KABANATA IX
"Ano masarap?" seryoso niyang tanong. Nakatungo sa akin, hinihintay ang sagot ko.
"No," matigas kong sabi habang pinupunasan ng tissue ang bibig.
"H-hoy! Tigas ng mukha, kaya pala naubos mo." Nginuso niya ang mangkok ko na ngayon ay ubos na.
Sa totoo lang ay first time kong makakain ng ganoon. Baka iyon na may sabaw. Looks like noodles but only soup and it has a rice for a partner.
Ang sarap, mukhang babalik ako rito pero hindi na kasama ang lalaking 'to!
"Sml?" inis kong tanong nang maubusan na'ko ng ipanglalaban na salita sa lalaki na 'to.
"So Much Love for me? Ikaw ah..." nakangising niyang sabi sa akin habang pinupunasan ng tissue ang labi niya.
"Shut up." Inilapag ko ang one hundred pesos sa lamesa at tumayo.
"Aling Eli! 'Eto po ang bayad naming dalawa," tawag nito kay Aling Eli sabay tayo para lumapit sa counter.
Tss, poor idiot.
Binilisan ko ang paglakad para tuluyan na siyang maiwanan dahil mukhang wala naman talaga siyang ideya na umalis na ako. But I was wrong.... Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang presensya niya sa likod ko.
"Oh kunin mo 'to."
"Keep the change!" sigaw ko at lalong binilisan ang pag lakad.
Nakaka-inis dahil agad niya naman akong naabutan. Nang tumapat siya sa akin ay ini-abot niya ang one hundred pesos na ibinaba ko kanina sa lamesa.
A-akala ko ibinayad niya?
"Oh, sa'yo 'yan." Ini-abot niya habang naglalakad kami.
Nagmatigas ako at lalong binilisan ang paglalakad, hindi ko na alam kung saan kami papunta. Bahala na.
"Kunin mo 'to, nag bayad na 'ko," sabi niyang muli.
"It's okay, hindi ako nagpapabayad ng akin, lalo na sa lalaki na stranger," seryoso kong sabi habang nagmamadaling tumatawid sa kalsada. Mabilis na kaliwa't kanan ang ginawa ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang may paparating na kotse at hindi ko iyon agad napansin dahil sa pagmamadali. Naramdaman ko na lang na may humatak sa akin.
"Ulap!" sigaw niya.
Nakahinga ako ng malalim nang makatabi ulit sa gilid ng kalsada.
Shit, muntik na 'yon.
"Ba't hindi ka mag-ingat." He chuckled.
"Tss..." tanging nasagot ko. Bukod sa kinakabahan ay nahihiya ako sa kaniya. Ang daming beses niya na akong niligtas ngayong araw.
Hinawakan niya ang siko ko habang tumatawid kami sa kalsada. Na-asiwa ako at baka ma-issue pa kami.
"Don't touch me," inis kong sabi sa kaniya.
Nakasimangot niyang inalis ang kamay sa aking siko. Nagulat ako nang mauna siya sa akin at pinahinto ang mga sasakyan.
"Wait lang po, Sir," nakangiti nitong sabi habang pinapahinto ang dalawang tricycle. "Hoy vape, tawid na, bilis," tawag niya sa akin.
Natutuliro akong tumawid. Naisip kong nakakahiya ang ginawa niya. Nag-cause pa ng traffic. Mabuti na lang at hindi nagalit o nainis ang mga driver sa kaniya.
Nang makatawid na kami ay saka ko lang naalala...
Where are we going? Hindi ba't gusto kong bumalik sa school? Bakit sa ibang daan ako tumungo? Shit.
BINABASA MO ANG
Taming my Ruthless Captain
Dla nastolatkówCAPTAINS' DUOLOGY #1 Cloud Mikasa La Victoria is the ruthless Captain of MAHS girls volleyball team. Her plan was clear on her mind: To play her last playing year momentously... not until her coach told her that she's already out of the team.