Kabanata 16

2 0 0
                                    

Naglalakad si Domino sa may sementadong daan at papunta na siya sa lokasyon na sinabi ng kausap. Nakikita na niya kahit malayo ang bakanteng lote at nakita niya rin ang isang mahabang kotse na litaw na litaw sa paligid ang pagkaitim nito.
Hindi na nagsayang ng oras si Domino at lumapit agad sa kotse. Unti-unting bumaba ang bintana sa gitna ng limousine at nakita niya ang hinahanap. Bumukas ang pinto at niyaya si Domino na pumasok. Isinara ni Domino ang pinto at dumilim bahagya sa loob ng kotse. Sa likuran nakapwesto ang mga matipunong bantay na nakita kanina ni Domino.
"Walang nakasunod sa'yo?"
"Wala. Ano bang kailangan mo?"
"Nabalitaan ko ang nangyari sa lolo ko dito sa probinsya."
"Anong kinalaman ko rito?"
"Malalaman mo rin pero bago iyon, yung IPhone ko muna."
Ibinalik ni Domino ang cellphone kay Cattaleya.
Sumenyas si Cattaleya sa driver at umandar na ang kanilang sinasakyan.
Tumingin si Cattaleya sa mga mata ni Domino. "Let's start."

Binayaran ni Altair ang mga inorder nina Domino at kasama sina Newton ay lumabas sila sa may Fire Exit.
Hanggang tingin na lang ang manager sa mga kabataang umalis sa may pulang pinto. "Ang mga kabataan talaga ngayon...Tsk tsk tsk."
Binagtas ng magkakasama ang sementadong daang nasa harap nila. Maraming mga puno sa kaliwang bahagi ng daan habang kabahayan naman ang sa kanan. Nagpatuloy sila hanggang marating nila ang isang bakanteng lote.
Lumingon sa buong paligid si Newton. "Nasaan si Domino?"
Parang hindi siya napakinggan ng mga kasama na nagpatuloy sa paghahanap.
Napansin ni Altair ang mga sariwang bakas ng gulong sa malambot na lupa ng lote. May sasakyan dito kanina na kakaalis lang. "Guys," tawag ni Altair. "Look here, mukhang may sasakyan kanina dito."
Lumapit sina Newton at Scarlet. Ininspeksyon ng dalawa ang sinasabi ni Altair na mga bakas ng gulong.
"Mukhang nasa isang kaso tayo ng pagdukot mga ginoo."
"Are you saying Scarlet that Domino has been kidnapped?!" Bigla kumunot ang noo ni Altair sa pagkabahala.
"Hindi maaari, hindi maaaring madukot si Domino,"sambit ni Newton.
"Let us not jump into conclusion," payo ni Altair.
"Subukan mo tawagan Newton ang iyong kaibigan."
"Sige tatawagan ko."
Idinial ni Newton ang numero ni Domino at tumawag. Tumutunog lang at ang cellphone pero walang nasagot. Inulit niya ang nagpalalagay ng mga numero at muling tumawag.
Wala pa rin.
Tumunog ang cellphone, The subscriber cannot be reached, please try again later.
Hindi maunawaan nila ang mga nangyayari. Una, nakipag-usap si Cattaleya kay Domino. Pangalawa, dumaan ang dalawa sa lagusan sa likod at huli ay ang biglang pagkawala nina Domino.
"Baka patay ang cellphone,"wika ni Newton.
Sinundan ni Altair ang bakas na nakita niya at napansin niyang ito ay patungo sa labasan. Biglang pumasok sa kanyang isip ang sasakyang itim na nakita kanina sa harap ng paaralan. Baka magkasama na ngayon si Cattaleya at Domino.
Blanko pa rin sila sa maaaring motibo ni Cattaleya.
"Mabuti pa tumawag tayo sa kinauukulan," sabi ni Scarlet.
Sumangyon naman ang dalawa sa sinabi ng dalaga. Naisip nila na mas maganda kung may katulong sila sa paghahanap kay Domino at Cattaleya. Ang inaalala nila ay baka lumaki ang isang pangyayari na maaaring walang malisya.
Ngayon, hanggang hinala lang sila.

Sa loob ng naandar na limousine, patuloy ang naging pag-uusap ng dalawa.
"Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng ito?" pagtataka ni Domino. Hindi niya alam kung paano siya nasabit sa mga plano ng kausap.
"No more questions. I seek answers. May dahilan ang lahat. May dahilan kung bakit ako nagbalik sa bansa at pumasok sa YES at may dahilan din kung bakit ka sangkot dito."
Nakatitig lang sa kanya si Domino, hindi kumikibo at kumisapmata.
"Sabi nga aking ama na si Dr. Felix Aragon, isang premyadong plastic surgeon, na aking biological father ay narito sa Felicidad."
Lalo lang nagtaka si Domino sa sinabi ni Cattaleya.
Itinuloy ni Cattaleya ang salaysay. "Bago siya mamatay, ipinagtapat niya sa akin na ang aking tunay na ama ay naririto. Nanganganib daw kami ng ama ako kaya ako ay ibinigay niya sa kinilala kong ama. Para maitago ang katauhan ng aking ama, nagpaplastic surgery siya sa aking ama sa kanyang klinika sa Maynila. Hindi niya nabanggit ang pangalan nito pero sinabi niya na isa siyang Espirito..."
Parang hinigop ang diwa ni Domino papunta sa ibang realidad. Hindi siya makapaniwala.
Nahalata ni Cattaleya ang pagkabigla ni Domino. "Hmmm... I told you so. I have many connections at alam kong konektado ka sa hinahanap ko at konektado kay Arterio Espirito."
Unti-unti na sumisiksik sa isip ni Domino ang nangyayari. Si Mang Terio ang tinutukoy niyang lolo. At ang ama niya—si Marcos Espirito?!
"Alam kong kilala mo si Arterio Espirito at maaaring matulungan mo mahanap ang aking ama."
Bakit sa akin? Bakit hindi sa mga kapulisan.
"The police shouldn't meddle with this." Parang nabasa ni Cattaleya ang iniisip ni Domino.
"Why not?"
"That would enough for now. Thank you for your time." Sumenyas muli siya sa driver at tumigil ang sasakyan.
Bago bumaba sa itim na limousine tumawag si Cattaleya kay Domino, "Huwag mong sasabihin ang mga napag-usapan natin, it's a matter of life and death."
"Kung ano ang mga nagpag-usapan sa kotse na ito hanggang dito na lang. You have my word."
"I hope so. Okay I have to go."
Isinara niya ang pinto at umaandar palayo sabay ang usok na sinlabo ng mga nangyayari.
Napansin na lang ni Domino na ibinaba siya nang hindi sinasadya sa may kapitolyo.
Lumingos si Domino at tama nga ang nakikita niya—wala na ang mga nagrarally. Tahimik na ang paligid pero napansin niya na naiwan sa may kalsada ang mga karatulang ginamit kanina. May nangyari ba sa mga nagrarally at biglang ganito?
Tinawagan kaagad niya si Newton para sabihing narito siya sa tapat ng kapitolyo.
Walang sinayang oras sina Newton at agad pinuntahan si Domino na naghihintay sa may kapitolyo. Sa daan nakasabay nila ang mga kabataan pauwi na rin sa kanilang mga tahanan, kasama na ang mga kadalagahan na may pagtatangi kay Altair na bumubuntot sa paglalakad ng tatlo.
Lumingon si Newton para tingnan kung sino ang mga sumusunod sa kanina na kanina pang nagbubulungan. Sana ako rin guwapo.
Mukhang wala sa isipan ng mga babaeng nasunod na tigilan ang makisig na binata at tila ba parami na sila ng parami.
"Altair bilis-bilisan natin, mukhang may nakakasunod," bulong ni Newton.
Napalingon si Altair at nang makita ng mga babae ang mukha niya—nagtakbuhan ito. Walang ibang gagawin kung hindi tumakbo.
Bumulong si Altair, "Takbo!"
Bumilis ang kanilang paggalaw at namalayan na lang nila na natakbo na sila at gayundin ang mga humahabol sa kanila. Naramdaman nilang malapit na sila nang marating ang unang kanto na dinaan kanina nina Newton at Domino.
"Mukhang hindi sila nababawasan Altair, nadadagdagan pa!" hingal na wika ni Newton. Takpan mo kaya yang mukha sa susunod."
"Magandang suhestyon ginoo," dugtong ni Scarlet
Biglang tumigil ang mga humahabol.
Katahimikan.
Sunod ay kaguluhan.
Ang mga aktibista kanina na nasa harap ng kapitolyo ay pinagdadampot ng mga kapulisan, yan ang paliwanag kung bakit tanging mga karatula lang nila ang naiwan nakikipaglaban sa kalsada. Malaya pa rin ang kanilang mga prinsipyo pero hindi ang kanilang mga katawang lupa na ngayon ay nakaposas at dadalhin na sa istasyon ng pulis.
Pagliko nina Altair sa kanto, nakita na nila si Domino—walang labis, walang kulang, buong-buo. Nakatingin lang ito sa kalsada kung saan nakalapag ang mga karatulang naglalaman ng mga pahayag;

PAGBABAGO!
IBAGSAK ANG ADMINISTRASYON
MABUHAY MGA HIPOKRITO & HIPOKRITA
WAG ISUKO SA TSINA ANG PINAS
TRABAHO.TRABAHO.TRABAHO

"Domino!" Hingal na hingal na si Newton.  "Saan ka ba nanggaling at hindi ka rin macontact."
Sariwa sa diwa ni Domino ang pakiusap ni Cattaleya, Huwag mong sasabihin...it's a matter of life and death. "Guys ayos lang ako," wika ni Domino. "Nagkakwentuhan lang kami ni Cattaleya at niyaya niya akong pumunta sa bahay nila sa Pacifica pero tumanggi ako. Kailangan kong umuwi para masabi ko ng personal kay tatay na...hindi ako napasok."
"Tara na," sabi ni Altair. "Baka madampot pa tayo at mapagkamalang nagrarally."
"Saan?" tanong ni Domino.
"Uuwi na syempre," sagot ni Newton. "Aba Domino, hindi ka na nga nakakuha ng exam tas baka mahuli pa tayo ng mga pulis, hindi alam kung pa'no magpapaliwanag sa tatay mo."
"Ako ay tutungo na sa aming tahanan at baka nag-aalala na ang aking mga magulang," sabi ni Scarlet. "Mauna na ako sa inyo."
"I'll go with you," sambit ni Altair habang nakaharap kay Domino. "Ako ang magpapaliwanag sa tatay mo. Ayaw kong mapagalitan ka just because of my foolishness." Hinawakan ni Altair ang parehong kamay ni Domino. "You know I'm really sorry."
Ang naglalakad papalayo na si Scarlet ay napabalik at si Newton ay tila ba natuka ng ahas. Parang sa sandaling panahon ay pinigil nila ang kanilang paghinga at nakatoon lang sa dalawa ang kanilang atensyon.
Ipinaling ni Domino ang ulo upang hindi makita ng kausap ang reaksyon sa mukha. Nararamdaman niya na unti-unting nainit ang kaniyang mukha na kasalukuyang namumula. Ano itong nararamdaman ko? Kabaliktaran naman ang nangyayari sa kanyang malalambot na kamay na tila ba'y nakahawak ng yelo sa lamig. "Hu...Huwag na, kaya ko naman magpaliwanag kay tatay at saka mabait yun kaya sigurado—"
"I insist," wika ni Altair. Hinawakan niya ang nanlalamig na kamay ni Domino at naglakad patungo sa sakayan ng jeep papuntang Daanghari.
Sumunod ni Newton sa dalawa habang si Scarlet ay nagkibit-balikat lang at tumungo nga sa kanilang bahay na nalimutan niyang sabihin na malapit lang sa kapitolyo. "Paalam mga kasama, paalam."
Kahit hindi nila dinig mula sa malayo ang tinig ni Scarlet, kumaway naman sila bilang tanda ng pagpapaalam sa kasama.










Domino Effect: Child of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon