KABANATA XXXIII
"Ate Ulap, let's go!" sigaw ni Yellow.
"A-alright." Tipid akong ngumiti bago hanapin ang scooter sa labas ng court.
"Parang kang tanga, Dilaw. Uuwi lang tayo sa bahay, ikaw pa ang excited. Akala mong bisita." Humalakhak si Red, tinutukso ang kapatid.
Tumalon si Yellow para batukan ang kapatid. Masyado kasi itong matangkad kumpara sa kaniyang height kaya naman kinailangan niya pang tumalon upang maabot ang ulo nito. Nagtawanan sila at umiling na lang ako habang papalapit sa motor.
Pasado alas sais na at ngayon lang natapos ang awarding. Paniguradong maninibago sa akin si Mommy dahil ngayon lang ako gagabihin ng uwi. She can understand me as long as I send her an update about me and where I am. S'yempre ay nagsinungaling ako. I said that my classmates and I already doing the thesis. Mabuti na lang at hindi siya nagtaka. Of course, hindi ko p'wedeng sabihin na pupunta ako sa bahay nina Red.
Nakapagbihis na kaming lahat nina Red. I was wearing a white nike shirt, black spandex, white socks, and nike slippers. I don't know what they were wearing, gabi na at hindi ko na masyadong maaninag dahil mahina ang liwanag na nagmumula sa mga street light.
Ipinasok ko na ang susi sa scooter at pasakay na nang may tumawag sa likod. Sabay-sabay kaming napahinto at lumingon rito. Si Red at Yellow ay napatigil din sa pagsakay sa kanilang aerox.
"Yellow! Buddy!!"
Ngumiwi ako nang makitang si Michelle ito. Dala-dala ang pares ng kaniyang sapatos at tumatakbo papunta sa amin.
"Ate Michelle! Bakit ka nagmamadali?" tanong ni Yellow.
"My driver called me and said that he can't come to pick me up, nasiraan daw kasi siya. Makikisabay sana 'ko?" Matamis siyang ngumiti kila Red ngunit pagdating sa akin ay naging peke ito.
"Osige," sagot ni Red. "Kay Ulap ka na lang sumakay, kung okay lang sa kaniya. Pupunta rin naman siya bahay namin para mag hapunan kaya parehas lang ng daraanan."
It's a no, no, no!!!
"Ano?!" gulat na tanong ni Michelle.
"Yes, Ate! Dad invited Ate Ulap!" tuwang-tuwa na sabi ni Yellow.
"Red?" tanong ni Michelle kay Red.
"Oo nga, boomerang ka?" Tumawa si Red at sumakay na sa kaniyang motor.
Nakita ko kung paanong gulat na gulat ang mukha ni Michelle na para ba'ng nakarinig ng himala. But, well yeah... This is a miracle to be exact.
"Ate Michelle you can join us!" nakangiting sabi ni Yellow.
Mabilis nagliwag ang mukha ni Michelle. Oh, no. Now that Yellow invited her too, I know this woudn't be a great night. Parang biglang nagbago ang isip kong sumama.
"Sure baby Yellow!" Kuminang ang mga mata ni Michelle nang marinig iyon. Kinurot niya pa ang pisngi ng bata. Mukhang kanina pa nga niya hinihintay na sabihin ni Yellow ang mga katagang iyon.
"Alright!" masiglang sabi ni Yellow bago sumakay sa motor. Naka-start na ang engine at mukhang naiinip na si Red.
"W-wait! Yellow ikaw na lang ang sumakay kay Ulap. Ako na rito kay Bud!" si Michelle.
I rolled my eyes.
"Huh? I thought you two were teammates?" nagtatakang tanong ni Yellow, pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.
"Sige na, gagabihin na tayo!" Pilit na ngumiti si Michelle kay Yellow at bahagya pa itong tinulak palapit sa akin.
"Oh, okay..." mahinang tugon ni Yellow, mukhang naguguluhan habang sumasakay sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Taming my Ruthless Captain
Teen FictionCAPTAINS' DUOLOGY #1 Cloud Mikasa La Victoria is the ruthless Captain of MAHS girls volleyball team. Her plan was clear on her mind: To play her last playing year momentously... not until her coach told her that she's already out of the team.