Kabanata 11

460 17 3
                                    

KABANATA XI

Ngumiti ako nang makita ang aking sarili sa malaki kong salamin. Yumuko ako upang ayusin ang sintas ng sapatos ko. Pagkatapos ay ini-ayos ang ponytail ko. Itinaas ko muna ang aking knee pads bago hablutin ang aking sports bag.

Aalis na sana ako nang huminto ako para tignan ang kabuuan ko. Asul na jersey, white socks na hanggang binti, spandex shorts na kulay itim, knee pads na kulay itim at sapatos na kulay asul. 

Tinaas ko ang kilay sa aking sarili. Bumuntong hininga ako at pinilit ang ngumiti.

I guess I'm ready....

Papasok pa lang ako sa gate ay tampok na naman ang bulungan ng mga tao. Sa halip na taasan ng kilay tulad ng dati ay pilit akong ngumiti sa kanilang lahat. Lahat sila ay parang nakakita ng multo dahil sa aking pagngiti.

Aish! I can't! This is so cringe.

Hindi ko na natiis at umikot na ang mga mata ko.

"Ops! Ops!" Harang sa akin ng Guard. Hinarang niya ang kaniyang malaking batuta sa harap ko.

"What—" Pinigilan ko ang sariling magalit. Naglabas ako ng isang malakas na buntong hininga bago ngumiti sa kaniya. "What can I do for you... po?" pilit pang tanong, maging ang ngiti ko ay pilit na pilit rin.

Umarko ng ngiti ang labi nito. "Sabi na nga ba't may ititino ka ring bata ka! Sus... Halika at pumirma ka rito," aya niya sa akin doon sa may guard house, katabi lamang ng gate.

Pumikit ako nang mariin at humawak sa sports bag ko. Mabigat ang naging yapak ko pasunod sa guard house.

"Oh ayan, pumirma ka para sa pagcu-cutting mo noong nakaraang araw." Inabot niya sa akin ang ballpen. "Huwag kang mag-alala at para lang naman iyan sa recordings namin." Tumango siya sa akin at itinuro ang ballpen sa lamesa.

Kinuha ko na lang ang ballpen at mabilis na pumirma rito. Aalis na sana ako nang maalala ang sinabi ni Red...

"What else?" naiirita kong tanong.

"Nasaan ang first rule?" seryoso niyang tanong.

"Are you excited? Bukas pa nga, hindi ba?" I rolled my eyes.

Tumahimik siya at sumimangot.

"Fine. Oh, ngi." Ipinakita ko ang aking pilit na ngiti, ni hindi man lang ito umabot sa aking mga mata.

Humalakhak siya nang malakas.

"What else?!" nakasimangot kong sabi at ngumiti ng pilit nang lumingon siya.

"Magpasalamat ka maging sa simpleng mga bagay lang. Kahit sinong kaharap mo, kahit sinong kausap mo. May mababang posisyon man o may mataas na posisyon... Lahat ay deserve ang pagpapasalamat."

"T-thanks p-po, Manong Guard..." nauutal man ay binilisan ko ang pagkakasabi at tumalikod na agad.

"Salamat rin! Hay naku! May ibabait pala si La Victoria!" sigaw nito. Panigurado ay tawang-tawa ito dahil sa inasal ko.

Habang naglalakad papunta sa court ay parang tinatambol itong puso ko. Paano kung sabihin na ni Coach Rebecca na tanggal na ako. Mapapahiya ako roon... Hindi p'wede.

Automatikong huminto sa pag hakbang ang mga paa ko nang makita ang mga teammates ko na tumatakbo sa hallway. Nang makitang papaliko na sila sa gawi ko ay nagtago agad ako sa loob ng canteen.

Kumpleto sila... Hindi sila late?

Napagdesisyunan ko na mas mabuting dumaan muna sa room ni Coach Rebecca para ipaalam ang pagbabalik ko. Hindi para gumalang sa kaniya, kundi para hindi ako mapahiya mamaya sa harap ng MAHS volleyball team.

Taming my Ruthless CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon