Naubos na ang oras para magsagot.
Kahit hindi pa nakakatapos ang iba, napilitan silang magpasa pero hindi ang tatlong magkakalapit na mga estudyante. Halos sabay nagpasa sina Altair, Newton at ang babaeng hindi pa nagpapakilala sa kanila. Mababakas sa mga mukha ng hindi nakatapos ang pangamba na maging mababa ang iskor at manganib ang kanilang pagkakataong makapasok sa paaralan. Bukod sa dekalidad ang edukasyon sa paaralan, mayroon itong kataka-takang mababang tuition.
"You may now go home and wait for the results to be posted in the school's facebook page."
Kanina pang nasa labas ang tatlo habang papalabas pa lang ang ibang mag-aaral. Sa loob ay abala ang mga naiwan sa pag-iimis ng kanilang gamit.
"Oh pwede na ba kaming mag-usap ha miss?"
"Of course."
"Teka parang kilala kita," sabi ni Altair. "Ikaw ba si Scarlet the artist?"
"The one and only," tugon ni Scarlet.
May pumukol na alaala kay Newon. "Scarlet Rose A. Manalo ikaw pala yun."
"Nagustuhan mo ba yung mga paintings ko?" tanong ni Scarlet kay Newton.
"May laman ang mga obra mo Ms. Manalo."
"Scarlet na lang. Nagustuhan mo ba?"
"Well sensational ang mga paintings mo dahil ipinapakita nito ang mga problema sa lipunan at mga political satires kaso hindi ko alam na tunay na pangalan mo yung Scarlet Rose, akala ko alias mo lang yun."
"Ang tapang mo naman Scarlet," papuri ni Altair. "Yung isa sa mga kontrobersyal mong likha—"
"Hindi pa rin sinasabi ng binatang kasama mo Ginoong De Zuñiga kung nagustuhan niya ang mga ipinta ko."
Siniko bahagya ni Altair si Newton na may ipinahihiwatig.
"Oo nagustuhan ko."
Natigil ang pag-uusap ng tatlo nang magsilapit ang mga dalagang iisa lang ang pakay.
"Hi Altair, ang angas naman ng peklat mo mukha," sabi ng isa.
"Sana magkaklase tayo hihihi," natutuwang wika ng isang babae.
Bago pa dumumog ang mga tagahanga ni Altair, lumabas na agad sila school. Habang tumatakbo palayo sumigaw ang isang dalaga, "Scarface!"
Nagmamadali silang tumawid sa kabilang banda ng highway at dumiretso hanggang makarating sa isang cafe. Ang una nilang dinatnang bakanteng mesa ang kanilang pinuwestuhan. Dahil bawal tumambay sa loob ng may aircon ng tindahan kapag walang order. Nag-usap sila kung ano ang bibilhin at nagkasundo ang tatlo.
Nang lumapit ang waiter, si Altair ang nagsabi ng bibilhin nila, "Cappuccino Frappé kaming tatlo."
"Saan ba tayo naputol mga ginoo?"
Sumagot si Altair, "Ang pinakakontrobersyal mong gawa ay yung ridicule ng The Last Supper ni Leonardo Da Vinci. Si Hesus ay ang pangulo tas ang labindalawang apostol are the recently elected senators in his coalition."
"At alam nyo ba kung ano ang nakakagulat? Hindi sina Pangulo ang unang tumuligsa sa aking obra, walang iba kung hindi ang simbahan."
"Syempre ginawa mong katatawanan ang Panginoon," sagot ni Newton.
"It is more of a praise than insult," wika ni Scarlet. "Ginawa kong banal sina presidente at mga senador."
Nasamid si Newton habang iniinom ang frappé sa napakinggan. Talagang matatapang mga babae ngayon.
Sariwa pa sa isip ang larawan. Mga pamilyar na mga katauhan pero sa halip na tinapay ang nasa mesa o kalis ng alak bilang handa sa piging—makapal na tumpok ng salapi. Sa mga mukha ng mga persona sa larawan, mga ngiting may bahid ng panloloko—tipikal na politiko.
Lingid sa kaalaman nina Altair na nasa dulong mesa nakaupo sina Domino at ang bagong 'kaibigan'. Medyo mahina ang mga boses ng dalawa kaya hindi sila napapansin ng mga kasama. Humahadlang din ang ibang kostumer na nag-uusap na nasa pagitan ng mesa nina Altair at Cattaleya upang magkarinigan ang dalawang panig.
Hindi ipinahahalata ni Cattaleya na alam niyang na kasama nila sa loob sina Altair. Hindi rin halata na kanina pang pagala-gala ang kanyang tingin dahil masyadong mabilis at nakakahalina ang malaperlas ng mga mata.
"Rizalian?" tanong ni Cattaleya habang nakatingin sa damit ni Domino.
"I'm sorry?"
"Your clothing says it."
"Ah ito ba? Iniidolo ko talaga si Rizal. Talino ang ginamit niya upang gisingin ang kanyang mga kababayan."
"Sa tingin mo Domino, kung nabuhay pa ng matagal-tagal si Rizal noong rebolusyon laban sa mga Kastila, naging Simoun kaya siya?"
"Interesting yang tanong mo. Magiging radikal nga kaya si Rizal buhat sa kanyang mga naranasang pagmamalupit mula sa Kastila? Hindi nagtagumpay si Crisostomo Ibarra kaya naman, naging mapaghiganti siya bilang si Simoun."
"You have a point, Rizal didn't fail so there is no point to be Simoun in those trying times."
Tila ba nakahanap ng bagong kaibigan si Domino kay Cattaleya. Kahit nasa isip pa niya ang pagsingit nito sa pila, hindi na niya ito ininda. Ang mahalaga ay nadadagdagan ang kaniyang kaibigan. Una si Altair at ngayon naman ay si Cattaleya.
Binabagabag pa rin siya ng pangyayari at hindi pa niya alam kung paano ipapaliwanag sa tatay niya na ganoon ang nangyari. Yung pinapangarap kong paaralan, kanina abot kamay ko na, ngayo'y hanggang tingin ko na lang. Hindi lang naman yun ang dahilan kung bakit ako lumipat mula sa Daanghari papunta dito. Delikado, ramdam ko sa paaralan ko dati na mapangib na dahil sa naganap na pagpatay na hindi man lamang namalayan ng mga bantay.
Parang nababasa ni Cattaleya ang naiisip ng kaharap. Alam niyang ito ang hindi mapalad na dalagang hindi nakaabot. Katulad ni Altair, may dahilan din ang pagpasok ni Cattaleya sa YES na hanggang ngayon ay siya lang at siya lang ang nakakaalam.
Lumingon uli si Cattaleya sa tatlong nasa mesang malapit sa pinto. Nananadya ba sila? Hindi niya alam kung nagkataon lang na nandito sila o kaya sadyang sinusundan siya ni Altair. Noong nasa Europa ang mga Aragon kasama na si Cattaleya, sumunod din si Altair. Hindi lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Cattaleya na nanunuyo sa unica hija nila ang unico hijo ng mga De Zuñiga pero ang pinagtataka lang nila ay bakit hanggang ngayon ay wala nikatiting na interes si Cattaleya kay Altair.
Ngayong nasa sa Pilipinas na si Cattaleya at papasok sa prestiyosong akademya sa Felicidad, sumunod din ang binata. Mukhang walang bundok o dagat ang kanyang
Napatigil bigla ang tingin ni Cattaleya sa binatang ayaw niyang makita. Sa puntong iyon, napansin ni Domino na hindi sila nag-iisa. Sinundan niya ang tingin ni Cattaleya at nakita niya si Altair kasama si Newton at ang isang babae.
Humarap si Cattaleya kay Domino. "Looks like we have company. Kilala mo sila?"
"Uhm yung mga lalaki lang, si Newton at si Altair. Yung babae...hindi ko kilala."
"Hmmm...ubusin na natin itong macchiato natin at yung croissant."
"Tatawagin ko na sila."
"Huwag na, ayaw kong makita ako ni Altair."
"Bakit naman? Di ba may gusto—"
"Basta."
Ipinaling ni Cattaleya ang kanyang ulo palayo na hindi makikita ng kausap. Ang maamong mukha, naging mukhang bulkang nag-aalburuto. May iniisip si Cattaleya at mukhang hindi yun maganda. Tumayo siya at nagpaalam sa kasama na gagamit lang ng palikuran. Iniwan niya ang kanyang cellphone na pinakabagong modelo ng IPhone sa ibabaw ng mesa at tumungo na sa CR.
Habang nag-uusap sina Altair tungkol sa naging eksaminasyon, nabigla sila nang sumulpot si Domino sa harap nila. Natahimik lang ang mga binata habang si Scarley ay tuloy sa pag-inom ng frappé.
"Kanina ka pa dito Ino?" tanong ni Newton.
"Oo, kanina mula noong almost 10 am."
"Lampas isang oras ka na dito?"
"Newton sino itong magandang binibining kaibigan nyo?" tanong ni Scarlet.
"Siya si Domino."
"Ikinagagalak kong makilala ang singganda kong dilag, ako nga pala si Binibining Scarlet Rose Manalo."
"Ah yung artist ng viral na The Last Sucker."
Napaisip si Newton. "Last Sucker?"
Ilang saglit lang, may pumasok sa isipan ni Newton. Ah kuha ko na kung ano yun.
"Sinong kasama mo?" tanong ni Altair.
Kahit may pag-aalinlangan, "Si... Cattaleya."
Nagkatinginan ang tatlo.
"Si Cattaleya!"malakas na sambit nina Newton.
"Nasaan siya?" tanong ni Altair.
"Nasa CR. Siya ang nag-imbita sa akin."
"Umupo ka Domino kasama namin," imbita ni Scarlet. "Sumali ka sa aming pagkwekwentuhan."
Naikwento nina Domino kay Scarlet ang nangyari kanina at kung bakit hindi siya nakaabot para sa qualifying exam. Napatingin si Scarlet kay Altair at napailing sa dismaya. Sinisipat ni Scarlet sa may palikuran ang presensya ni Cattaleya—pero wala. Nahinto ang pag-uusap at nagpalitan lang ng tingin ng pagtataka ang mga kabataan. Tinanong ni Domino ang isang crew kung napapansin nito ang isang babae na pumasok sa CR. Pero lalong tumindi ang pagdududa nang malaman sa crew ang totoo.
Walang babaeng pumunta sa CR.
Hindi sa palikuran pumunta si Cattaleya—sa Fire Exit.
Bigla niyang naalala na naiwan ni Cattaleya ang kanyang cellphone sa mesa. Buti na lang walang nagkainteres dito at kumuha. Pumunta ang tatlo sa mesa nina Domino at tinanong kung ano ang nangyayari. Sa una, pagkagulat ang naging reaksyon nila.
"Bakit niya iniwan ang cellphone niya?" tanong ni Newton.
Biglang may tumunog.
Una nilang tiningnan ang mamahaling cellphone sa harap nila pero hindi galing dito ang tunog. Kinuha ni Domino ang kanyang cellphone at nakumpirma nga niya na dito nga galing ang tunog.
"Hello sino ito?"
"Ito ba si Domino Vergara?" Malalim na tono ang lumalabas sa cellphone.
"Kayo ang tumawag tas kayo ang nagtatanong. At saka pa'no mo nakuha ang number ko?
"May iaalok ako sayo na hindi mo matatanggihan." Mas mataginting ang boses ng lalaki na parang may edad na ang nakikipag-usap.
Tumahimik lang si Domino at hinihintay na ituloy ng kausap ang winiwika.
"Malalaman mo rin sa tamang panahon at pagkakataon."
"Sino ba ito?"
Naputol na ang tawag at sumunod namang tumunog ang cellphone sa mesa. Dinampot ito ni Scarlet at sinagot.
"Hello, sino ito?" tanong ni Scarlet.
"Ibigay mo ang cellphone kay Domino," sabi ng tumawag.
"Ibibigay ko na."
Iniabot ni Scarlet ang cellphone kay Domino.
Mabilis ang mga pangyayari at hindi maunawaan ni Newton kung bakit marami ang natawag sa kaibigan.
Kahit hindi nila napakinggan ang unang pag-uusap, alam nilang may nangyayaring hindi nila nalalaman.
"Ito si Domino Vergara, anong kailangan niyo?"
"Susundin mo lahat ng sasabihin ko. Huwag kang maingay Domino, si Cattaleya ito." Sa tinig pa lang hindi mapagkakaila na tiyak ang kausap.
Si Cattaleya?
"Nakikinig ako."
"Iwan mo ang mga kasama mo dyan. Sabihin mo sa kanila na huwag silang sumunod dumaan ka sa fire exit ng tindahan na yan. Dumiretso ka hanggang makita mo ang isang bakanteng lote. Doon makikita mo ang isang itim na kotse. Lumapit ka doon."
"Tapos?"
"Huwag mong sabihin na si Cattaleya ito."
"Paano kapag ayaw ko?"
"Hindi maaarI, kailangan kita at kailangan mo rin ako."
"Sounds interesting."
"I'll be waiting but not for long. And by the way, bring me my phone."
Natapos ang tawag.
Nakakadalawang tawag na ako ngayong araw. Teka sinong magbabayad nitong inorder niya?
Tumingin si Domino sa mga kasama. "Puntahan ko lang si Cattaleya sa CR at mag-CCR na rin ako."
"Anong sinabi ng mga kausap mo Domino?" tanong ni Altair.
"Yung una, hindi ko sigurado kung sino?"
"Prank caller?" usisa ni Scarlet.
"At yung pangalawa, papa ni Cattaleya."
"Anong sabi niya sa'yo?" tanong ni Newton
"Hinahanap niya si Cattaleya."
Kahit hindi niya gusto, nagsinungaling siya sa mga kasama. Pumunta si Domino sa may likuran dala ang IPhone. Ngayon, nasa harapan niya ang pulang pinto na may nakalagay;
FIRE EXIT
Nag-uusap pa rin sina Altair sa loob tungkol sa dalawang tawag na natanggap ni Domino. Dahil ngayon lang nila nakilala si Domino, si Newton na kaibigan niya ang kanilang tinanong. Itinanong nila kung may nakakaaway si Domino, pinagkakautangan, may manliligaw. Pero wala lahat ang sagot ni Newton kina Altair.
Dumating ang waiter at dala ang isang pirasong papel na mukhang bill ng binili nina Domino. Lumapit ang waiter kina Newton at napakamot sa ulo. "Excuse po, nasaan po nakaupo rito."
Sumagot agad si Altair, "Nasa CR sila."
"Ganun po ba. Pakisabi po na heto ang resibo ng mga inorder nila."
Pilit na ngiti ang iniharap ng waiter sa mga kaharap at bumalik na uli sa puwesto.
Kanina pang naghihintay ang tatlo sa mga nasa palikuran. Kada segundong lumilipas ay mas tumitindi ang nararamdamang paghihinala nila. Maraming nang lumabas at pumasok na kostumer pero wala pa rin ang dalawa kaya itinanong na ni Altair sa crew kung nakita niya ang dalawang dalaga. Sumagot ang crew at napaatras si Altair. Bumalik siya sa mga kasama upang sabihin ang nangyari.
"Nakaalis na silang dalawa. Sa Fire Exit, doon sila dumaan."
BINABASA MO ANG
Domino Effect: Child of Destiny
Mystery / Thriller"Sa dilim lang makikita ang pinakamaliwanag na katotohanan ngunit sa nakakasilaw na liwanag nagtatago ang pinakamadilim na kasinungalingan" Sa mundong palihim na namumuno ang mga pantas-mga taong may mataas na karunungan, namumuhay ng masaya at tahi...