Ang buwan ang nagsisilbing ilaw sa madilim mong gabi. Ang buwan ang siyang may kakayahang bihagin ka sa angkin nitong ganda, magpapabihag ba ang Prinsipe sa kaniya?
Reminder-This is a work of fiction. Names, places events and incidents are only the product of the author's imagination. Resemblance to actual people, living or dead or certain events is purely coincidental.
Siya ang prinsipe ng Valdena. Si Anson Natividad, siya ay isang matigas ang ulo na bata. Hindi na kinakaya ng mga magulang niya ang ugali niya. Wala siyang pake sa damdamin ng iba.
"Mahal na prinsipe!!!"
Tumatawa akong tinignan ang mga dama na narito at hinahanap ako. Lagot sila sa aking ama!
"Napaka tigas ng ulo ng prinsipe! Hindi katulad ng kaniyang kapatid na prinsesa! Ano bang kinakain niyang si Prinsipe Anson at palaging may ganang manggulo?"
Gulo ba kamo? Hindi naman yata gulo ang tawag sa aking pagsisiya. Hanggang masaya ako ay wala akong pake sa iba. Makaalis na nga ulit rito, asan kaya si Acariya para siya ang magulo ko?
Sa Kabilang banda...
Nakikinig kami sa mga paliwanag ng aking Ina. Pinapaliwanag niya lang naman ang mga ganap sa aking kaarawan. Minsan lang mangyayari na may kasabay ako sa aking kaarawan at ang mas nagpaiba rito ay isa siyang prinsipe...Prinsipe ng Valdena.
"Clea?"
"Po?"
"Hanggang lima lamang ang iyong bilang. Kapag sumobra sa lima ay mapapapunta ka sa mundo na ginagalawan nila."
"Masusunod, Ina."
Ako si Clea Everleigh Marina, Diwata ng buwan. Ako ang namamahala ng hugis,liwanag at kagandahan ng buwan. Simula noong ako'y sinilang ay dito na kami nanirahan ng aking ina at ng mga sinasakupan namin sa mundong ibaba.
Noon ay magkahati sa lupa ang mga Prinsipe at Prinsesa at ang mga diwata. Ngunit sa pagsilang ng Prinsipe at sa akin ay may nakitang malaking digmaan sa mundong iyon kaya mas pinili nina Ina at Ama na hindi na manirahan sa mundong minsan kong ginustong makita.
Pagdating ng aking ika-16 na kaarawan ay pumwesto na ako sa gitna ng buwan. Wala akong kasama dahil alam nina Mama na mas makakabuti kung masanay ako. Hanggang sa ulap lamang naman ang aking tungo.
"Ilan nga ulit ang bilang?" Hindi ko na maalala ang bilin ng aking ina. "Hindi ako malalagot kung hindi ko susubukan." Pumikit ako at kinuha ang kumikinang na abo ng paglalakbay. Hinipan ko ito at nagbilang. "Isa...dalawa...tatlo...apat... lima...anim...pito...walo... siyam...sampo-." Mabilis na lumakbay ang aking buong katawan patungo sa ulap ngunit hindi ito huminto. "Ahhhhh!!!"
Nasaan ako?! Anong ginagawa ko sa lugar na ito?! Teka...anong lugar ba ito?
"Anson, nabalitaan ko sa ating mga kawal na ikaw raw ay nagiging pasaway na naman." Sinumbong na naman ako ng mga pesteng kawal na 'yon.
"Ama hindi iyan totoo!"
"Gusto kitang paniwalaan, anak ngunit anong patunay mo na hindi totoo ang sinasabi nila?" Bigla akong natahimik para makaisip ng posibleng masabi. "Wala hindi ba?"
"Ngunit ama-."
"Mula ngayon ay sisimulan mong samahan ang ating mga kawal sa paglalakbay patungo sa tabing dagat para magmasid ng kalaban."
"Bakit ako?"
"Dahil ikaw ang magiging hari at ikakasal ka sa prinsesa ng Taladtalran."
"Hindi kaaya-aya ang pangalan ng kahariang inyong pinili para sa aking ikakasal."
"Sila lang ang may malasakit na magalay ng prinsesa sa ating kaharian dahil ayaw nilang mapunta sa iyo ang prinsesa nila."
"Hindi ko na problema kung hindi ko siya magugustuhan, ama." Umalis na ako habang iimik pa ang aking ama. Tawagin niyo na akong bastos ngunit hindi talaga ako papayag.
"Anson..."
"Acariya." Bati ko sa aking nakababatang kapatid.
"Hindi ka pa ba titigil sa pagiging matigas ang ulo? Nahihirapan na ang ating mga tauhan sa iyo."
"Wala naman akong sinabing palagi nila akong bantayan. Alam mo ayan ang mahirap sa nakakatanda, akala nila lagi ay hindi alam ng kabataan ang ginagawa nila. Hindi nila alam a mas marami akong natututunan sa pagiging pasaway ko."
"Anson naman..."
Labing dalawang taong gulang pa lamang si Acariya ngunit alam na niya ang ginagawa niya. Alam ko rin na mas gusto niyang intindihin ako kesa sa mga tauhan pero masisira ang reputasyon niya kapag sinali ko pa siya sa gulo ko.
"Nakahanda na ba ang mga gagamitin sa inyong paglalakbay patungo sa tabing dagat?" Tanong ni Acariya sa akin.
"Oo." Walang gana akong sumagot.
"Mag-iingat kayo aking kapatid." Yumakap sa akin si Acariya ng mahigpit. Ayaw niyang may masamang mangyari sa amin lalo na sa akin. Mahal na mahal ko si Acariya at ganon rin siya sa akin.
"Oo naman. Kapag hindi ako nakabalik ay hihilingin ko sa ating bathala na huwag kang ipakilala sa kahit na sinong lalake." Humiwalay siya ng yakap at hinampas ako sa braso.
"Sana malunod ka!" Tumakbo na siya at iniwan ako sa aking silid.
Hindi nagtagal ay nagtungo na kami sa tabing dagat, gabi na kaya kami nakakalakad ng maayos. Nautusan akong maglakad sa malapit sa dagat habang naghahanap sila ng mga kalaban.
Kampante akong naglalakad-lakad lamang dito habang may nahuli ang aking mga mata.
Bakit may tao? Nilapitan ko siya at tinignan ng mabuti. Sinong nilalang ito?
"Gising!" Sigaw ko sa kaniya kaya nagising siya.
"Ina?! Ama?!" Nagpapadyak siya sa buhangin at yumakap sa tuhod niya.
"Kumalma ka! Sino ka at paano ka nakarating sa dagat ng Elfregoa?"
"Ako si Clea. Diwata ako ng buwan." Tumuro siya sa langit kung saan makikita ng mabuti ang hugis ng buwan.
Napatitig ako sa kaliwanagan nito. Sobrang ganda ng ilaw nito sa gabi. Ang sarap pagmasdan ang buwan sa tabing dagat habang sumisimoy ang hangin.
"Hindi ako naniniwala. Walang diwata sa lupa."
"Kasi lahat kami ay naninirahan sa buwan. Maniwala ka na ako'y isang diwata."
"Paano?"
"Basta! Hindi ako pangkaraniwang nilalang na naninirahan sa lupa na ito." Pinagmasdan ko ang kaniyang itsura, may pintura sa kaniyang mukha na ang disenyo nga nito ay buwan.
"Saan ka ba nakatira?" Tanong ko para maihatid na namin siya. Pasalamat siya na tutulungan ko pa siya.
"Sa buwan nga! Hindi mo naman ako maihahatid sa buwan hindi ba?"
"Pilosopo." Binuhat ko siya at isinakay sa kabayo ko.
"Saan mo ako dadalhin?! Dinadakip mo ba ako?!"
"Hindi bagay sa itsura ko ang pagdakip sa'yo! Iuuwi lang kita sa aming palasyo hanggang sa mahanap ka ng iyong pamilya."
"Hinahanap na nila ako. Anong petsa na ba?"
"Enero 29." Sambit ko sa kaniya.
"Ano?! Lampas na ang kaarawan ko!"
"Kelan?"
"Kahapon lang."
"Edi pareho pala tayo?"
"Teka palasyo? Prinsipe ka ba?"
"Oo naman. Sa gwapo kong itsura napagkamalan mo akong masama?"
"Hindi ba?"
"Hindi!"
Kakaiba ang babaeng ito sa mga prinsesang nakilala ko noon. Hindi siya kagaya ng mga prinsesang puro itsura lang ang inaatupag. Mukha siyang mabait na tao. Makakasundo siya ni Acariya...pati ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/244613416-288-k612083.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Night's Moonlight
FantasySa ilalim ng liwanag ng buwan...naging malaya sila. Naging magkaibigan sila, paano kung sa ilalim ng liwanag ng buwan ay masaktan sila? "Inaamin mo na?" "Hindi ka mahirap mahalin, Anson. Pasaway ka pero may bait ka na. Kaya mo na ang sarili mo." Jan...