Kabanata 43

462 14 2
                                    

KABANATA XLIII

Mabilis kong pinaandar ang scooter papunta sa park. Huminto na rin ang ulan kaya pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa basa kong hoodie. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngunit ayaw kong umuwi. Nagulat ako na lang ako sa sarili nang nakitang nilalandas ko na ang daan papunta sa park.

How crazy is that, Ulap?

That park reminds me of him. That park will make me miss him even more. What a dumb decision of mine, because I am now standing in that park... Facing the swing in front of me.

Tulala akong bumaba sa scooter at dahan-dahang naglakad papunta sa swing. Umupo ako roon at tumingin sa katabing swing kung saan siya madalas umupo...

I suddenly remember him, his smiles, his laughs, his corny jokes and his dimple when he teases me... I miss him so damn much.

Pinunasan ko ang mga luha ko at bumuntong hininga. Tumingin ako sa tahimik na paligid, walang tao ngayon dahil kakatapos lang ng ulan. Bakit nga ba ako umiiyak? We're not in a relationship. In fact, I don't know what we are. Yeah, he's my suitor but I didn't answer him. Not yet...

"Ate Ulap..."

Halos mapatalon ako nang marinig ang maliit na boses na iyon. Mabilis akong humarap kay Mona, 'yong bata na nakilala namin ni Red dito sa park. Nakasuot siya ng pink na dress at pink na headband, mukhang may lakad ang batang ito.

"M-mona," natutuwa kong sabi at palihim na pinunasan ang luha.

Ngumiti siya sa akin ng tipid at tumagilid nang kaunti para silipin ang aking gilid.

"Mona?" tanong ko nang magduda sa kaniyang ginagawa. Tiningnan ko kung anong sinisilip niya sa likod ko ngunit wala akong nakita.

"K-kayo lang po?" mahina niyang tanong. Pinagkuskos ang kaniyang mga kamay at yumuko.

Nanlumo ako nang mapagtanto kung ano ang sinisilip niya kanina. Hindi ano ang tanong, kundi sino...

"Oo, e." Pilit akong tumawa.

"Nasaan po siya?"

"H-hindi ko alam, Mona. Umupo ka muna, riyan..." Inalalayan ko siyang umupo sa katabi kong swing dahil hindi niya pa masyadong abot iyon. Nang makabalik ako sa kabilang swing ay hindi niya na inalis ang paningin sa akin.

"Basa po ang jacket niyo, magagalit po si Doctor Red niyan."

Napanguso ako at hinubad kaagad ang jacket 'ko. Mabuti na lang at hindi masyadong nabasa ang t-shirt sa loob.

"Sinabi niya sa'yong gusto niyang maging Doctor?"

"Opo!" nakangiti niyang sagot.

I didn't know 'bout that... Akala ko nagbibiro lag noon si Yellow tungkol sa kagustuhan ni Red maging Doctor.

Ngumiti na lang ako at tumingin sa malayo. I didn't know what to do and what to say. Natatakot ako na baka matakot siya sa akin, na baka masaktan ko siya gamit lang ang pananalita ko. If he's here, I don't need to be scared. He has a charm that can tame people... Especially the kids.

"Nasaan po ba siya?" tanong niya habang ininawagayway ang paa sa ere. Hindi umabot ang kaniyang paa sa damuhan kaya naman ginagalaw niya ang kaniyang paa para umugoy ang swing. Napangiti ako at inabot ang hawakan ng swing para i-ugoy siya.

"Whoooo!" Tumawa siya nang malakas dahil doon.

"Hindi ko alam," sagot ko sa kanina niyang tanong.

"Po? Bakit po?"

"Bigla kasi siyang hindi nagparamdam."

"Hala... Sayang naman po. Kahapon ko pa po kasi kayo inaabangan dito."

Taming my Ruthless CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon