36

2.7K 118 15
                                    


Chapter 36

"S-skyler hoyy!".kinakabahang niyuyogyog ni kim ang asawa.Hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising.
Mabuti nalang dahil nakita niya si kyler sa hindi kalayuan kaya binuhat nito ang hinimatay na kakambal pabalik dito sa resthouse.

Kanina pa siya palakad-lakad dito sa kwarto.Sampung minuto na ay hindi parin ito nagigising.
"D-dalhin na kaya natin siya sa hospital?".natarantang sabi ni kim sa mga kaibigan.Humihinga pa naman ito pero ayaw lang magmulat ng mga mata.

"Magigising din yan.Sa tigas ng ulo niyan buko lang pala ang makakapagpatumba sakanya?".nakasandal sa dingding na saad ni tyron.

"S-skyler?anong nangyari?".nag-aalalang tanong ng kakapasok lang na si ella.Nang makitang nakapikit ang mga mata ni skyler ay grabe ang kaba ng kanyang dibdib.Sobrang natatakot siya para sa binata.Pabalik na sila kanina ni kevin mula sa pamamasyal nang mabalitaang nahimatay daw ang kaibigan dahil sa buko na tumama sa ulo nito.

"Tsss.pabida!".naiinis na bulong ni yna.kanina pa kasi ito panira ng moment nila.
"Okey lang yan ella 'wag kang mag-alala."ang totoo ay kinabahan din si kyler nang makitang walang malay ang kakambal kanina.

"P-pero baka ano na ang mangyari sakanya,baka magka amnesia siya".hindi na napigilang tumulo ang mga luha ni ella at niyakap na si skyler.

"P-please gumising ka naman o".hinaplos nito ang malambot at makinis na pisngi ng kaibigan.Si kim naman ay halos hatakin na niya ang babae palayo sa kanyang asawa.

"Kim?paano kung magka amnesia si skyler?paano kung sa pag gising nito ay hindi na niya maalala na asawa ka niya?".tanong ni aira na biglang ikinaba ng dibdib ni kim.

"Tsss.kung ano-ano ang iniisip mo.Hindi pwede,kay kimmy lang si skyler".irap ni ann.

"Hmmmmmmm".lahat sila ay lumapit kay skyler nang gumalaw ito.

Dahan-dahang iminulat niya ang kanyang mga mata.Ang una niyang nakita ay ang maganda at umiiyak na mukha ni ella.

"Bakit ka umiiyak ella?ouch!".tanong niya nang biglang sumakit ang ulo kaya napahawak siya dito.

"Ako skyler?kilala mo ba ako?".nag-aalalang tanong ni kyler.

"Ako bro?alam mo pangalan ko?"-kevin.

Nakakunot ang noo ni skyler nang lahat sila ay napalibutan siya at halos nag-alala ang mga mukha.

"Kapal ng mukha mo skyler.umamin ka!kilala mo paba kami?kilala mo pa ba si kim na ASAWA mo?".pag gigiit ni yna.

"S-skyler,salamat dahil nagising ka.Alam mo bang nag-alala ako sa'yo?".nakahinga ng maluwag si ella.

"Hush!tahan na ella ha.wag ka ng umiyak.i'm fine" pinahidan niya ang mga luha ng dalaga at kusang hinalikan ito sa noo.
Halos manlumo si kim sa nakikita kaya yumuko nalang siya at kinagat ang ibabang labi.Aaminin niya,sobra siyang nasaktan.Mas inuna pa ng asawa ang pag-alala ni ella kesa sa sariling kalagayan.

"Skyler ano na?kilala mo ba kami?".napipikon na tanong ni tyron.Kapag hindi pa ito sumagot ay sasapakin na talaga niya ang kaibigan.

"Sino kayo?ano ba ang nangyari?".sumasakit ang ulo ni skyler at pinipilit na inaalala ang nangyari kanina.Halos malaglag ang panga ng lahat sa sinabi niya.

"Si ella naalala niya pero si kim hindi?".bulalas ni aira.
Hindi na napigilan ang mga luha na kanina pa pinipigilan ni kim.Ang sakit sa puso na ganito ang mangyari sakanila ng asawa.

Siguro si ella talaga ang mahal nito mula pa noon.Siguro siya lang talaga ang panira sa lovestory nilang dalawa.
Pasimple niyang pinahid ang mga luha.Dahil sa nangangatog ang mga tuhod ay napaupo na siya sa maliit na sofa sa kaliwang bahagi ng kwartong ito.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon