Kabanata XXVII
Napatigil ako habang tinitignan ang aking cellphone. Ang mga butil ng pawis ay unti-unting lumalabas sa aking noo.
"Natatae ka? Doon may cr," seryosong sabi ni Red.
"The hell are you talking about?" inis kong tanong. "Nasa loob na sila, our turn," pahina na pahina kong sabi.
He chuckled. "Kabado, ah? Sa lahat ng laro niyo nga kahit kailan hindi kita nakitaan ng kahit katiting na kaba..."
He watched me?
Common, Ulap this is not the right time to talk about that. Intindihin mo 'yong problema mo, 'yong kaba mo.
"Hoy! Tara na, hinihintay ka na ro'n." Pumalakpak siya sa harap ko habang tumatawa.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin bago maunang maglakad palabas ng convenience store.
Habang naglalakad pabalik sa clinic ay walang umiimik. Tahimik lang akong tumitingin-tingin sa paligid. Samantalang, si Red paminsan-minsan ay tumatalon at kunwaring may pinapalong bola kahit wala naman. Kung wala lang akong iniintindi ay baka kanina pa ako hinimatay katatawa.
Nang malapit na kami sa mga taong nakapila sa labas ay huminto ako.
"Bakit?" tanong niya.
"Ako mauunang maglakad," seryosong sabi ko habang tinitignan ang mga athlete sa labas ng clinic.
"Huh?"
I don't want us to be seen by others.
"Basta." Naglakad na ako palayo ngunit hinatak niya ko at dinala sa gilid ng clinic.
Maraming athlete sa harap ngunit hindi kami nakikita dahil sa kotse na nakaharang.
"What's your problem?" inis na tanong ko.
"Oh..." Inabot niya ang bottled water ko na binili kanina. Iniwan ko na ito sa convenience store, hindi ko naman napansin na dinala pala niya.
"Oo, sa 'yo na lang. My gosh, nagmamadali ako," pabulong kong sabi.
Tumawa siya at inilagay sa kamay ko ang bottled water nang hindi ko ito tanggapin.
"Inom ka muna ng tubig. Pagkatapos, inhale and exhale." Ngumisi siya.
"What the heck?" hindi makapaniwalang tanong ko. Pinahinto niya 'ko para lang painumin ng tubig?
"Gawin mo na lang, Kapitan..." He crossed her arms.
I don't know how many times he called me 'Kapitan'. I'm used to be called by that, although I don't really like it, but when he calls me 'Kapitan' it's feels like a lullaby to my ears. Parang gustong-gusto kong ulitin.
Shit! Ano ba'ng nangyayari sa 'kin?!
Sa pagkabalisa ko ay nilagok ko ang bottled water at inubos ito.
"Stay hydrated," tumatawa niyang sabi. "Inhale...."
Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa kaniya.
"Exhale..."
Ginawa ko ang kaniyang sinabi, pagkatapos ay sinamaan ko siya ng tingin.
Nagulat pa ako nang mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag at binasa.
From: Amelia
Kapitan, nasa'n ka na? Malapit na tayo! Matatapos na ang isang team.Pagkatapos basahin ay ibinalik ko na ulit sa bag ang cellphone at hinarap si Red na ngayon ay nakanguso sa harapan ko.
"I have to go..."
"Kung kinakabahan ka pa, text mo lang ako," seryosong sabi niya.
"You know what? Ang dami mong alam." I rolled my eyes but smiled a bit after.
BINABASA MO ANG
Taming my Ruthless Captain
Novela JuvenilCAPTAINS' DUOLOGY #1 Cloud Mikasa La Victoria is the ruthless Captain of MAHS girls volleyball team. Her plan was clear on her mind: To play her last playing year momentously... not until her coach told her that she's already out of the team.