24

3K 128 0
                                    


Chapter 24

"Hon? Hindi ka ba kinakabahan para bukas?" tanong ni Skyler. Nakaupo si Kim sa tapat ng dresser na nakaharap sa salamin habang nagsusuklay.

"Hindi naman. Hindi lang ako sanay na nakatayo sa harap ng maraming tao at sa akin ang mga mata nila nakatuon. Takot ako sa spotlight, bakit?" Pinagpatuloy lang niya ang ginawa. Si Skyler naman ay naupo sa kama at pinagmasdan ang bawat pag galaw ng asawa.

"Wala lang. Ahm hon? Di ba may swimsuit competition din yon?" curious na tanong ni Skyler.

"Oo, bakit?" Inikot niya ang umupuan para makaharap si Skyler na ngayon ay nakasalubong na ang mga kilay.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi? Putsa Kim! Huwag kang sumali!" galit na wika niya.

"Drama mo? Pageant yon. Malamang may swimsuit. Katawan mo ba ang ibalandra ko?" Napipikon na sagot ni Kim.

"Yon nga ang problema e. Asawa na kita, Kim, at ayokong huhubad ka sa harapan nila. Dapat hindi ka na kasali dahil may asawa ka na!" reklamo ni Skyler na ngayon ay tinatawagan na ang isang teacher nila pero unattended ang number nito.

"Wag ka ngang madrama riyan!Maging proud ka na lang. Yong iba proud na proud sa girlfriend, ikaw ganyan ka!" Nagulat sila nang pumasok si Nicole sa kwarto na nakasunod ang mag-asawang Jane at Karl.

"Tita, mommy, dad. Bakit hindi man lang kayo nagpasabing uuwi kayo?" Tumayo si Kim at mahigpit na niyakap ang mga ito.

"Na-miss ka namin baby," maluha-luhang saad ni Jane sabay yakap sa nag-iisang anak.

"Naku, bata ka! May laban ka bukas hindi mo man lang kami sinabihan. Kung hindi pa kami tumawag sa biyanan mo ay hindi pa namin malalaman!" Pagtatampo ni Nicole. Suportado talaga nito ang pagpa-pageant ng pamangkin dahil lalaki naman ang nag-iisang anak nila ni Leo na ngayon ay sampung taong gulang na si Paul.

"H-Hindi naman po importante 'yon, Tita e," napayukong saad ni Kim.

"Oo! Hindi naman talaga yon importante. Tawagan natin ang in-charged don, hon. Sabihing hindi ka na sasali"" sabat ni Skyler na binalewala ang matalim na titig ni Nicole.

"Wag ka ngang ganyan bata ka! Dapat ipagmalaki mo na may asawa kang sexy at maganda." Saway ni Nicole.

"Kahit kailan hindi ko ipinagmamalaki na magkaroon ng asawa na pinipistahan ng iba ang katawan niya. Kim, hindi ka SASALI!" giit ni Skyler na ikinasimangot ni Nicole.

"SASALI SIYA! Naku baby, 'wag mo nang intindihin ang batang to. Ako ang bahala sa'yo," pangungumbinse ni Nicole. Ang mag-asawa naman ay napailing nalang sa dalawa pero kung si Karl ang masusunod ay ayaw rin niyang sumali ang anak. Lalaki siya at kagaya nang rason ni Skyler ay gusto niya lang na protektahan si Kim.

"Ako ang asawa kaya ako na ang masusunod dahil pagmamay-ari ko na siya. HINDI KA SASALI, KIM!" pagdidiin ni Skyler.

"Aba! Kung hindi dahil sa amin, hindi ka niya papakasalan kaya TUMAHIMIK KA!" saway din ni Oli.

"Bakit hindi n'yo na lang tanungin ang anak namin para tumahimik na kayong dalawa," suggest ni Kaye sa dalawang nag-aaway.

"Haist! Tama nyo na nga yan. Sasali ako, last na'to, kaya please lang Skyler, tama na. After ng pageant hindi na ako sasali pa," determinadong wika ni Kim. Ngayon lang siya naging interesado sa pagsali dahil marami siyang bagay na gustong patunayan lalo na kay Stella.

"Tssss, ba't pa kasi kayo umuwi!" Padabog na lumabas si Skyler sa kwarto. Isang ngiting tagumpay ang sumilay sa mga labi ni Nicole.

"Baby, 'wag kang mag-alala, si Tita ang bahala sa 'yo bukas." Isang makahulugang ngiti lang ang ibinigay ni Nicole kay Kimberly.

Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon