KABANATA XVIII
"Good morning Rain," mahinang bati ko sa alaga kong aso.
Shih zhu ito na kulay puti. Nakasanayan niya nang sumampa sa higaan ko tuwing umaga. Malambing ito kumpara sa isang alaga ko pa na si Star—palaging galit at pagkain lang ang iniintindi.
Nahilig ako sa aso noong bata pa lang ako. Ilang beses na rin akong namatayan ng aso pero binibili agad ako ni Mommy ng bago, para daw hindi ako malungkot. Wala, that's the life of the dogs. Mas maikli ang buhay nila kaysa sa mga tao. Imbis na magluksa ay itinutuon ko sa bago kong alaga ang aking atensyon.
Sumampa si Rain sa dibdib ko at parang ginigising ako nang muli kong isara ang aking mga mata.
Napangiti ako at tumingin sa kaniya.
"Miss me, hmm?" tanong ko pa at niyakap siya. Hinimas ko ang katawan nita kaya kumawag ang kaniyang buntot.
Tumahol siya na tila naintindihan ang aking sinabi. Simula kasi nang mag-start ang aming training ay hindi ko na sila masyadong naasikaso. Gigising ako nang umaga, tulog pa siya. Kapag uuwi naman ako ay hindi ko na rin naaasikaso dahil sa pagod. Mukha naman silang naaalagaan ng mabuti nila Ate Ana, ang aming katulong. Sa kaniya ko sila binilin dahil maalam siya sa pag-aalaga ng mga aso.
Nagulat ako at napaupo nang biglang bumaba sa kama si Rain. Isinuot ko ang aking tsinelas at pagbalik ko ng tingin ay naroon na siya sa lagayan ng mga sapatos.
Unti-unti akong napangiti nang ma-realize ang kaniyang ginawa. Itinuro niya ang sapatos ko dahil alam niyang may training ako ngayon. Nasanay na siguro siya sa akin dahil tuwing umaga ay nakikita niya akong nakasapatos bago umalis ng bahay.
Bumangon ako sa kama at nag-inat. Lalong lumapad ang ngiti ko nang maramdaman ang kaunti na sakit sa paa ko. Mabuti naman at kaunti na lang. Itinuloy ko ang paghakbang ng diretso at pumunta ako kay Rain para buhatin siya.
Pinanggigilan ko muna siya nang ilang minuto bago tuluyang pumasok sa cr para maligo. Napatagal ang aking paliligo dahil sinabayan ko ito ng tugtog, dahilan para hindi ko mamalayan ang oras.
Nagmadali akong lumabas ng cr at tinignan ang aking wall clock. Nakahinga ako ng maluwag. Still, I have thirty minutes before the call time.
Nagmadali akong magbihis at nag medyas. Inayos ko na rin ang aking sports bag at inilagay ang mga kailangan roon.
Umupo ako sa aking vanity table at binuksan ang blower. Hindi ako usually nagbo-blower ng buhok ngunit kailangan ko ito ngayon para matuyo agad ang buhok ko nang sa ganoon ay mai-tali ko agad.
"Hey!"
Muntik na akong mapatalon sa gulat. Sinamaan ko ng tingin si Rowin mula sa salamin sa aking harap. Nakasilip siya sa pinto at malapad ang ngiti. Naka pang-training na siyang damit at dala ang kaniyang bag.
"What do you need?" tanong ko.
"Need agad?" Tumawa siya at nagpatihulog sa higaan ko.
Inis kong pinatay ang blower at tumayo sa harapan niya. Nakapamewang ako at matalim ang tingin.
Nagmadali siyang tumayo at medyo inayos pa ang nagusot kong kama.
"Attitude," he whispered.
"Thanks." I smiled sarcastically.
Narinig ko ang matunog niyang tawa.
Hindi ko na siya pinansin at binitbit na ang sports bag ko.
"Bye, cutie!" Yumuko ako para halikan sa noo si Rain. Sumasampa siya sa, alam na alam na aalis na ako.
BINABASA MO ANG
Taming my Ruthless Captain
Підліткова літератураCAPTAINS' DUOLOGY #1 Cloud Mikasa La Victoria is the ruthless Captain of MAHS girls volleyball team. Her plan was clear on her mind: To play her last playing year momentously... not until her coach told her that she's already out of the team.