Pagkatapos ng matagal na operasyon, wala pa ring malay si Mang Terio na maaaring dulot ng pagkakabaril nito sa ulo. Lumabas ang doktor upang kausapin ang taong nagsugod sa pasyente. Sa unang tingin ni Elias sa doktor mukhang naging maayos ang operasyon. Pero nang unti-unting tinagtag ng doktor ang face mask ay magkahalong lungkot at tuwa makikita. Kahit hindi kadugo, nakakaramdam ng kaba ang Elias para kay Mang Terio kaya tinanong niya agad kung ano ang kalagayan ng matanda.
"Dok kumusta po si Mang Terio?"
"Well himalang nakaligtas ang pasyente sa nangyari hindi tulad ng ibang nabaril din sa ulo na sinawing-palad. Naisara na namin ang mga sugat at natigil ang pagdurugo pero..." huminga ng malalim ang doktor.
"Pero ano po dok?"
"He lost a lot of blood na nagdulot ng pagbaba ng kanyang blood pressure and he is in the state of coma at hindi natin alam kung kelan siya magigising kaya marapat lang na maadmit siya sa ICU upang masiguro ang kanyang kaligtasan at mamonitor namin siya. Kailangang masalinan siya ng dugo sa madaling panahon. Kayo po ba ang kamag-anak?"
"Hindi po pero kabarangay ko ho at kakilala."
"Bueno, kailangan maghanda ng malaging halaga as soon as possible and a healthy blood donor with type AB negative."
"Sige ho dok. Salamat ho."
Naguguluhan ngayon ang isip ng binatang pedicab driver kung saan kamay ng Diyos kukuha ng malaking halaga at kung sino ang pwede maglaan ng dugo na angkop kay Mang Terio. Iniisip niya kung sino ang makakatulong sa kanya sa mga panahong ito.
Sa kabila naman, nakasakay na sina Selyo, Aling Luz, Mang Enteng at Crisostomo ay nakasakay na sa mga tricycle may highway. Pagdating sa St. John Hospital, inabutan nila sa labas ang problemadong Elias. Nilapitan ni Crisostomo ang kapatid at kasama ang iba ay pumasok sa ospital. Habang naglalakad sa pasilyo ng ospital patungo sa kwarto ni Mang Terio, nakita nila ang ilang mga taong nag-iiyakan na maaaring sanhi ng pagkasawi ng mahal sa buhay at ilan na may luha sa mga mata ngunit kabiyak ng matamis na mga ngiti.
"Kailangan natin ng malaking pera upang ibayad sa pagpapagamot at pagpapa-ICU ni Mang Terio," sabi ni Elias sa mga kasama.
"Kung alam mo lang eh pakana lang ng admin ng ospital na ito na ilagay sa ICU ang mga pasyente para mas lumobo yung bayarin dito," katwiran ng kapatid na si Crisostomo.
"Hindi naman siguro. Malamang sa malamang, matindi ang nangyari kay Terio at naipasok siya sa ICU awan di natin mapipiho,"-nagkibit balikat si Mang Engteng-"Ikaw ba namang tamaan sa ulo ng bala, hindi ka kaya mag-agawbuhay. Ito naman ay sa opinyon ko lang awan kung ano nga ba ang hatol ng siyensiya.
"At siya nga pala, sabi ng doktor na si ... Kailangan masalinan si Mang Terio ng dugo na compatible sa kanya sa lalong madaling panahon. Maraming dugo ang nawala sa kanya."
Nakalimutan ni Elias na kunin ang pangalan ng doktor na kausap kanina pero sa malinis na mukha nito na walang bigote at balbas at sa tangkad nito tiyak makikilala niya ito kapag nakita niyang muli sa loob ng ospital. Hindi nga nagkamali si Elias nang makita niya mula sa malayo ang mismong doktor na sa labas ng kwarto ni Mang Terio.
Ang hindi niya makilala ang taong kausap nito na nakatalikod sa kanila at hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong makilala ito dahil agad itong umalis.
"Teka ano bang type ni Mang Terio ha Elias," pag-uusisa ni Aling Luz.
"Ho? Uhmm... Ah basta dahil wala na atang natirang kamag-anak si Mang Terio mabuti pa magpatest tayo."
Humarap sa kanila ang doktor, "Oh do you have a donor?"
"Doktor ano nga ho kayo?" tanong ni Elias.
BINABASA MO ANG
Domino Effect: Child of Destiny
Mystery / Thriller"Sa dilim lang makikita ang pinakamaliwanag na katotohanan ngunit sa nakakasilaw na liwanag nagtatago ang pinakamadilim na kasinungalingan" Sa mundong palihim na namumuno ang mga pantas-mga taong may mataas na karunungan, namumuhay ng masaya at tahi...