KABANATA III
"Alam mo naman sigurong hindi ka makakapaglaro kapag nalaman nila ang ginawa mo sa'kin, babe?"
My heart beats so fast, like a beat of a rap music. I can't stop glancing at his sling arm.
Gosh! Ulap! Anong nagawa mo?
I twisted his arm but not with all of my strength. Kaya kung magkakaproblema ang braso niya ay sigurado akong pinakamalala na roon ang pilay.
"Ano? Titingnan mo na lang ba ako?" he asked. When I took a glimpse of his face, damn he still wearing his playful smile. Ang malalalim niyang dimple at singkit na mga mata ay nakakapagpa-init ng dugo ko.
"L-liar..." nauutal kong sabi. Damn this boy, sa kaniya lang ako kinabahan. "I twisted your arm but not that really hard to make it have a fracture!" I shouted.
"Hmm..." Now he's walking slowly towards my direction "Ayan oh, 'di mo ba nakikita?" tanong niya habang itinataas sa harapan ko ang kaniyang sling.
I almost stop breathing when he's now standing at my front, inches away from me. Kumulo ang dugo ko nang makita ko na naman ang nakakaloko niyang ngiti.
"Inside or outside the court, no one can mess with me. Okay?" madiin kong sabi bago lapagan ng malakas na suntok ang kaliwang pisngi niya.
Finally, nagamit ko rin ang pinag-aralan kong self defense.
Nawala ang kaniyang ngiti. Ang kaniyang mukha ay automatikong nabaling sa kanan.
Pagkaraan nang ilang segundo ay saka pa lang siya nakabawi at tumingin sa akin.
"Shit... astig! pero medyo... masakit, ah." His smile faded while touching his chick. Napangiwi siya marahil sa sakit.
Pinanghawak niya sa pisngi ay iyong sinasabi niyang may fracture. Liar.
Ngumiti ako nang nakakaloko sa harapan niya."You can't fool me, idiot," I said while picking my bag at the grass.
"Wait!" habol niya.
Inis akong bumaling ng tingin sa kaniya. Ang sling niya ngayon ay nakatanggal na. Itinuon ko ang pinakamatalim kong tingin sa kaniya.
"Hindi ka nanonood ng mga youtube videos 'no? Prank 'yon, e! Nasapak pa tuloy ako," reklamo niya."Kahit kailan palpak mag-isip sila Raven amp." He whispered, but I heard it.
"Fuck you!" huling sabi ko bago tuluyang lumabas ng garden.
"I love you too!" sigaw niya at humalakhak pagkatapos.
Lumakad ako nang patalikod para makita siya. Nang ngumiti siya ay agad kong itinaas ang middle finger ko atsaka tuluyang umalis.
Akala niya siguro'y maloloko niya 'ko. Well, malapit na pero palpak pa rin siya.
Masiglang-masigla ako habang pa-akyat sa room namin. I almost hear my ears clapping because of gladness.
Pag dating ko sa classroom ay wala pa rin ang teacher namin. Inis kong tiningnan ang mga kaklase kong nagkumpol-kumpol sa isang tabi. Ano pa nga ba'ng bago? S'yempre ay mga nagmo-mobile legends na naman. Kaniya-kaniyang pwesto, kaniya-kaniyang mundo.
"Tank!!! Puta!"
"Bobo mo mag-tank!"
"Kanser kayo!"
Nakakarindi ang mga boses!
Padabog kong ibinaba ang bag ko sa aking upuan, dahilan upang makuha ko ang atensyon nilang lahat.
Nagsitinginan sila sa akin at itinaas ko naman ang aking kilay.
"Puta..." mahinang sabi ng isa. Tila nanlalaki pa ang mata nang makita ako.
BINABASA MO ANG
Taming my Ruthless Captain
Novela JuvenilCAPTAINS' DUOLOGY #1 Cloud Mikasa La Victoria is the ruthless Captain of MAHS girls volleyball team. Her plan was clear on her mind: To play her last playing year momentously... not until her coach told her that she's already out of the team.