12

2.7K 123 2
                                    

Ang Asawa kong Nerd na Tboom pa

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12

"Damn!" Nabangon si Skyler nang may malamig na tubig ang pumatak sa mukha niya.
"Sabi sa 'yo, ito lang katapat niyan e," sabi ni Kyler. Nakita niyang hawak ni Tyron ang isang baso na may kaunting laman pa ng tubig.
"Haist! Kasalanan ko sa inyo?" napipikon na tanong niya at tumayo para kumuha ng tuwalya na ipamunas sa basang mukha.
"Gago! Hindi ka na kasi magising!" nandito sila ngayon sa condo ng kakambal.
Isinampay niya ang puting towel sa upuan at naupo sa tabi ni Tyron.
"Ulol! Ilagay mo 'yan sa basket para malabhan. Ang kalat mo talaga, parang wala kang asawa!" Walang imik na tumayo siya at padabog na kinuha ang towel at inilagay sa laundry basket.
"Kailangan i-remind na may asawa na ako? Tsss..." napipikon uli na wika nito.
"Alangan naman sabihin ko na binata ka pa. O, kamusta na ang pakiramdam mo? Mabuti naman at nagising ka. Ang tagal mong hinimatay a," nakangising sabi ni Kyler at kinuha ang coke in can na nasa harap lang nila na nakapatong sa mesa.
"Ba't ako hinimatay? Paano n'yo ako nadala rito?" walang kabuhay-buhay na tanong niya at kinuha din ang isang coke sa table. Idinantay pa niya ang paa sa ibabaw ng center table para makapag-relax.
"Binuhat ka namin. Pumunta kasi tayo kanina sa condo ni Stella," pag kukuwento ng kakambal. Si Tyron naman ay tumayo at binuksan ang TV.
"Okey na 'yon. Huwag mo ng ikuwento. Hindi ako interesado. Sige na. Hoy Tyron, sa HBO mo ilagay!" Utos niya sabay kuha ng remote sa kaibigan na kakaupo lang sa tabi niya.
"Tsss. Manonood pa ako ng wrestling e," reklamo din ni Tyron.
"Sus! Umuwi ka na  at makipag- wrestling kay Aira." Utos niya sa kaibigan.
"Ulol! Ikaw ang umuwi sa asawa mo. Tutal, papatulan kang mag-wrestling non! Mas lalaki pa yata 'yon kesa sayo e," pang-iinsulto ni Tyron.
"Psh! Anong lalaki? Dito na lang ako, dude! Ayokong umuwi," pag-iiwas niya ng usapan.
"Hahaha huwag mong sabihin Skyler na hindi mo na maalala kung bakit hinimatay ka?" Idinantay rin ni Tyron ang paa sa maliit na mesa.
"Wala akong maalala at kung ano man 'yon ay wala akong pakialam. Pagod lang siguro ako kaya ako hinimatay!" nagkasalubong na ang kilay nito at naikuyom ang kamao.
"Hahahaha? Talaga ba? Huwag mong sabihing hindi mo naalala ang lahat nang nakita natin? Na pinili ni Stel--"
"LECHUGAS! Huwag n'yo nang ipaalala sa akin na hinalikan ni Stella si Kim!" galit na sabi ni Skyler. Hindi siya makapaniwala na magawa ng dalawa 'yon sa kanya. Ipinagpalit sya ng girlfriend niya sa isang tomboy lang at ang pinakamasakit ay asawa pa niya si ito.
"Hahaha mas pogi si Kim kesa sa'yo, dude!"  pang-aasar ng kakambal. Pati si Tyron ay ang lakas din ng tawa kaya kinuha niya ang throw pillow na nasa tabi lang niya at malakas na hinagis sa dalawa sabay tayo.
"Hey, saan ka pupunta, bro?" tanong ni Kyler.
"Wala kayong pakialam!" tuloy-tuloy ito sa paglabas.
"Hoy 'yong kambal mo baka magpatiwakal 'yon o di kaya baka patayin niya sina Stella at Kim." Siniko ni Tyron si Kyler.
"Shit! Tara na, dude. Baka ano pa ang magawa ng lokong 'yon." Tumayo sila at hinabol si Skyler at naabutan pa nila ito sa elevator.
-----
"Oh? Ba't dito tayo sa hospital napadpad?" tanong ni Tyron. Kakababa lang nila pero walang imik pa rin si Skyler. Kanina nga na nasa sasakyan sila, kahit ano"ng gawin nila ni Kyler ay hindi ito nagsasalita at seryoso lang sa pagda-drive.
"Bro, ano'ng gagawin natin dito?Magpapa-checkup?" tanong ni Kyler na ngayon ay nakasunod lang sila ni Tyron. Ang dami na ring mga pasyente ang nakatingin sa kanilang tatlo lalo na ang mga nurses.
"Kahit saan talaga tayo pupunta ay habulin tayo!" pagmamayabang ni Kyler na binigyan ng killer smile ang magandang nurse na bumati sa kanila. Agad namang kinilig ang babae.
"Honey my love so sweet," patakbong sabi ng isang babae na nasa mid 40's na ang edad. Nakasunod naman ang dalawang nurse na lalaki rito.
"Shit! Aa atin yata papunta!" sambit ni Tyron.
"Damn! Sa atin nga. TAKBOOO!" sigaw ni Kyler nang matauhan. Sa kanya kasi nakatingin ang matanda.
"Waaahh! Huwag kang tumakbo mahal ko. Andito na ako. Papakasal na tayoo!" sigaw ng babae na mabilis na humahabol sa kanila.
"Ma'am, 'yong gamot n'yo po," sabi ng isang nurse sa baliw na pasyente.
"Damn! Sa office ni Tita, dali!" Takbo pa rin silang tatlo. Sila na nga ang pinagtitinginan ng mga tao.
"Huhuhu! Bitiwan ninyo ako. Ang mahal ko. Florante, andito na ako. Buhay ako! Buhay ang Laura ng buhay mo. Ipagpatuloy na natin ang wagas na pag-iibigan. Mahal ko, may FOREVER!" sigaw niya na ang tinutukoy ay si Kyler pero nahila na siya ng dalawang nurse pabalik sa psychiatric ward.
Napahinto si Skyler nang mapadaan sa isang kwarto. Bahagya kasing nakabukas ang pinto. Saktong nakikita niya ang nakatalikod na pasyenteng nakasuot ng kulay puti na damit at may mahabang buhok.
Bigla siyang kinabahan at biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Kahit nakatalikod ito sa kanya, pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala.
Hindi rin niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman dahil sa kaibuturan ng puso niya ay parang nakaramdam siya ng saya.
"Bro, tara na." Napabaling sya sa kakambal nang hinila nito ang damit niya. Pumasok ang doctor sa kwarto at isinarado nito ang pinto.
"Sino ba ang tinitingnan mo?" nagtatakang tanong ni Kyler habang naglalakad na sila papunta sa office ng kaibigan ng mommy nila.
"H-huh? Wala. Akala ko lang kasi ay kilala ko sya."
pagpasok nila ay nakaupo na si Tyron at umiinom ng tubig.
"O? Ano'ng problema ninyong mga bata kayo? Ba't hinihingal kayo?Napadalaw yata ang kambal nina Sunshine at Ian?" nakangiting tanong ng babae na kasing edad lang ng mommy nila.
"Haist! Itong si Kyler kasi, bwesit! Natipuhan yata ng baliw kay hinabol kami sa labas." Biglang tumawa naman si Tyron sa sinabi ni Skyler.
"Hahaha! Guwapo mo talaga, dude!Habulin ng baliw a," nakangising wika ni Tyron.
"Tsss. Ano pa bang bago? E 'yong kapatid mong si Yna, baliw rin yon!" nakasalubong na ang kilay niya. Kapag galit ay mas nagiging magkamukha talaga sila ni Skyler. Medyo maangas lang kasi si Akyler kesa sa kanya.
"Tama na nga 'yan. Tita, ano po ang gamot sa mga babaeng nababaliw sa tomboy?" seryosong tanong ni Skyler.
"Hahaha! Iyan pala ang ipinunta mo dito? Putiks naman, akala namin mag papakamatay ka na!" reklamo ni Tyron.
"Tumahimik nga kayo! Tit, I'm serious," seryosong sabi niya. Tiningnan lang sya ng doctora ng ilang saglit at napabuntong hininga.sa dami nang naging pasyente nya as a psychiatrist ay sanay na syang basahin ang facial expression ng mga tao. Minsan, pati isip nila ay kaya rin niyang mabasa sa pamamagitan ng mga mata nito. Alam niyang seryoso nga si Skyler.
"May babae ka bang nagustuhan pero may gustong tomboy?" straight to the point na tanong niya kaya napakamot ito sa ulo.
"Naku, mga bata kayo. Narinig n'yo na ba ang identity vs role confusion?" tanong nito sa mga bata. Kadalasan ay kung hindi depression ay isa rin ito sa inilalapit ng mga kabataan sa kanya.
"Alam ko po pero hindi ko alam kung ano talaga 'yon," pag'amin ni Skyler. Wala naman kasi itong pakialam sa ganyan dahil mga babae lang ang iniisip nito noon bago niya makilala si Stella at kim.
"Sa edad na 13-19 years old ay doon 'yon nararanasan ng tao. Hindi nila ma-e-establish kung ano ba talaga ang gusto nila 'pag laki nila. Kung ano ba talaga ang role nila sa society natin. Doon pumapasok ang tanong na "who am I? who can I be?" pag-uumpisa niya.
"Halimbawa, may isang batang babae. Sanay siya na magbihis ng maganda, maglaro ng barbie at maging mabuting bata pero habang lumalaki siya at naging adolescent na ay nag- iiba na ang pag-uugali niya. Hindi na siya nagbibihis ng palda, nag- aayos ng buhok o minsan ay nagrerebelde na," napangiti ang doctora ng makitang interesado talaga ang tatlo sa kanya.
"They explore new ideas about themselves and their place in the world. Psychologist Erik Erikson said that this is exploration is a part of psychosocial crisis, or a development period when a person has to resolve a conflict in her own life." Pagpatuloy niya.
"Kapag mag-iba na ang pag-uugali niya habang lumalaki ay hinahanap lang niya ang sarili niya at doon niya matatagpuan ang IDENTITY ng pagkatao at ang paniniwala niya. For example, nalaman at makumpirma niya na babae nga talaga siya. Pero ang ROLE CONFUSION naman ay hindi nya sigurado kung sino talaga siya at kung ano ang paniniwala nya. doon na pumapasok ang mga tomboy at bakla. Hinahanap pa nila ang sarili nila sa society natin." paliwanag ng psychiatrist. Alam naman niyang isa ito sa concern ng mga teenagers sa ngayon.
"So, parang sinasabi mo po na nag- eexperiment pa lang sila kung ano ba talaga ang tunay na pagkatao nila?Pero babae naman po sila e," seryosong tanong ni Skyler.
"Exactly. Hindi lahat ng babae at lalaki ay gano'n ang paniniwala. Ang iba sa kanila ay nahihirapan lalo na kapag wala siyang masabihan, sanay siyang itago ang lahat at wala siyang suportang natatanggap mula sa mga kaibigan lalo na sa mga magulang niya. Lahat naman tayo ay nakaranas ng ganyan. May mga babae na minsan ay natotomboy kapag makakita ng magandang kapwa babae nila pero kapag may makitang gwapo at macho ay nagkagusto din kaya na co-confused tayo kung ano ba talaga ang gusto natin. So 'yon, nag-e-experiment tayo kung ano ba talaga ang kasarian at gusto nating gampanan o maging sa society. Kung babae ba o lalaki? Malaki rin kasi ang impact o influence ng society sa pagkatao natin.." sagot nito kay Skyler at napangiti. Mukha kasing seryosong bagay ang problema nito. Masaya siya dahil may mga kabataang handang makinig sa ganitong klaseng problema.
"Paano namin siya matutulungan?" balik-tanong ni Kyler.
"Suportahan n'yo siya. Present reality. Ipakita n'yo sa kanya na babae talaga sya. Na ito ang nararapat at bagay sa kanya at ito ang role niya sa society ang maging babae," nakangiting sabi nito sa mga bata.
Kung anu-ano pa ang pinag-usapan nila hanggang sa maintindihan na ng tatlo ang lahat.
-------
"Isa lang ang ibig sabihin no'n, dude! May chance pa na maging babae si Kim," sabi ni Tyron na nakaupo sa backseat katabi si Kyler. Pauwi na sila.
"Tsss.. Hindi si Kim ang problema ko, kundi si Stella!" nakasalubong ang kilay na sagot ni Skyler habang nagmamaneho.

A/N:
May 8 stages ang psychosocial development ni erick erikson pero focus at stick lang ako sa number 5.ang identity vs role confusion.hehehe.sorry baka wrong info ako.[source,google]
Note.pa iba iba po ang sinasabi.may mga books na 12-18years old ang ganyan.pro mag stick aq sa 13-19y.o..kng gusto nyong mgresearch pwd dn po nyong mgamit ang psychosexual stages ni freud pro ms mdali sa akin ang kay erick erikson.
hehehe shalamat..♡♥♥♥

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon