Kabanata XXV
"Tell me, what's goin' on between Red and you, Ulap?" tanong ni Rowin.
Nanlaki ang mata ko at nasamid.
"Alright! I knew it!" tumatawa niyang sabi habang tinitingnan ako nang may malisya.
"W-what? Mali ang iniisip mo!" defensive kong sabi.
"Ano ka ba Ulap. 'Wag mo nang itanggi. Tsk, sa 'kin ka pa magsisinungalin? Mula bata tayo kilala na kita," tumatawa niyang sabi at umupo sa bench na nadaanan namin.
Umupo rin ako sa kaniyang tabi at sumunod naman sa akin si Rain.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon buhat nang makita ko kanina sila Red at Michelle. I want to hit that ball on Michelle's face! I badly want! Naghuhumiyaw ang puso ko sa inis ngunit hindi ko malaman kung bakit.
"I just hate him. That's all," matigas kong sabi habang hinihimas si Rain.
"Whatever you say, Mikasa." Tumawa siya.
"Damn you, David," tinawag ko siya sa kaniyang second name.
Tumawa lang kami parehas. Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami. Hindi man kami lagi magkasundo ngunit hindi rin kami mapaghiwalay. Dahil siguro kami lang naman ang magkalaro. We used to be like this before, iyong tumatawa lang at walang pino-problema.
If I only have a time machine, I will go back to my childhood days. Iyong puro laro lang, walang iniisip na kahit ano. Napakasaya ng mga araw na iyon...
"Do you still remember when I punched your face?" I suddenly asked.
Gulat siyang napalingon sa akin. Nagugulat siguro siya dahil ngayon lang ulit kami nagkaroon ng ganitong pag-uusap. Mula kasi noong mag high school kami ay halos nagkahiwalay na ang landas na aming tinahak. He has different circle of friends, samantalang ako wala.
"Yeah! My nose bleed and I cried loudly!" tumatawa niyang sabi.
"Sinuntok kita kasi sabi mo gusto mo rin maging volleyball player katulad ng mga parents natin..." nakangiti kong sabi.
"And we fight because I said that I am more skillful than you," pagtutuloy niya sa aking sinabi.
We both laughed. What a childhood memories. Bata pa lang talaga ako ay masyado na akong competitive.
"But now... I already accepted it. You won, you are more skillful than me." Tumatango-tango niyang sabi.
Natahimik ako habang nakatingin sa kaniya.
"And I am very proud of you," nakangiti niyang sabi.
Parang may kung anong sarap sa puso ko nang marinig iyon. Pagkatapos ng maraming laro, maraming failure, maraming pagsubok... iyong may magsabi lang sa'yo na proud sila sa 'yo ay nakakataba ng puso. It all paid off...
Naalala ko noon, sabay kaming nangarap na maging volleyball player. Sabay kaming nag-training, napagod, nasugatan, at sumuko. Tulad ng marami ay nagsimula kami sa wala. Nagtiyaga kami nang nagtiyaga para matutong mag-volleyball ngunit wala pa rin ang nangyari. Dumating sa point na pati sila Mommy ay sinukuan na rin kaming dalawa ni Rowin. They even said that maybe... We are not meant to play volleyball.
We didn't accepted that. Imbis na sumuko ay nagtiyaga kami. Iyong tiyaga na may kasamang pagmamahal para sa laro. Araw-gabi nasa personal court kami nila Rowin para mag-training. Kulang na nga lang ay hatiran kami roon ng pagkain. We taught ourselves. Hanggang isang araw ay napagtanto namin na nagagawa pala namin ang mga bagay na hindi namin akalain na magagawa pala namin. We learned that, in every training do not just use your skills, use your heart too. That heart will push your eagerness to learn, to push yourself beyond it's limits.
BINABASA MO ANG
Taming my Ruthless Captain
Teen FictionCAPTAINS' DUOLOGY #1 Cloud Mikasa La Victoria is the ruthless Captain of MAHS girls volleyball team. Her plan was clear on her mind: To play her last playing year momentously... not until her coach told her that she's already out of the team.