KABANATA XIV
Kaniya-kaniyang pwesto na ang mga teammates ko sa loob ng court. Naka-abang para sa paparating na service ng kalaban na ngayon ay nasa service line na. Hudyat at pito na lang ng referee na lang kaniyang hinihintay.
Pasimple akong humarap sa aking mga teammates para isenyas ang aming unang play. Gamit ang aking kamay ay isinenyas ko ang quick attack.
Gulat ang mukha ni Danica nang makita ang senyas kong iyon. Marahil ay nagulat siya na sa kaniya ang unang bola at quick pa iyon. Bago pa niya ako kwestiyunin ay nagtanguan na sila at muling ibinalik ang tingin sa mag-se-service na kalaban.
Hinipan na ng referee ang whistle at sumenyas ang kamay. Unti-unting inihagis ng kalaban ang bola sa ere atsaka tumalon.
Jump serve.
Agad akong pumwesto. Mabilis ang lipad ng bola at matalim ang pagkakahampas. Kamalas-malasan naman na kay Danica ang punta nito.
Gaya ng inaasahan ay hindi nasalo ni Danica ang bola. Umigting ang panga ko.
First point will be on their side.
Pumito ang referee at sinenyas ang kaniyang kamay sa kalaban.
Second, third, fourth until twenty five gonna be on my team's side.
Pinigilan ko ang sarili na pagalitan si Danica. Tinapik lamang siyang iba naming ka team.
"Danica..." tawag ko.
Agad siyang natuliro at gulat na tumingin sa akin.
"Umabante ka na. Hayaan mong sila Amelia ang rumeceive," mahinang sabi ko.
Agad naman niya itong sinunod at umabante na sa harapan, malapit sa net. Habang ginagawa iyon ay nanatiling half open ang kaniyang bibig, tila may hinihintay na kasunod sa aking sasabihin.
Tinaasan ko lamang siya ng kilay kaya't nagmadali siyang ibalik ang tingin sa bola.
Hinihintay niya sigurong pagalitan o sigawan ko siya tulad noong dati. I would like to, but... not now.
Nagpatuloy ang laro. Tuwing i-score ang kalaban ay i-score rin kami. Walang gustong bumitaw. Walang gustong magpatalo. That's what I like about rivalry. Sa huli, hinding-hindi ko hahayaang ako ang uuwing luhaan.
Service na ni Jelly. Lumingon ako sa score board sa gilid.
16-15
Lamang kami ng isa.
Habang hinihingay ang referee na pumito ay sinamantala ko ang oras para sumenyas.
Isinenyas ko sa daliri ko ang three. Ibig sabihin noon ay dadalin ni Amelia ang bola sa bandang dos pero ise-set ko sa kwatro. Kung sino mang nasa dos at middle ay tatalon para parang mang-fake.
Tumawa sila at nagsi-tanguan.
Inihagis ni Jelly ang bola sa ere atsaka tumalon nang malakas bago hampasin ito nang mabigat. Sa aming lahat, para sa akin ay pangalawa sa magaling mag service si Mae. Walang duda na over-receive ang kalaban kaya naging free ball ito sa amin.
Napangiti ako at mabilis ang kilos ng katawan para pumwesto. All set for the plan.
"Free bal!" parang nang-aasar na sigaw ni Amelia. She bended her knees to catch the ball properly. Inihatid niya ang bola papunta sa play na isinenyas ko kanina.
Tumakbo ako papunta sa dos at lumiyad para i-set patalikod ang bola papunta kwatro. Tumalon sina Danica at Myla para sa fake. Ang mga blocker sa harapan nila ay gulat na gulat sa aking ginawa. Nagtataka sila kung bakit hindi ko sinet ang bola kina Danica at Myla.
BINABASA MO ANG
Taming my Ruthless Captain
Teen FictionCAPTAINS' DUOLOGY #1 Cloud Mikasa La Victoria is the ruthless Captain of MAHS girls volleyball team. Her plan was clear on her mind: To play her last playing year momentously... not until her coach told her that she's already out of the team.