3

3.2K 142 3
                                    


Ang Asawa kong Nerd na Tboom pa

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 3

"Nerd, ako na lang ang gagamit ng Ducati dyan sa baba, ha." paalam niya sa akin habang nakaupo ako rito sa teraza at nagbabasa ng libro. May quiz kasi kami bukas.
"Bakit naman? Ayoko nga. Ako ang may gamit no'n eh!" naiinis na sagot ko. Kung tinatamad ako magtaxi ay ang ducati ang gamit ko. Ako talaga ang personal na bumili at pumili no'n.
"Sa 'yo na nga ang lahat ng atm ko, pati ba naman sasakyan, pagdamutan mo pa ako?" hindi ko alam kung nagtatampo sya o naiinis dahil parang isip bata. Ewan ko kung anong pinagkabalahan nito dahil minsan lang kami nagkikita.
Kapag dito sa bahay ay hindi ako lumalabas so, hindi ko alam kung nandito yan o wala. Nahiya naman akong magtanong kay Yaya.
"Hindi nga pwede kasi may pupuntahan ako," magme-meet kasi kami nina Aira ngayon at ng kambal. Usapan naming kumain sa labas.
"Tsss! Gusto mo, isumbong kita kay Tyron na ikaw ang nagpakalat ng video niya? Na ikaw talaga ang anak ng may-ari ng school?" Pananakot nito. Actually, alam na ni Aira dahil narinig niyang nag-usap kami nitong si Skyler noong isang araw pero wala pa ring nakakaalam na asawa ko ang mokong na 'to.
"Sige, go ahead. Gusto mo rin bang malaman ng lahat ng kababaihan na may asawa ka na at ako yon?" Inayos ko ang salamin ko para makita ang reaksyon niya. Lihim na napangiti ako nang makita ko ang pagkairita ng loko.
"HINDI NAMAN PWEDE ANG DUCATI SAYO DAHIL BABAE KA! BWESIT!" sigaw niya. Napalingon ang isang maid na dumaan dahil sa pagkagulat.
Sinipa pa talaga ng loko ang upuan saka ako tinalikuran.
Babae ako? 'yan ang pinakaayaw kong marinig. Sina Mommy lalo na si Tita Nicole lang naman ang nagpupumilit na maging isang babae ako. Magdamit at kilos babae. tssss... mas komportable ako sa maluwag ang damit at makapal ang salamin.
Pagbabae ka kasi, kailangan sexy ka, maganda, nagsusuot ng high heels, makeup at kung anu-ano pa. Ayoko ng ganon! tapos liligawan ka, bobolahin ka at pagmagmahal ka na ay lolokohin ka lang at iiwan kapag makuha na ang gusto nila. Mas mabuti ang ganito. Mas gusto kong ganito ang ayos ko para walang problema. Tanggapin ako ng mga taong gusto ako. Hindi kung hindi.
Kanina pa to nagtetext ang tatlo na wag ko raw silang e indian sa group date namin. Sila lang yatang tatlo na gustong makipagkaibigan sa akin. Ang iba sa school campus ay lagi kaming nilalait lalo na si Aira dahil mahirap lang yon. Sus, mas maganda pa nga si Aira kesa sa kanila or pwede rin ako?Yes, maganda ako sabi nila lalo na ng tita Nicole ko.
I used to join a beauty contest noong bata pa ako at ang pinakahuli kong sinalihan ay 3 years ago. Isang beauty pageant. Deal ko 'yon kay tita Nicole dahil pinipilit niya ako. Usapan namin na kapag manalo ako ay hindi na niya ako pipiliting maging beauty queen.
Pagkatapos ng pageant na 'yon ay doon na ako nag-umpisang magsuot ng makapal na salamin. Siguro, napagod ang mga mata ko sa kakabasa noon kaya sinubukan kong ilagay ang wala namang gradong salamin na nasa mesa hanggang sa nasanay na ako.
Sa bahay naman ay malaki ang tshirt ko kasi mas komportable ako kahit naka panty lang. Hanggang sa pa unti-unti ay lumalabas na akong ganon ang tshirt. Well, 'yong braces ko naman ay sadyang pinaayos ko talaga ang ngipin ko. May isa kasing ngipin na hindi pantay sa loob pero maayos na ngayon.
"HELLOl, KIM! PAPUNTA NA KAMI!" pakiramdam ko ay nabingi ako sa sigaw ni Ann. Nakailang ring pa lang ay nasagot na nito agad ang tawag ko.
"Gano'n ba? Saan na kayo banda?" tanong ko. Malapit lang naman dito sa bahay ang festival mall kaya okay lang na mauna silang umalis.
"Nasa sala!" sagot niya sa kabilang linya.
"Oh, akala ko ba, papunta na kayo, Ann?" Nagtataka kong tanong habang tinitiklop ang libro na binabasa ko kanina.
"Oo nga. Papunta na kami. Hinihintay lang namin si Yna dahil ang tagal pa niyang magbihis. Oh, ayan na sya. Sige, babye na. See you... I mish you, friend." Pinutol na niya ang tawag. Hindi ko alam kung bakit nagkakasundo kaming apat. Ayoko talaga ng mga babaeng maiingay dahil nakakairita at istorbo sa pagbabasa ko pero pagdating sa kambal ay hindi ako makatanggi.
-------
"Yaya, alis po muna ako. Mamasyal lang kaming magbarkadal," paalam ko sa kanya pagbaba ko. Nanditol siya sa garden at nagtatanim ng mga bulaklak.
"Oh sige, mag-ingat ka hija, ha. Kasama mo ba ang asawa mo?" Tanong niya sa akin.
"Hindi po. Iba po ang lakad niya ngayon. Sige po," paalam ko sa kanya at dumiretso na sa garahe. Ang ferrari pala ang ginamit ni Skyler. Si daddy lang naman ang mahilig mangolekta ng mga sasakyan at bago ito umalis ay iniwan ang susi sa amin ni Skyler. Nasa drawer lang 'yon ng kwarto namin nakalagay at alam niya yon. Oo, namin pero since wala sina Dad ay sa kabilang kwarto sya natutulog.
Fitted black jeans, white tshirt na hindi naman ganon kalaki pero hindi din body fit. Sakto lang na hindi mahalata ang size ng boobs ko. Bwesit! Kay tita Nicole yata ako nagmana pagdating sa dibdib. Ayoko talaga ng malaki dahil nabibigatan ako. Sabi nila, maganda raw yon sa babae. Sus, di naman. Isang black sneakers ang suot ko para madali lang sa akin pagda-drive. Pinusod ko rin ang mahabang buhok ko.
Tinanggal ko muna ang salamin ko at inilagay ang gray helmet sa ulo saka lumabas na nang buksan ni yaya ang gate.
Medyo traffic pero nakakasingit naman ako. Trip ko lang gamitin ang ducati pero hindi ako nagdadrag race. Hindi rin naman ako mabilis magpatakbo. Isa pa, aatakihin si Mommy sa puso kapag ginawa ko yon. Takot pa naman silang may masamang mangyari sa akin dahil unica hija nila ako.
Ipinark ko muna ang ducati dito sa parking area at inilagay ang helmetsa ibabaw ng ducati. Isinuot ang makapal na salamin bago pumasok sa mall.
"Frieeend/frieeend" paakyat na sana ako ng escalator nang marinig ko na may tumatawag sa akin at alam ko na ako ang tinatawag nila kahit na marami ang napalingon.
"Aahhh hindi po kayo, sya po. Si Kim po tinatawag namin," sabay turo sa akin ni Yna. Gusto kong magtago. Nakakahiya e. Napatingin tuloy ang mga tao sa amin.
"Kim, gumanda ka ngayon," puri ni Ann.
"Sus, ano'ng gagawin natin dito?" Tanong ko. Sila kasi ang nagyaya sa akin. Or sabihin na lang natin na pinilit nila ako.
"Merienda muna tayo, nagugutom ako." Suggestion ni Yna.
"Uy, sabi nyo, gagala lang tayo. Wala akong pera," reklamo ni Aira. Ang pagkakaalam ko ay nasa bahay ng kambal ito nakatira pero hindi alam ng estudyante sa school campus. Ang parents kasi ng kambal ang nagpapaaral dito.
"Sige, ako na lang ang maglibre sa inyong tatlo. Tara, starbucks tayo." Ayun, tuwang- tuwa sila lalo na ang kambal. Sila ang nagyaya, tapos ang ending ay ako rin ang gagastos.
"Uy, sina Kyler," bulong ni Ann sa amin. Nakita ko ngang nasa isang table silang apat. Himala, wala atang kasamang babae si Skyler? Si Kyler lang kaya mas napasimangot si Yna.
"Hmmp, hayaan mo sila! Cool off kami ngayon," parang bata na sabi ni Yna. Diana talaga ang totoong name niya pero Yna ang tawag namin tapos ang kakambal nya ay si Dianne at tawag namin ay si Ann.
" Ikaw lang naman 'ata ang nakakaalam na boyfriend mo sya, e." pang-aasar ni Aira.
"Alam niya yon. Matagal na. Tumahimik ka nga, Aira. Ipapagapang na talaga kita mamayang gabi kay Kuya!" pananakot ni Yna rito. Sila na yata ni Aira at ng kuya ng kambal na si Tyron pero hindi lang ako sure. Sila lang kasi ang usapan ngayon sa buong campus. Paano pa kaya 'pag malaman ng lahat na sa iisang bahay lang sila nakatira?
"Girls, dito lang kayo, ha. CR lang ako. Oh, ito, pakibili na lang kung ano ang gusto niyo." Sabay abot ng tatlong libo. Kanina pa talaga ako naiihi. Ayaw naman nilang sumama kaya ako na lang mag-isa ang mag C-CR.
"Opss, sorry!" Hinging paumanhin ko sa nakabunggo ko pero bigla akong kinabahan nang maamoy ko ang pabango niya. Napaka familiar sa akin.
"KIM? Oh my gosh!" napatingin ako sa mukha niya. Tama nga ang hinala ko.
"Stella? Kelan ka pa umuwi?" Nagtataka kong tanong.
"K-kahapon lang. Ahm, excuse me, nagmamadali ako." naiilang na sabi niya. Halatang iniiwasan ako.
"Stella, babes, ba't ang tagal mo?" Napalingon ako sa isang familiar na boses na nasa likuran ko. Pareho pa kaming nagkagulatan nang makita ang hitsura ng isa't isa.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni
Skyler na nakatingin ng masama sa akin. Sinasabi ng mga mata nito na wag kong sabihin kay Stella na mag- asawa kami. Psh! As if sasabihin ko.
"A-ahm, NO BABES! Nakabangga ko lang sya. Let's go?" todo tanggi ni Stella at hinila na si Skyler palayo pero bago ako tinalikuran ni Stella ay tiningnan muna niya ako ng masama. Ibig sabihin ay wag kong ipaalam kay Skyler na magkakilala kami.
So, si Stella pala ang sinasabi ni Skyler na girlfriend nito na uuwi.
Bwesit!
What a coincidence!
Ang ex girlfriend ko ay girlfriend na ngayon ng asawa ko at ang asawa ko naman ay boyfriend ng ex girlfriend ko.
Great! Just great.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon