Kabanata 21

2 0 0
                                    

Kahit hindi umiimik si Dante tungkol sa paglabas ni Altair sa telebisyon, masaya siya para sa anak. Nagpaalam na sa kanya si Altair na sinundo ng mga taga-network katulad ng ipinangako ni Ka Bert kahapon. Hindi man lang nakapagpaalam ng ayos ang ama kahit alam niyang mamayang gabi ay babalik din ang nag-iisang anak.
Sa labas ng bahay, sumakay na si Altair sa puting van na may tatak na logo ng Channel 2. Pumasok sa isipan ni Altair ang naglipanang balita noong huling taon tungkol sa mga pagdukot ng mga bata na napabalitang isinasakay sa puting van. Dahil doon, samu't saring memes tungkol sa puting van ang nagkalat sa internet na sa halip ay magbigay aliw lamang ay parang naging gatong pa sa umaalab na takot ng mga magulang at bata sa mga isyu ng pagdukot.
Umandar na ang sundo ni Altair at ilang saglit lang wala na sila sa paningin ni Dante na kanina pang nakadungaw sa may bintana.


Sa unang araw ni Lolo Lucio sa kanyang bagong tirahan, wala namang siyang naging problema maliban sa tubig. Kaninang umaga nang siya ay akmang maliligo na, tiningnan niya ang gripo at ayon, wala ng tulo. Buti na lang nakapag-imbak si Aling Luz ng tubig at nakapagligo na ang manunulat. Mula kahapon, hindi pa niya ginagalaw o nagagamit ang kaibigang makinilya. Parang hindi pa agad magsisimula ng bagong akda si Lolo Lucio, parang may kailangan pa siyang gawin.
Nailagay na ang kanyang mga gamit, maayos na higaan, at lamesa na kanyang paggagawan ng panibagong sulatin pero ramdam ni Lolo Lucio na may kulang—kausap na matino. Sakto naman dating ng isang bisita, kakatapos lang kumain ni Lolo Lucio at sa itaas siya nakasalubong ni Domino.
"Magandang umaga po Lolo Lucio."
Hindi naman ikinagulat ng matanda ang pagdalaw ng dalaga. "Domino iha, mas maganda ka pa sa umaga."
"Talaga si Lolo mapagbiro." Sa loob ni Domino, natutuwa siya sa papuri.
"Alam mo iha, kapag ganitong oras, nag-uusap kami ng apo ako. Tungkol sa mga nangyayari sa kasalukuyan o anumang balitang masarap o masakit pakinggan sa tenga."
"Kami po ni Tatay Selyo ganyang-ganyan din po."
"Naniniwala ka ba na naghihirap na ako iha?"
"Ha? Ah hindi po, mukhang nagtitipid lang po kayo ngayon."
"Sabi nga nila, may tenga ang lupa at may pakpak ang balita. At mas mabilis kumalat ang tsismis, fake news o kaya masamang balita. Mabuti na lang at hindi pa dumadami sa lupa ang mga mapanghusga."
"Naku, hindi naman po mapanghusga ang mga tao rito. Huwag po kayong mabahala, may pagpapahalaga po kami sa dangal at prinsipyo."
"Hindi bat malapit na ang iyong pasukan?"
"Opo."
"Saang school ka ba papasok? Naalala ko, nabanggit mo sa akin na tutungtong ka na sa senior high school."
"Doon po ako sa lungsod ng Felicidad—"
"Felicidad?" Naging interesado bigla si Lolo Lucio.
"Bakit po?"
"Naalala ko noong unang punta ko rito sa probinsya. Sa Felicidad ako tumuloy, sa bahay ng mga Manalo. Doon ko naisipang simulan ang Pulang Tinta."
Sa bahay nina Scarlet? Napaisip bigla si Domino kung magkakilala na si Lolo Lucio at si Scarlet.
"Maliit pa ang kanilang panganay noong nanatili ako roon. Tagahanga ko si Ginoong Manalo at noong naghahanap ako ng matutuluyan malayo sa Maynila..." Napaluha si Lolo Lucio nang hindi niya namamalayan. "Siya ang nag-alok ng tirahan. Nais ko lang makalimot sa mga pangyayari." Tuluyan ng umiyak ang matanda na agad niyang pinawi at pinunasan ng manggas.
"Ano po ba ang nangyari ang dati?" Nang maisip niya na parang lumalampas si Domino papunta sa pribadong buhay ng matanda at nagiging usisera, iniba niya ang usapan. "Ayos lang po yun."
Malamang naibalita yun, pero baka sanggol pa ako nun. Hindi man alam ni Domino ang nangyari, alam niyang masakit at matindi ang bangungot na iyon. Naalala niya bigla na magaling na magbigay kahulugan sa mga panaginip ang kausap at iyon ang sunod niyang itinanong.
"Lolo Lucio, pwede pong bigyan ninyo ng kahulugan ang aking panaginip."
Iniayos ni Lolo Lucio ang sarili. "Sige ikuwento mo iha."
"Madilim po ang paligid, kumukulog at kumikidlat. May...may lampara po na may sindi, yun lang po ang tanging liwanag liban sa matatalim na kidlat na gumuguhit sa langit."
Pamilyar sa akin. Nagpatuloy sa pakikinig si Lolo Lucio.
"Tas may kumuha ng liwanag at nang hinabol ko, napadpad ako sa isang sementeryo. Doon nakita ko si Mang Terio, naaagnas na bangkay.  At sabi niya sa akin, Sa dilim lang makikita ang pinakamaliwanag na katotohanan ngunit sa nakakasilaw na liwanag nagtatago ang pinakamadilim na kasinungalingan."
Papaanong? Hindi maaari...
Natigilan si Lolo Lucio, parang natuklaw ng ahas. Hindi naman ito napansin ni Domino na nagkukwento.
"Tapos, tapos suminag bigla ng pagkakalakas ang araw at naging abo sa aking harapan ang kalansay. Matapos ng pagsabog ng nakakasilaw na liwanag, parang umulit sa simula ang aking panaginip pero may nagpatay ng sindi ng lampara. Bumalik sa dilim, doon na po natapos ang bangungot na yun."
Hindi agad nakapagsalita si Lolo Lucio. Tinitigan lang niya ang dalagang mukhang may koneksyon sa kanyang mga gagawin.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong halos magkatulad ang ating mga panaginip?"
"Po? Magkatulad? Sa paanong paraan naging magkapareho?"
"Isa yang sinyales. Tinatawag ka Domino, tinatawag upang maging tagapagdala ng lampara—ng liwanag. Ikaw ang magpapalaya sa mga ignorante at mangmang mula pagkakaalipin. Ikaw ang tinawag ng dakilang karunungan upang hanguin ang bayan sa pagkakasadlak. Tulad ng mga ilustrado, si Plaridel, ang mga Luna, si Jaena, si Jacinto, Mabini at syempre ang dakilang Dimasalang."
"Dakilang Dimasalang?" Hindi agad nakuha ni Domino ang huling binanggit ni Lolo Lucio. "Si...Si Rizal, Jose Rizal."
"Tumpak, Dimasalang ang isa sa mga ginamit niyang alias noong nagsusulat siya sa La Solidaridad. At hindi sinasadyang nakadikit ang pangalan na iyan sa akin at sa aming pamilya."
"Paano po ninyo nasasabi ang mga bagay na iyan? Bakit ako?"
"Balang araw, malalaman mo ang lahat."
"Sabihin nyo po sa akin, nais ko pong maliwanagan."
"Ang pinakadakilang layunin ng tao ay kaliwanagan."
"Lolo Lucio..."
"Magpapahinga muna ako Domino, gawin mo muna ang mga kailangan mong gawin. Makakaalis ka na."
Nadarama ni Domino na may nalalaman si Lolo Lucio na lingid sa kanya at nadarama niya rin na parang pinagtutulakan siya ng matanga mula sa gusto niyang malaman. Ano bang itinatago niya? Mas misteryoso pala siya sa personal.
Umalis na si Domino at hindi na nagpaalam. Nang malaman na nakaalis na ang dalaga, umupos siya sa upuan sa tapat ng makinilya. Lumingon siya kaliwa't kanan upang makasiguro na walang nakakakita sa kanyang mga susunod na gagawin.
Walang makakapigil sa mga plano ko. Kailangang maitama ang mali, ako ang tagapagdala ng liwanag. Pumindot siya ng siyam na beses sa makinilya at sa hindi maipaliwanag na pangyayari—Click! Parang vault na nabuksan nang ilagay ang tamang kombinasyon. Sa kanan ng makinilya lumabas ang isang sulong at sa loob ay nakalagay ang isang bagay. Mapapasakamay lang ito ng mga karapat-dapat at kapag nangyari iyon, tapos na ang misyon ko.


Sa istasyon sa Daanghari, pinag-uusapan sa may telepono ang isa pa ring misyon.
"May bagong misyong ipinapagawa sa iyo?"
"Negative Inspector, Mukhang naglalay-low muna sila. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakapasok sa kanilang mga meeting. Talagang maingat sila. Tinatawagan lang ako ng isa sa kanila at malabong iyon ang pinuno nila. Paibaiba siya ng number mahirap itrace."
"Is your cover compromised?"
"Negative, hindi pa nila nalalaman na may nakapasok sa organisasyon nila."
"Hindi ba nabanggit mo sa akin na may iba ka pang kasama sa mga hired killer—"
"Liquidation squad ang tawag sa amin, tatlo kami. Isang bomb expert, ako, at yung isa na IT expert. Ang balita ko nasa Maynila ang pangatlo, kami lang dalawa ang nagtratrabaho dito sa probinsiya."
"Yung huli mong target, si Mang Terio. Alam mo bang comatosed pa rin siya?"
"Sinadya kong sumabit dun, pero parang walang pakialam ang superior namin kahit hindi namatay ang matanda, kahit pumalpak ako."
"Maiba ako, saan mo ako tinatawagan? Sa ibigay kong communicator?"
"Affirmative, binigyan din nila ako isang cellphone kung saan doon nila ako kinocontact."
"Nahihirapan ako sa kaso ng matanda, kinukulit ako ni Don Rafael tungkol sa salarin. Hindi ko masabi na may DPA kami sa loob at ikaw ang bumaril. Sa akin ka lang ba nagrereport? May contact ka pa kay Hepe?"
"Sa inyo lang Inspector."
"Any new intelligence you can give?"
"Negative. No new information."
Napahinto si Inspector Guererro nang may kumatok.
"Pasok." Kahit ayaw niyang maistorbo sa mahalagang usapan.
Isang pulis pala.
"Sir may naghahanap sa inyo, si Kampanilla."
"Ano? Si Atty. Chavez, anong ginagawa niya rito?"
"Mahalagang-mahalaga raw po."
"Sige susunod na ako. Umalis ka na."
Nang makaalis na ang pulis at isinara ang pinto, binalikan niya ang kausap. "Sa uulitin may kakausapin pa ako."
Hindi agad nakasagot ang kausap.
"Hello..."
"Yes, Inspector. Paalam na."
Isinuksok niya sa kanyang bulsa ang maliit na cellphone at umalis. Sa pagbukas ng pinto, nabigla siya. Naroon na pala si Atty. Chavez.
"Inspektor, huwag ka ng lumabas sa loob na tayo mag-usap.
"Tungkol saan?" tanong ni Insp. Guererro habang makapisil ang kaliwang kamay sa pinto.
"Sa loob tayo pwede ba?"
Walang ibang nagawa si Alfredo kung hindi sumunod. Mukhang mahalaga ang dala niya.
"Hindi alam ng ama—"
"Huwag mong banggitin siya."
"Maghulus-dili ka. Pwede bang makinig ka muna. Naparito ako hindi dahil sa utos ni Don Rafael, naparito ako dahil nagmamalasakit ako sa kanya bilang kaibigan. May dapat kang malaman."
"Diretsuhin mo na ako Attorney."
"Ipaayos na sa akin ng iyong ama ang kanyang huling habilin..."
Nanlaki bigla ang mga mata ng pulis. May malubhang karamdaman si Don Rafael? Mamamatay na ba siya?
"Ikaw ay may malaking mamanahin," dugtong ng abugado. "Mapapasakamay mo ang malaking bahagi ng yaman ng mga Villafranca."
"Hindi ako isang Villafranca!"
"Pagbalikbaliktarin mo man ang mundo, Villafranca ka pa rin! Bakit mo ba hindi matanggap ang iyong ama?"
"Kami ba ng aking ina ay kaniyang tinanggap, hindi bat siya ay may sarili ng pamilya."
"Pero anak ka pa rin niya—dugo ng kanyang dugo, laman ng kanyang laman."
Walang maisubat pabalik si Alfredo, naubusan na siya ng pambala laban sa pamimilit ng kausap. Tanong pa rin sa kanyang isipan kung bakit hindi niya matanggap ang ama. Siya ang nagpaaral sa akin at higit sa lahat, siya ang nagbigay ng buhay ko.
"Hindi mo mapapagbigyan ang iyong ama kahit sa mga huling sandali ng kanyang buhay?!"
Parang binuhusan ng mainit na tubig si Alfredo nang mapakinggan ang sinabi ng abogado. Totoo ngang may malubhang karamdaman si Don Rafael, si ama.
"Ilang buwan na lang siya titigil sa mundo natin at pagkaraan noon ay hindi ko na alam kung saan siya tutungo. Please Alfredo, makipagsundo ka na kay Don Rafael. He is dying! I'm begging you as his friend, tanggapin mo siya bago mahuli ang lahat!"
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Alfredo, ramdam niya na kapatawaran na lamang niya ang hinihintay ng mayamang ama. Dama rin niya ang kalungkutan ng ama na lalong pinapahirapan na kanyang sakit na hindi mawari.
"Nagbabago na siya, alam mo yan. Kahit galit siya kay Arterio, hindi niya matiis ang kaibigan kaya siya ang sumagot sa pagpapaospital nito. Tanging kapatawaran mo kahit hindi na mula sa inyong inang is Josephine at kapatawaran sa kanyang panganay na hindi siya tanggap ang hinihintay niya. Forgiveness, for God sake. Forgive and forget Alfredo."
Dahil ayaw ipahalata ang kalungkutan para sa ama, agad niyang pinaalis si Atty. Chavez. Doon sa loob ng kanyang opisina nagmukmok ang pulis na iisa ang braso. Doon siya nagsisi sa pagtataboy sa amang humihingi ng tawad.
Alam niyang hindi dapat niya sinabi ang kalagayan ni Don Rafael pero nakita niyang iyon lamang ang natatanging paraan upang mapukaw ang mailap na damdamin ng matapang na si Guererro. Alam niya rin na ngayon ay lubos na nagsisisi ang inspektor sa mga nagawa sa ama.
Hindi alam ni Don Rafael na sinadya niya si Alfredo sa istasyon kaya bago pa man siya makita o abutan ng amo sa lugar na iyon, sumakay siya agad sa kotse at nagmaneho pabalik sa matayog na gusali sa Felicidad. Nakalimutan ni Atty. Chavez na ipaalala kay Alfredo na huwag banggitin kay Don Rafael ang kanilang pinag-usapan. Ang sikreto ay sikreto. Kunsabagay, walang lihim na hindi nabubunyag. Baka malintikan ako kay Don Rafael!



Mabilis na lumipas ang oras, kanina lang ay mistulang tinuturuan siya ng kanyang Lolo Lucio ngayon ay mag-aalas dos na at binuksan niya ang TV upang manood ng programa ni Ka Bert Calderon sa Channel 2.
Pagkabukas ng TV, hindi pa nagsisimula ang programa, puro sari-saring patalastas ang sumalubong sa kanya. Hindi naman totoo ang lahat niyan. Tanda pa niya ang napag-aralan tungkol sa propaganda at paano ito nakakaapekto sa paniniwala ng mga tao. Gamit ang mga mabubulaklak na salita ay parang tupang umaamo ang mga manonood sa mga bogus na impormasyon na nais isaksak ng mga kompanya sa kanilang mga kokote.
Sa wakas nagsimula na ang programa—Personalan w/ Ka Bert
Hindi binabanggit kung sino ang magiging panauhin nila sa susunod na episode kaya walang kaalam-alam si Domino na nakilala na niya ang magiging panauhin sa palabas ngayon.
"Magandang Tanghali Pilipinas, nandito na naman tayo sa bagong edisyon ng Personalan. Ang aking guest for today ay maituturing nating bagong bayani ng henerasyong ito. Nagviral siya mula sa isang video na ipinost ng isang netizen. Role VTR.
Oh my God, tama ba nakikita ko?  Walang iba kung hindi ang makisig nilang kasama na si Altair na buong tapang na pinatumba ang holdaper sa sinakyan nilang jeep noong isang araw. Showbiz na showbiz ka ngayon Altair ha.
Nagpatuloy ang pagsasalaysay ni Ka Bert, "Makikita natin na isang binata ang nakipaglaban sa holdaper sa loob ng isang jeep. Saglit na natapos ang tunggalian at natumba ang holdaper sa lakas ng kamaong binitawan ng binatang ngayon ay mas kikilalanin pa natin. Round of applause for Altair De Zuñiga."
Nagpalakpakan ang mga nasa loob ng studio at gayundin si Domino na nanonood.
Lumabas mula sa likuran ang isang binatang may mahabang peklat sa mukha na sandaling nagpahina ng hiyawan at palakpakan.
Naupo si Altair sa tapat ni Ka Bert at nagsimula na ang panayam ni Ka Bert sa itinuturing niyang bagong bayani. Matagal-tagal din ang isang oras na usapan habang nakaupo. Patatagan na lang sila ni Altair at ni Ka Bert, syempre may mga pahinga dahil may isisingit na patalastas upang magkaroon ng kita ang network.
"Welcome to Personalan, Altair."
"My pleasure po."
"Bumati ka muna sa mga kasamahan mong pasahero noong araw na yun."
"Mapagpalang Tanghali po sa mga pasaherong nakasama ko at sa lahat ng nanonood, sumusuporta sa programang ito."
"Handa ka na ba Altair na malaman ang mga kailangan malaman ng mga tao?"
"I have nothing to hide, Sure po."
"Okay let's start. Syempre pokus tayo doon sa nangyari. May background ka ba sa martial arts?"
"Sa totoo martial artist nga po ako, sa maraming fields po."
"Oww," namangha si Ka Bert. "Talagang malas yung holdaper."
Malakas ang tawanan mula sa mga nanonood sa loob ng studio. Mukhang mabenta ang mga banat ng batikang mamamahayag.
"Wait, may nais ka bang sabihin doon sa holdaper?" tanong ni Ka Bert.
"Uhmmm kuya don't do that again ha, masama po talaga yung ginawa ninyo. Para umunlad sa buhay, kailangan natin na magbanat ng buto."
"Tama, at sa lahat ng mga nagbabalak ng masama, tingin-tingin muna sa paligid at baka may martial artist ha."
Parang hindi bumenta ang banat na iyon, buti na lang sinalo siya ng sound effects na nakakatawa. Hindi nagpahalata si Altair na hindi natawa.
"Hindi ka ba nag-alinlangan na iligtas ang mga tao, alam mong may  dalang baril ang holdaper, hindii ka nagdalawang-isip na isugal ang buhay mo?"
Katahimikan. Hindi agad nakaimik si Altair, binabagabag ng malagim na alaala nang wala siyang nagawa man lang upang iligtas ang ina. Musmos palang naman siya noon at wala talaga siyang magagawa ngunit ginugulo siya ng konsyensiya. Isa rin iyon naging motibasyon upang magsanay ng sining ng pakikipaglaban.
"Altair..." Pinupukaw ni Ka Bert ang atensyon ng natutulalang binata.
Nang magsalita ang tagapanayam, bumalik ang diwa ni Altair. "Hindi, hindi kailanman ako natakot na mapatay basta lumaban ako para sa aking kapwa, sa aking mga mahal sa buhay. Gagawin ko ang hindi ko nagawa para...para sa aking ina."
"Mukhang malalim ang pinaghuhugutan mo."
Tiningan ni Altair ng tuwid si Ka Bert waring nagpapakita ng sinseridad. "How I wish na iniligtas ko ang aking ina."
"Maraming bagay na hindi tayo maibabalik mula sa nakaraan, ang susi ay pagtanggap at pagpapatuloy sa kinabukasan."
"Tama po."
Upang mapawi ang drama, iniba niya ang linya ng mga tanong. "Maiba ako, maaari ko bang malaman ang pinagmulan ng peklat mo sa mukha mo?"
"Yun din ang pinagmulan, ang trahedya na nangyari sa aking ina." Bahagyang namumuo ang luha sa mga mata ni Altair nang maungkat ang mga nangyari.
Dahil ngayon lang nalaman ni Domino, nakaramdam siya ng lungkot para kay Altair. Unti-unting luminaw ang pagkakilala ng dalaga kay Altair.
Ipinagpatuloy ni Altair ang kwento niya. "This scar is the constant reminder of my painful past. Sa tuwing nakikita ko sa salamin ang mukha ko, ang peklat na 'to ang nagpapaalala sa aking ina na inialay ang buhay niya para sa akin. Kaya kahit anong oras kaya kong ialay ang buhay na ito! Para sa nangangailangan!"
Sa lahat ng mga nakitang tao na nagpahayag ng kanilang tunay na buhay, si Altair ang isa mga totoong tao. Totoong tao na may sinserong damdamin habang nagbabahagi ng totoong mga karanasan na kapupulutan ng aral.
Ang katotohanan ay malimit ikinukubli—una para mapawi ang sakit na dala nito, pangalawa para mapalabas ang tunay na katauhan ng tao at pangatlo ay dahil may tamang oras at panahon upang ilabas ito.
Ang sikreto o paglilihim ang isa sa mga makapangyarihang armas ng mga marurunong upang maigapos ang mga mangmang sa patuloy na pagkakasadlak. Sabi nga ng kasabihang paulit-ulit na tumatagos sa mga tenga at isip ng tao—Walang lihim na hindi nabubunyag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Domino Effect: Child of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon