38

2.7K 119 3
                                    



Chapter 38
"Hindi kim e,asawa mo siya at mas may karapatan ka sakanya".sinundan nilang tatlo si kim dito sa kwarto.Nakaupo ito sa kama habang nakatayo naman sa harap ang tatlong kaibigan.

"Hayaan n'yo na sya.H-hindi ko naman mahal yun e.I-isa pa si ella naman talaga ang mahal niya".humihikbi na sagot niya.Mas nakakagaan sa pakiramdam kapag umiyak siya ng umiyak.Total mga kaibigan naman niya ang tatlong ito kaya okey lang.

"Tama na kimmy,wag ka ng umiyak o!".naupo si aira sa kanang bahagi ni kim at hinimas nito ang likod ng kaibigan.Kahit siya ay napaiyak na din.Siya nga na kaibigan lang e nasasaktan,si kim pa kaya na asawa.

"O-okey lang ako p-promise.A-ano ba kayo?Umiiyak lang ako k-kasi...k-kasi masakit.A-asawa ko siya pero pakiramdam ko ay ako pa ang kontrabida sakanila".pilit na tumawa siya kahit na umiiyak pero tinaasan lang siya ng kilay ng mga kaibigan.

"Hindi ka ganun kimkim,si ella lang naman talaga ang bruha.Kung hindi siya bumalik edi sana masaya na kayo ng asawa mo".ayaw ni ann na isipin ni kim na ganun nga ito.Malaki ang ipinagbago ni kim magmula nang makilala nito si skyler kaya hindi pwedeng sumuko ang kaibigan.

"T-tama na iyan.M-mabait si ella.Isa pa,wala siyang kasalanan kung bakit nagkakagusto si skyler sakanya".itinapon niya ang tisyu na hawak sa basurahan na nasa tabi niya lang at kumuha na naman ng panibago para sa sipon.

"Mabait?marami ang demonyo na nagbabalatkayo.Wag kang patalo kim.Mas maganda ka kesa sakanya".naiinis na wika ni yna na naka crossed arm pa sa harap ni kim.

"Pwede ba tayong mag-usap kim?".napalingon sila kay skyler na kakapasok lang sa kwarto.Napayuko si kim para itago ang namumulang mga mata.

"Ba't nandito ka?dun ka nalang sa ella mo".galit na saad ni yna.

"Tsss.please,mag-uusap lang kami ni kim kaya pwede?iwan n'yo muna kami".utos ni skyler sa tatlo.

"Sige guys,iwan nyo na kami".pakiusap ni kim.Ayaw niyang ipakita na apektado siya sa mga nangyari.As much as possible ay itatago niya ang sakit na nararamdaman dito.

Nang maisara na ng barkada ang pinto ay lumapit si skyler sa asawa.

"Hon?i'm sorry".mahinang sambit ni skyler na naupo sa tabi ni kim.Kinausap siya ng kakambal na hindi tama ang ginawa at sinabi niya kanina kay ella lalo na sa harap pa ni kim.

"Sorry for what?".hinayaan nalang niyang kunin ni skyler ang kanang kamay at paglaruan din ng kamay nito.

"Sa sinabi ko kay ella.Alam kong mali---"

"Wala yun skyler,sabihin mo sakanya kung ano ang gusto mong sabihin.Wala akong pakialam.Fixed marriage lang naman ang nangyari sa atin kaya malaya kang ipahayag ang nais mo".gusto niyang kunin ang kanang kamay pero mahigpit na hinawakan ito ng asawA.

"Maniwala ka sa akin kim,hindi ko talaga sinasadya.Kusa nalang lumabas sa mga bibig ko pero hindi ko alam kung bakit".kahit siya ay naguguluhan din sa sarili.Mahal niya si ella alam niya iyon pero mahal din niya si kim at ayaw niyang masaktan sila pareho.

"Wala kang dapat eexplain skyler".-kim.

"Pero pakiramdam ko ay dapat kong mag explain sayo.Ayokong magalit ka sa akin.Kim,si ella kasi mahina siya.Kailangan niyang intindihin at mahalin dahil wala na siyang mga magulang".nalaman niya na ulilang lubos na si ella kaya kinupkop ito ni kevin ngayon.Bata palang ay wala itong kalaro dahil sa pulubi lang.Silang tatlong magkakapatid lang ang tanging tumanggap sakanya at ngayon ay lagi pa itong binubully sa eskwelahan.

"So?tingin mo sa akin skyler?hindi dapat mahalin?hindi dapat respetuhin?dahil mahina si ella ganun ba yun?".umakyat na ang lahat ng dugo ni kim sa ulo dahil sa narinig.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon