KABANATA XVII
"Ayan mukhang tumitila na ang ulan!" Yellow cheerfully said. Pumalakpak pa siya bago ibalik ang tingin sa amin.
I rolled my eyes as I looked at her.
Tumingin sa akin si Red at itinaas ko na lamang ang kilay ko.
"Ano?" Tumawa siya. "Tara na bago pa umulan ulit," sabi niya atsaka tumayo.
Tumayo na rin si Yellow kaya mabilis din akong tumayo. Nang makatayo na ay pinagsisihan ko agad ang pagtayo ko nang mabilisan. Sumakit ang paa ko at kumirot. Nakalimutan kong may pilay nga pala ako. 'Gayon pa man ay hindi ko iyon ininda at pinilit na kumilos nang normal.
Kukuhanin ko na sana ang bag ko sa ibabaw ng mesa nang hablutin iyon ni Red. Kumunot ang noo ko ngunit hindi niya ako pinansin.
Nauna nang lumabas si Yellow at mukhang tinitingnan kung gaano kalakas ang ambon.
"Sorry? That's my bag," kunot noo kong sabi.
"Sorry? That's my bag," he mocked. Tumawa siya nang malakas at sinamaan ko lang ng tingin. "Inaangkin ko ba?" tanong niya.
Sasagot na sana ako nang biglang sumigaw si Yellow.
"Kuya! Ate! Mahina na!" sigaw ni Yellow mula sa labas.
"Tara na pilay na vape." Tumawa siya nang mahina pagkatapos ay lumapit sa akin at inalalayan ako sa paglalakad.
What the? Pilay na vape?
Gustong-gusto kong makipagtalo ngunit ayaw makisama nitong paa ko. Bawat hakbang ko ay sumasakit at kumikirot, ni hindi ako makapag salita. Tuwing hahakbang ay napapangiwi at pikit na lang ako sa sakit.
"Ako na, kaya ko na." Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Red sa braso ko.
I don't want him by my side. I don't know but I am not comfortable. Hindi ko alam kung bakit asiwang-asiwa ako sa presensya niya.
Kunot noo niya akong binitawan. Hindi niya inalis ang paningin sa akin. Pinagkrus niya ang kaniyang braso habang nakatingin sa akin na tila naghihintay sa kapalpakan kong gagawin.
Pinilit kong humakbang habang nakatingin sa kaniya para ipakitang kaya ko na talaga ngunit nabigo ako. Napahawak ako sa puno sa daan nang sumakit nang sobra ang paa ko. Halos napa-upo ako sa sakit. Pinilit kong manatiling nakatayo dahil ayaw kong mapahiya.
Imbis na tulungan ay tinawanan ako ni Red. Mabuti na lang at si Yellow ay nauna na sa labas dahil siguro masyado akong mabagal mag lakad. Kung hindi ay baka dalawa pa sila ngayong tumatawa. They're siblings, that's why.
Umigting ang panga ko at matalim siyang tinignan habang pinipilit makatayo nang maayos.
"Ano? Kaya mo na?" He crossed his arms more. Isinukbit niya ang sports bag ko na color dark blue. Nakalagay sa gilid ang jersey number at apilyido ko.
I just rolled my eyes and continue trying to stand on my own.
"Minsan kasi kailangan mo rin ng tulong ng iba," seryoso niyang sabi habang tinutulungan akong makatayo.
Magrereklamo pa sana ako kung hindi lang talaga masakit ang paa ko. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang maka-uwi, makakain, makaligo, at makapagpahinga sa malambot kong kama.
Ni isa sa amin ay wala nang nagsalita hanggang sa makarating kami sa gate. Tinanguan ako ng guard ngunit hindi ko na magawang tumango pa dahil sa sakit.
"Hello... Yes, Oo, Sige... And'yan ka na? Sige sige. Papunta na ko, bye," si Yellow na ngayon ngingiti-ngiti habang may kausap sa kaniyang cellphone.
Imbis na si Yellow ang pagtuunan ko ng pansin ay mas nakita ko ang masamang timpla na mukha ni Red. Nakabusangot ang kaniyang mukha habang naka tingin sa kapatid.
BINABASA MO ANG
Taming my Ruthless Captain
Teen FictionCAPTAINS' DUOLOGY #1 Cloud Mikasa La Victoria is the ruthless Captain of MAHS girls volleyball team. Her plan was clear on her mind: To play her last playing year momentously... not until her coach told her that she's already out of the team.