Kabanata 32

359 14 2
                                    

KABANATA XXXII

"Uh... Ulap!" tawag ni Red sa akin habang naglalakad kami pabalik sa court.

"Oh?" sagot ko. Hindi ko siya nilingon at hinintuan. Nauuna ako sa paglalakad at siya'y naiiwan sa likuran ko.

Napasinghap na lang ako nang sa isang iglap ay humarang na siya sa harapan ko. Ang hilaw na ngiti ay may pinapahiwatig na kung ano.

"What?" Itinaas ko ang kilay ko.

Ngumuso muna siya at tsaka kumamot sa ulo bago magsalita, "Ano kasi..." Hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin.

Suminghap ako at matalim ang tingin sa kaniya. "Disgusting," inis kong sabi bago siya lagpasan.

"Ano! Dinner! Mamaya! Sa b-bahay! Iniinvite ka k-kasi ni Mommy at Daddy—"

Natigil siya sa pagsasalita nang huminto ako at lumingon sa kaniya. Nakataas ang kilay at medyo gulat ang aking ekspresyon.

Ano ba kami para i-invite ako nila Coach sa bahay nila? Is there any occation?

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"A-ah sige, 'wag na. Nakakahiya, mali talaga ang ideya ni D-dad." Kumamot siya sa ulo at nag-iwas ng tingin.

"Red," tawag ko. Agad siyang lumingon. "I'll go," mahinang sabi bago tuluyang bumalik sa court.

Pagbalik namin sa court ay saktong kami na pala ang lalaro. Nagsimula agad ang laro at naging swabe lang ito. Parang pinaglaruan lang namin ang kalaban sa sobrang bilis namin itong tinapos. Hindi ko akalain na mararanasan ko itong may katulong akong gumawa para sa team. May mga katulong ako para pumuntos. Iyong nga nagpakilala sa akin kanina ay tatawa-tawa lang ngunit mga halimaw din pala kung maglaro.

Hindi na kami nagka-ilangan ni Yellow tuwing seset-an ko siya dahil kabisado ko na ang mga galaw niya. Bukod doon ay magaan siyang makitungo at sanay siyang mag-adjust. Mukhang kahit sinong makasama niya ay magagawan niya ng paraan para maging kasundo. Hindi ko maitanggi na unti-unti na akong nagiging komportable sa bata na 'to.

Nang matapos ang laro ay palakpakan ang tinanggap namin at mga papuri. Paano ba naman ay 21-6 ang score. Talagang hindi namin hinayaan na makadikit sa amin kahit kaunti ang kalaban. I guess my team in this game was just solid. Lahat may skills at utak. Walang papahuli at papaiwan.

Pagkatapos ng ilang laro ay nangyari na ang kanina ko pa napagtanto. Kapapanood ko sa mga game ay alam ko ng ang team nila Red ang makakalaban namin sa championship. Magaling at palaban din ang grupo nila kaya simula pa lang ay alam ko nang mangyayari ito.

"Ate, can we do this play?" Bulong ni Yellow sa akin habang ipinapakita ang senyas sa daliri niya. Isinenyas niya ang play na kanina lang namin inaral.

"Of course," seryoso kong sabi at ibinalik ang tingin sa service ng kalaban.

Dumating ang bola at mabilis na nakuha ito ng kakampi ko. Pagdating sa akin ay inilagay ko ang bola sa play na napag-usapan namin ni Yellow. Pinalo niya nang malakas ang bola at walang nakakuha nito. Isinakto niya pa sa mismong line kaya talagang nakanganga lang ang mga kalaban habang pinagmamasdan na bumagsak ang bola.

Damn, she nailed it. How old is she? I bet she's just fourteen. I'm starting to imagine her being so unstoppable when the time comes. I'm sure that someday... she will become a professional volleyball player. Napakalaki ng potential niya. Noon ko pa 'to nakikita ngunit sadyang binulag lang ako ng pride ko.

Tumalon-talon siya habang papunta sa akin. Nagulat ako ng yakapin niya ako. Nanatiling walang reaksyon ang aking mukha ngunit ang puso ko ay nag uumapaw sa saya. I'll love to teach her more plays even if there's a possibility that we will be rivals after the cluster meet.

Taming my Ruthless CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon