Kabanata 24

346 11 0
                                    

Kabanata XXIV

It felt like a cold drum of water was flashing on me. Suddenly, I'm unable to speak and move.

"Ulap! Are you okay?" Nagmamadaling lumapit sa akin si Coach Rebecca.

"I-I'm okay, C-Coach," maagap kong sabi nang makabawi.

Sa nangyayari ay hindi ko matingnan si Red. I don't know what's his reaction now that he's seeing me looks like a fool little kid.

"Come here Ulap, ipapakilala kita sa anak ko," nakangiting anyaya ni Coach Rebecca sa akin.

Lumunok ako nang ilang beses at tumingin nang diretso kay Coach.

"If only you want..." she added.

"Magkakilala na kami," sabay naming sabi ni Red.

Nagkatinginan kami pagkatapos naming sabihin iyon. Ang magkaiba lang sa amin, siya ay tuwang-tuwa habang ako ay hindi ma-ipinta ang mukha.

"Oh, sabagay hindi nga naman malabong magkakilala kayo." Tumatango-tango pang sabi ni Coach Rebecca. "Ulap, nakumpleto niyo ba ang drills niyo?" tanong nito.

"Yeah..." lutang na sagot ko at hindi pa rin makatingin kay Red.

"Osiya, Red magpalit ka na ng damit, ha? Baka sumpungin ka na naman ng hika mo! Doon ang cr! At diretso uwi pagkatapos ha, wala nang gagala!" bilin niya pa kay Red.

"'Ma naman..." Kumamot ito sa ulo at tumingin sa akin.

Agad akong nag-iwas ng tingin.

"Aba'y bakit? May gala ka na naman? Umuwi na, ha? Sige na at pupuntahan ko na sila Ulap." Hinalikan ni Coach Rebecca si Red sa pisngi bago pumunta sa akin.

"Let's go, Ulap," sabi nito at naunang maglakad sa akin.

Sinundan ko na rin siya pabalik sa court namin. Narinig ko ang pagtawag ni Red ngunit hindi ko siya pinansin.

Hindi ko lubos ma-isip na anak siya ni Coach Rebecca. Palaging nagku-kwento si Coach Rebecca tungkol sa mga anak niya pero hindi naman ako nakikinig. Ang alam ko lang ay dalawa ang anak niya, iyon lang at wala na akong alam pa. 

Habang naglalakad ay pumasok sa isip ko kung gaano sila ka-close ni Yellow noong dumayo kami sa MCHS. Ni hindi ko man lang napansin ang pagkakahawig ni Coach Rebecca kay Yellow. Si Red ay hindi niya kamukha, siguro ay sa Tatay niya ito nagmana.

Pumikit ako nang mariin at bahagyang pinukpok ang aking ulo.

Shit, Ulap! Quota ka na sa pagiging tanga ngayong araw. Bwisit!

"Ulap? What are you doing?" tanong ni Coach Rebecca na ngayon ay nakaharap na pala sa akin.

"U-uhmm... My head hurts t-that's why—"

"Naku! Pumunta ka na agad sa clinic para makahingi ng gamot! O kaya'y magpahinga ka muna sa bench natin at doon ko na ipadadala ang gamot," dire-diretso niyang sabi.

Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad.

She's good... Coach Rebecca was too kind for me. Masyado akong naging bulag noon.

Parang gusto ko na lang mawala sa kinatatayuan ko ngayon nang maalala ko ang mga pinagsasabi ko kay Red noon tungkol kay Coach Rebecca na siya pa lang Nanay niya. I told him how much I hate my Coach because she knows nothing about volleyball. He gave me advice that if I want to play my last playing year... I should be kind to my Coach. Sinabi ko rin kay Red na hindi marunong sa volleyball ang Coach ko pero sinabi niyang marunong ito dahil una niyang naging Coach ito.

Shit!

For the second time of this day, I'm was fooled again! All because of one person!

Fuck, Ulap. Hindi ka ganito dati, ano na ba'ng nangyayari sa'yo?

Taming my Ruthless CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon