistahan ako ng fans club nito.
"Tss... Palibhasa alam mong tatanggihan kita, pero alam kong gusto mo rin. Aminin mo, gusto mo talagang matali ako sa 'yo kaya bina-blackmail mo ako noh?" nagdududang sabi nito. Lahat kasi ng cards at passbooks niya ay hawak ko. Mahigpit na ipinagbawal ng parents niya na 'wag ko raw ibigay sa kan'ya para matuto naman daw itong magtipid dahil gasto at pambabae lang ang ginagawa.
"Labas na kung gusto mong magamit ang ATM ng BDO mo bukas." Utos ko.
"Tsss... Talagang lalabas ako! Tingin mo, matutulog ako rito? Baka bangungot lang ang abutin ko kapag katabi kita!" Nakasimangot na ang mukha niya. Well, lagi naman, e. Lalo na kapag makita niya ako. Ano'ng problema nito kung nerd ako? Napaka judgmental talaga ng lalaking 'to.
"Talaga!" sabi ko na lang. Ayun, padabog na lumabas kaya natulog ulit ako.
Mag-aalas onse na nang nagising ako. Naligo muna ako bago bumaba.
Sakto lang para tanghalian na.
"O, mabuti naman hija dahil gising ka na. Sabayan mo nang kumain ang asawa mo," kakapasok ko lang dito sa kusina. Si Yaya ay inihahanda ang pagkain habang si Skyler ay nakaupo na sa mahabang mesa at halatang gutom na gutom.
"Sige po yaya," hinila ko ang isang upuan at naupo sa harapan niya. Nandito naman kasi talaga ang p'westo ko kapag kumakain kami nina Mommy at Daddy.
Umalis na rin si Yaya at umakyat.
"Ki sarap, sarap ng ulam tapos biglang nakakawalang gana dahil kaharap kita." Habang kinukuha niya ang kanin.
Sarap sapakin! Kung wala lang talaga kami sa harap ng pagkain ay malamang sinigawan ko na ang lalaking ito.
"Ituon mo na lang ang pansin mo sa pagkain. Hindi 'yong ako ang laging mong napapansin," kumuha na rin ako ng pinakbit. Wala akong time para patulan pa ang pagiging isip bata nito. Isa pa, nakaramdam na naman ako ng pagkagutom.
"Tingin mo, sino ang pagtuunan ko ng pansin? E, ikaw ang kaharap ko?" napipikon na sabi nito.
"Edi tumalikod ka!" Sagot ko.
"Ikaw ang tumalikod dahil mas maganda pa ang likod mo kesa sa pagmumukha mo!" Aba, sumusobra na ang hayop na 'to, a. Napaka bastos! Kung tutuusin ay napaka makaDiyos ng pamilya niya dahil kada linggo ay nasa simbahan pero ang isang ito ay hindi ata ina-apply ang sinesermon ng pare.
Mas pinili ko na lang na kumain kesa makipag away pa rito. Mas may breeding ako kesa sa kan'ya kaya ako nalang ang magparaya. Mabuti naman dahil nauna itong natapos at agad akong iniwan.
Pagkatapos kong kumain ay tinulungan ko muna ang maid na magligpit tapos pumunta rito sa library para magbasa. Ang dami kasing books na binili ni Dad para sa akin.
"Hoy, nerd!" Hindi ko na kailangang hulaan kung sino ang taong nasa likuran ko.
"Ano na naman?" nakakapikon, e. Akala ko ba ay ayaw niyang makita at makausap ako.
"Uuwi pala rito sa Pinas ang girlfriend ko nextweek. Puwede, 'wag kang magpakita or 'wag mo kaming istorbohin?" pakiusap niya sa akin. Na kumpirma ko sa mukha niya na seryoso talaga siya nang lingunin ko sya.
"Okay," walang kagana-ganang sagot ko habang ipinagpatuloy ang pagbabasa ng libro.
"'Wag kang manggulo at 'wag na 'wag mong ipaalam na may asawa na ako. Baka makarating sa kaniya!" pagbabanta niya sa akin.
"Okay..." naaasar na ako sa kakulitan nito.
"Good!" narinig kong sumara na ang pinto.
"Skyler, hindi ko alam kung tama lang na nagpakasal ako nang maaga sa 'yo, " bulong ko at itiniklop ang binabasa ko dahil na ba-bother ako.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon