29

3.3K 111 1
                                    

chapter 29

"Kim? Hoy, Kim!" Sabay sundot ni Skyler sa tagiliran ng hubad na katawan ng asawa. Ngayon ay nakatingala lang sa ito kisame at hindi siya pinapansin.

"Hindi ka ba talaga magsasalita? Sorry na." Niyakap niya ito sa bewang at isiniksik ang mukha sa leeg nito.

"Honey naman, magsalita ka. Hindi kasi ako sanay na tahimik ka e. Tsss! 'to naman, parang hindi asawa. Kanina ko pa y'an pinagsawaan ngayon ka pa magreklamo?" reklamo niya nang tanggalin ni Kim ang kamay niya na pumipisil sa dibdib nito.

"Sorry na nga e. Hindi ko naman sinadya na magkakamarka r'yan," hinging paumanhin niya. Kanina pa kasi ito humihingi ng sorry sa asawa pero hindi na ito kumikibo.

"Tumahimik ka na, Skyler! Pagod na ako. Gusto ko na talagang magpahinga." Ipinikit na ni Kim ang mga mata dahil sa sobrang pagod.

"Wag ka na kasing magalit hon--Damn! Problema mo, Kimberly?" Galit na napatayo ito nang walang anu-ano ay nilamas na ni Kim ang pagkalalaki niya. Pareho kasi silang nakahubad dahil kakatapos lang nilang magtalik.

"Kanina ka pa, Skyler e. Lumabas ka!Nakikiusap talaga ako! Patulugin mo naman ako, please lang!" Halos lalabas na ang lahat ng ugat sa leeg nito sa sobrang pagkainis.

Galit siya kay Skyler dahil iniwanan siya ng kiss mark sa leeg pero noong malamang galit siya ay nagiging makulit na ito at kanina pa hingi ng hingi ng sorry o 'di kaya ay pilitin siyang magsalita.

Nakailang beses na rin silang magtalik mula pa kanina. Alas dos na ng madaling araw natapos ang party pero ngayon ay mag-aalas sais na ng umaga ay gising parin sila. Gusto na talaga ng dalaga na matulog ang kaso, sa tuwing pipikit ang mga mata ay magsasalita naman ang asawa o di kaya ay kung saan-saan naglalakbay ang mga kamay nito.

"Ilang beses mo na talagang ginawa sa akin ang ganito. Wala ka na talagang awa sa alaga ko. Anong kasalanan niya sa'yo ha?" sumbat niya habang inaamo ang sumasakit na alaga.

"Junior, pagpasensyahan mo na si Kim ha. Lumigaya ka naman sa kanya kanina," bulong nito na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Kim.

"Isang salita na lang galing r'yan sa bunganga mo, Skyler! Isinusumpa ko, hinding-hindi ka na talaga makakapasok sa kwarto na ito!" Tiningnan niya ito ng masama pero ngumisi lang si Skyler sa kanya.

"Ang cute mong magalit, hon. Shit! Oo na, hindi na ako magsasalita!" Mabuti na lang dahil nakayuko siya, kung hindi ay sa ulo niya siguro tumama ang lampshade na itinapon ni Kim na ngayon ay basag na sa sahig.

"Bibili na naman ako neto. Alawans ko naman ang mababawasan kaya ka ganyan. Try mo rin kayang ibawas ang mga nabasag mo sa iyong alawans!" pagmamaktol niya at nahiga sa tabi ni Kim pero hindi na nagsalita pa ang asawa. Nagtalukbong na ito ng kumot at nagtakip ng unan sa tainga.

"Tsss. Kim? Ahm... last round--fuck!Pang-aabuso na 'yan sa asawa! Battered husband na ang kinalabasan ko a.!" Hinalikan niya ito sa balikat pero hinarap naman siya ni Kim at binigyan ng isang napakalakas na sampal. Sampal na halos ikabingi ng kaliwang tainga niya.

Tumahimik na siya nang maramdamang masakit talaga ang pagkakasampal ni Kim.

"Kung hindi lang kita mahal, akala mo magtitiis ako sa iyo?" Hindi naman niya ugali na magtagal sa ganitong babae. Naisip niya na siguro mahal na nga niya si Kim dahil mula pa naman noong nakita niya ito sa picture ay nagandahan na siya sa asawa.

"Alam mo, Kim? Tingin ko mahal na talaga kita, pero hindi pa rin ako sigurado kasi hindi ko pa naman alam kung mahal nga talaga kita. Alam mo na, nakakalito lang dahil and'yan si Stella. Mahal ko rin kasi ang babaeng yun." Napabuntonghininga siya nang maalala ang kasintahan. Ilang araw na rin itong nakikipagkita sa kanya pero hindi lang niya pinapansin dahil mas nag-eenjoy siyang makipaglokohan kay Kim.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon