KABANATA XXXIV
Lumipas ang ilang linggo mula noong magpunta ako sa bahay nila Red. Naulit pa iyon ng ilang beses. Naging mas malapit kami sa isa't isa. Madalas ay nagkikita, kumakain sa labas at kung ano-ano pa. Kung minsan ay kasama namin si Yellow kaya naman mas napapasaya ang lakad namin.
Sa unang pagkakataon ay naramdaman kong isa akong teen ager. Napagtanto ko na mula noon ay wala na akong pinuntahan at inatupag kundi bahay, aral at court lang. That was so boring. My life before was pure black and white not until Red came into my life. He colored it with so many beautiful colors.
I don't know what's goin' on between us. I just knew that we were both enjoying every seconds that we're together. Ngunit ang nararamdaman ko sa kaniya ay wala nang duda. Hindi man namin napag-uusapan ay alam kong ganoon din siya. I am now contented in what I have.
"Ready na ba kayo athletes?!" sigaw ng host.
"Yes!"
Umalingawngaw ang sigaw ng daang-daan atleta rito sa Arena. Ngumiti na lang ako habang tinatakpan ang aking tenga. Sa ingay pa naman nila Amelia sa tabi ko ay talagang mabibingi ako.
"Alright! For lighting our torch, she played in Palarong Pambasa for six consecutive years. Girl with magic fingers... Cloud Mikasa La Victoria!!!"
Napangiwi ako nang marinig ang pangalan ko. Alam ko naman ang tungkol dito ngunit tinatamad akong tumakbo. Taon-taon ko 'tong ginagawa at hindi ko alam kung bakit ako lagi. Though, it's such a pleasure for me to light up the torch as the sign for officialy oppening the game, the Cluster Meet.
Tumakbo ako paakyat sa stage. Muling nag sigawan at palakpakan ang mga atletang katulad ko.
"Any message from our senior captain before lighting up the torch?" nakangiting tanong ng host at inaabot sa akin ang mic.
Libo-libong tao ngunit nahanap ko agad mula sa baba ang dalawang pares ng pamilyar na mga mata. Ngumiti si Red at isinenyas na ngumiti ako.
Natawa ako nang kaunti dahil pilit niyang ibinubuka ang bibig para lang ipakita sa akin ang kaniyang pag ngiti. Kinuha ko ang mic sa host at hinawakan ito nang mahigpit.
Six years of lighting up the torch... Six years of refusing for a short message. Now that I'm gonna play my last playing year, I should say something for my juniors...
"To all junior players... I just want to say that don't ever be afraid of failure because it's part of the process and definitely the way for success. And it doesn't matter what you're trying to accomplish, it's all matter of discipline." Natamik ang lahat habang pinapakinggan ang mensahe ko. "To my fellow seniors, cheers to us... and good luck to our new journey. Let's all give our best so that, in the end we will have nothing to be regret for."
Ibinalik ko ang mic sa host. Nagpalakpakan ang sigawan ang lahat. Maging si Mommy na nakaupo sa taas ng stage ay pumalakpak at malaki ang ngiti sa akin. Ngumiti lang ako sa lahat bago lapitan ang torch. Itinupi ko muna ang jacket kong naghalong pula at dilaw, ang uniform namin noong nakaraang palarong pampabansa. May terno itong pants at cap.
"Again, let us all witness the lightning of torch!" sigaw ng host. Kasabay nito ang mapanindak na tugtog.
Sinindihan ko na ang torch at nagsimulang bumaba ng stage. Tumakbo ako nang dahan-dahan sa harap ng maraming atleta. Pinipigilan ang mga luha at ninanamnam ang huling pagkakataon na makakapagsindi ako ng torch sa high school. I'm gonna miss this...
Pumapalakpak ang lahat ng atleta habang tumatakbo ako. Lahat ng tingin ay nasa akin lang. Nang daanan ko ang pwesto ng MCHS ay nakita ko agad si Red na todo palakpak sa akin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at patuloy ang pagtakbo.
BINABASA MO ANG
Taming my Ruthless Captain
Genç KurguCAPTAINS' DUOLOGY #1 Cloud Mikasa La Victoria is the ruthless Captain of MAHS girls volleyball team. Her plan was clear on her mind: To play her last playing year momentously... not until her coach told her that she's already out of the team.