KABANATA XXVI
"Ano, Ulap? Kumpleto na ba? Nasaan na ang iba? Bilisan niyo at heto na ang sasakyan!" aligagang sabi ni Coach Rebecca. Pabalik-balik ng lakad at may tinatawagan sa kaniyang telepono.
I rolled my eyes when she already turned her back to me. Napabuntong hininga na lang ako nang maalala na siya nga pala ang nanay ni Red.
Whatever, Ulap. Ano naman kung Nanay siya ni Red? Kahit naman hindi ko alam na Nanay siya ni Red, gan'to turing ko sa kaniya. But now, it's just that... nakokonsensya ako. Ngumiwi na lang ako at inabala ang sarili sa pag-aabang sa gate.
Typical day, late na naman ang mga teammates ko kahit na ngayon na mismo ang medical checking namin.
Pinipilit kong ikalma ang sarili ngunit kanina pa talaga ako kinakabahan dahil ngayon ang araw na malalaman ko kung ibinalik ba nila ako sa team. If the doctor will call me later then good, my papers was back on the list. If not... damn, I don't know what I'm going to do.
"Kapitan!" humahangos na tawag ni Amelia. Dala ang kaniyang sports bag. Her hair was still damp. Sa likod niya ay sina Danica, Michelle, Jelly, at Riza na naguuna-unahan pa sa pagtakbo papunta rito. "Sorry we're late, Kap!" sigaw ni Amelia habang nagsusuklay ng buhok.
I want to punish them right now but I just can't... Hindi pa man kami nakaka-alis ay nanlalambot na ang tuhod ko sa kaiisip kong matatawag ba ang pangalan ko mamaya.
"A-alright. Pumasok na kayo sa loob ng sasakyan, kayo na lang ang hinihintay." Inginuso ko ang truck sa gilid. Nakasakay na roon lahat ng players ng school.
Taon-taon ay ganito tuwing magpapa-medical kaming mga athletes. Hindi naman kalayuan ang clinic na aming pupuntahan, kaya lang ay sadyang maarte ang Principal—gusto ay sama-sama pang pupunta.
Kung wala lang akong inaalala ngayon baka ay kanina ko pa sila pinagalitan dahil sa pagiging pasaway. Parang kahapon lang ay napaka ganda ng usapan namin na 7 a.m ang calltime.
Kinatok ko ang pinto ng truck sa likod. "Coach, we're complete," sabi ko kay Coah Rebecca.
"Alright!" Ibinaba niya ang telepono at nagmadaling sumakay sa harapan ng truck.
Sasampa na sana ako sa truck ngunit masyado itong mataas. Kaya naman ng binti ko kaso nagkataon na leggings ang suot ko ngayon. Shit lang...
Napagdesisyunan ko kasi na mag-leggings na lang dahil wala namang training pagkatapos nito.
Nagulat na lang ako nang marami ng kamay ang nakalahad sa harapan ko. Pag-angat ko ng tingin ay mga nakangisi sa akin ang mga lalaking athletes na nagmula sa iba't ibang sports.
Itinaas ko lamang ang kilay ko habang isa-isa silang tinitingnan. Nagkalabitan pa sila at nagtawanan habang inaabot ang kamay ko.
Gagawin pa'kong pustahan. Mga gago!
Nakangisi ang isang badminton player na biglang hinawakan ang kamay ko at akmang hihilahin ako paakyat ng truck. Mabilis kong kinuha ang kamay niya at binali iyon. Napapikit siya sa sakit at agad na umatras palayo sa akin. Nagsigawan ang mga kasamahan niya habang pinagtatawanan siya.
Pumikit na lang ako nang mariin bago umakyat nang mag-isa sa truck nang walang pag-aalinlangan.
Naging maingay ang byahe namin. Kung ano-ano ang ginagawa nila. Nagkakatahan, nagsasayawan, at ang pinakamalala... iyong nagtutulukan sa tuwing magpe-preno ang truck.
Mabuti na lang at pinili kong tumabi kay Rowin sa bandang unahan. Dito ay medyo tahimik lalo na't kahilera ang mga player ng table tennis—mga disiplinado. Gusto ko mang bawalin sila Amelia na silang nangunguna sa pag-iingay dito sa truck ay hindi ko magawa. Hindi ko nga mabilang kung naka-ilang buntong hininga ako para lang pigilan ang sarili.
BINABASA MO ANG
Taming my Ruthless Captain
Teen FictionCAPTAINS' DUOLOGY #1 Cloud Mikasa La Victoria is the ruthless Captain of MAHS girls volleyball team. Her plan was clear on her mind: To play her last playing year momentously... not until her coach told her that she's already out of the team.