KABANATA XL
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Coach Myreen. Nagdidilim sa galit ang aking mga mata habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ramdam ko ang paghawak ni Amelia sa aking braso para pigilan sa kung ano man ang aking ikikilos. Nakakuyom na ang mga palad ko ngunit pinipigilan ang sarili na gumawa ng kahit ano.
"Girls, go back to the training," maarteng sabi ni Michelle sa mga teammates namin.
Unti-unti kong binaling ang tingin sa mga teammates na ngayon ay mga nakatingin din sa akin, humihingi ng pahintulot, pumikit ako nang mariin bago tingnan si Michelle.
"Paano mo gagawing Captain ball ang isang transferee at wala pang dalawang buwan sa team?" Sarkastiko akong tumawa.
"Girls! I said, go back to the training," iritado na sabi ni Michelle, kaunti na lang yata ay magta-tantrums na siya.
Ramdam ko ang muling pagtingin sa akin ng mga teammates ko. Hinarang ko ang kamay ko sa kanila habang nakatitig kay Michelle. Unti-unti silang bumalik at tumabi sa akin, ang mukha ni Michelle ay hindi maipinta.
"Mommy!" sumbong ni Michelle.
Hindi ako makapaniwala sa inaasta niya. Para siyang bata na spoiled at magta-tantrums kapag hindi nakuha ang gusto niya, kaya naman ang Mommy niya ay sinusunod ang layaw niya.
"Well, Ulap... Anyone can be a leader, hindi lang ikaw," nakangising sabi ni Coach Myreen at bumaling sa mga teammates ko. "Why don't you follow your new Captain's command?"
Sarkastiko akong tumawa kahit na gustong-gusto ko nang manakit. Para akong nakikipaglaro sa mga taong wala sa matinong pag iisip.
"As far as I know... Leaders should lead and not just to command. I wonder If your daughter knows that..."
Sa ilang taon kong pagiging Captain ball, natutunan kong hindi pag uutos ang trabaho ng Captain ball. Hindi dahil ikaw ang Captain ball ay ikaw na ang angat, na ikaw na ang pinaka magaling sa buong team. Hindi ganoon... Dahil ang totoong captain ball ay nagdidisiplina, nanghihikayat, nanghahatak pataas, at nakikisama gaya ng normal na player. Ni captain ball ka o hindi, walang halaga iyon dahil pare-parehas lang ang lahat. Walang mataas, walang mababa, ang tanging paghatak mo lang pataas ang mahalaga.
The role of the captain ball is to lead, not just to command. To make the teammates compromise each other, to be respected, and to be effective leader.
"Good morning, everyone."
Napatigil ang lahat sa biglang pagdating ni Madame Mommy. She was wearing her usual pumps, pencil skirt, glasses, pink lipstick and her hair was in a bun. She's also holding one notebook for monitoring of classrooms.
"Good morning, Mirriam!" Humalik si Coach Myreen kay Mommy at nagyakapan sila nang mahigpit.
Kunot noo ko silang pinagmamasdan. Magkakilala ba sila? Bakit kung magyakapan sila ay tila na-miss nila nang lubusan ang isa't isa?
"I miss you so much! I'm glad that you're already here! Sorry for yesterday, I was so busy!" si Madame Mommy.
"It's okay. By the way, congrats! Iba ka talaga magpatakbo ng school ha, hindi fake news ang mga balita!" si Coach Myreen na walang mapaglagyan ang tuwa.
"Oh, really?" Ngumiti nang matamis si Madame Mommy, nagpapakumbaba. Nakita ko pa ang pamumula ng kaniyang pisngi. "Did you already met the volleyball players that you'll going to Coach? Hindi na 'ko nagdalawang isip na ilipat ka sa field na ito dahil may experience ka rin, lalo na noong highschool tayo!" tuwang-tuwa na sabi ni Mommy.
Bihira lang tumawa si Mommy nang gan'yan, kaya naman sigurado akong matalik niyang kaibigan itong si coach Myreen. Based on what I've heard, she is also a volleyball player when they're just in high school. Kung ganoon, bakit parang hindi aware si Red? Mukhang nagulat pa nga siya noong sinabi ko na ang Mommy ni Michelle ang bagong Coach namin dahil hindi niya alam na interested din pala ito sa sports.
BINABASA MO ANG
Taming my Ruthless Captain
Teen FictionCAPTAINS' DUOLOGY #1 Cloud Mikasa La Victoria is the ruthless Captain of MAHS girls volleyball team. Her plan was clear on her mind: To play her last playing year momentously... not until her coach told her that she's already out of the team.