Sa loob ng bulwagang na nasa pagitan ng opisina ng punongguro at ng mga silid na nalalamnan kanina ng maraming estudyante, nag-uusap ang ilan sa mga guro kasama ang prinicipal na si Gerardo Batongbakal¬—nakatatandang kapatid ni Kapitan Gildo.
Seryoso ang mga mukha ng mga gurong nasa pagpupulong, mga bulong ang umuugong sa malaking bulwagan at sa mga mahihinang tinig ay nangingibabaw ang boses nina Dr. Primo at Ginoong Batongbakal.
Mukhang mahalaga ang pinag-uusapan nila at piling mga guro ang kasama at walang bukas na mga bintana o pinto upang makapakininig ang mga tagalabas. Ang loob ay dinadaluyan ng malamig na simoy ng hangin na artipisyal na nililikha ng airconditioning unit sa may bandang likuran ng bulwagan.
Ang mga bulungan at ugong ng aircon na ingay sa loob ay nabasag ng matinis na tunog na nanggagaling sa cellphone ni Sir Gerry. "Gerardo Batongbakal speaking..."
"Gerardo napag-isipan mo na ba ang aking suhestyon?"
"Mabuti ang plano mo. Actually I'm about to tell them about the plan. Thank you again."
"Of course that's what friends are for. Sige paalam."
Ibinalik ni Sir Gerry ang cellphone sa kanyang bulsa. Tumingin siya kay Dr. Primo na nasa kanan niya at tumingin rin siya sa mga kasama. Nabasa agad ng mga guro na may alam na si Sir Gerry at sasabihin na niya ito sa kanila.
"Sir Gerry, aren't you going to tell us something?" tanong ni Mrs. Del Valle.
"Well naitanong mo na rin naman, sasabihin ko na," tugon ni Sir Gerry. "Kailangang may itapat tayo kay Ms. Aragon and I know just the right person."
Sa terminal, nakasakay na sa jeep papuntang Daanghari sina Newton, Domino at si Altair. Kaninang umaga, sina Domino at Newton lang ang magkatabi sa loob ng sasakyan, ngayon ay pumapagitna na si Altair sa kanila. Bihira lang makasakay sa pampublikong transportasyon tulad ng jeep at madalas siya ay nagmamaneho ng sariling kotse o kaya lulan sa van ng pamilya.
Sumisikip na ang jeep sa dami ng sumakay at nang mapuno na, nagmaneho na ang driver patungo sa Daanghari. Hindi tulad kanina, hindi agad nangongolekta ng pamasahe mula sa mga pasahero, saka na kapag nakarating sa destinasyon.
Sa loob ng jeep, iba't-ibang persona ang makikita. Mayroong mga nanay na namili ng mga pangangailangan mula sa malalaking pamilihan sa Felicidad. Nariyan din ang mga kalalakihan na bumili ng mga kagamitan sa paggawa. At syempre ang mga kabataan na namasyal, nanood ng sine, bumili ng mga kasuotang magagara at kung ano pa man na pagliliwaliw na ginawa sa siyudad.
Habang unti-unting lumalayo ang jeep mula sa arko, parang ang bilis lumipas ng panahon. Hindi na mamalayan ng mga sakay na nasa Pacifica na pala sila. Maraming bagay ang hindi napapansin ng mga tao lalo na kung nakatago ang intensyon sa isang huwad na katauhan.
Sa katahimikan sa loob ng jeep, biglang may sumigaw.
"Holdap 'to!" sambit ng lalaki na kanina ay disente kung tingnan. "Ibigay nyo mga pera ninyo, mga alahas at mga gadgets." Itinututok ng lalaki ang isang baril na may kalawang sa mga pasaherong nasisindak na sa nangyayari.
Talagang kapag hindi inaasahan, hindi talaga inaasahan.
Kapag minamalas ka naman talaga, sunod-sunod. Walang magawa si Domino kung hindi sumunod sa mga sinasabi ng holdaper. Tiningnan niya si Newton sa tabi ni Altair at dahan-dahan dinudukot ang cellphone sa bulsa habang ang kanyang katabi na si Altair ay kalmado at walang bakas ng takot sa mukha nito. May pinaplano ka ba Altair?
Kailangan kong gawin ang nararapat. Nag-iisa lang siya, may baril siya pero mukhang kinakabahan siya. Hindi na siya nag-alinlangan at sinungaban niya ang holdaper at nakipagbuno, sa isang iglap nakabulagta ang holdaper at naagaw ni Altair ang baril.
Napawi ang takot sumusukob sa mga pasahero.
Hindi na nakaimik pa sina Newton at Domino sa nakita. Sa nasaksihan nila, malinaw na eksperto sa pakikipaglaban ang binatang kasama nila. Isang mahusay na martial artist.
Itinigil ng driver ang jeep at tumingin sa kanyang mga pasahero. Humingi si Altair ng lubid mula sa driver upang igapos ang kriminal. Nagpalakpakan ang mga pasahero bilang papuri sa kagitingan at kahusayan ng binatang may peklat sa mukha. Kasama sina Newton at Domino na napahanga sa galing ni Altair at napapalakpak.
Yun pala ang gagawin niya. Mahirap talagang magbase lamang sa hitsura para sa personalidad ng isang tao. Aminado si Domino na hindi niya inaasahan na mahusay makipagbuno si Altair. Looks are indeed deceiving. "Altair ang galing mo naman."
"It's nothing," sagot ni Altair "It's just a small part of my training."
Tapos na itinali ni Altair ang holdaper na hanggang ngayon ay walang malay sa lakas ng pinadapong suntok sa mukha nito. Sa likod iginapos ang mga kamay nito upang mahirapan makaalpas.
"Mabuti pa dalhin natin yan sa malapit na istasyon," wika ng driver.
Muling umandar ang jeep at huminto sa istasyon ng pulis ng Pacifica. Si Altair mismo ang nagdala sa masamang-loob papasok sa istasyon. Matapos maiturn-over, bumalik siya sa sasakyan at doon ay muling pinuri ng mga nakasakay. Napangiti naman si Altair sa tuwa dahil ng pagkilala ng mga tao sa kanya. Mayroon pa ngang lumapit na dalaga at nagpapicture sa kanilang bayani habang ang iba naman ay kanina pang nakuhanan ng litrato si Altair habang itinatali ang holdaper. Siguradong naiupload na sa kanya-kanyang mga social media account ang nangyari.
Sa loob ng bulwagan, patuloy pa ring nag-uusap ang mga guro. Nagkasundo na sila sa plano na ipinaliwanag ng kanilang punongguro. Pero mukhang mayroong maliit na problema.
"Ano? Wala tayong nakuhang contact information kay Ms. Vergara?" pagtataka ni Sir Gerry.
"Sir hindi po kasi siya umabot sa 900 na students kaya naman she wasn't able to fill-up in the registration," sagot ni Ms. Valdez. "But I think we can contact the parents because all of the aspirants even those who didn't make it had their parents give contact information and I believe that Mrs. Del Valle has the contact information."
Tumingin si Sir Gerry kay Mrs. Del Valle. "Eliza I'm sure na may cellphone number ka ng magulang ni Ms. Vergara."
"Sa totoo lang Sir tatawagan ko na si Cecillo Vergara, ama ni Domino," sabi ni Mrs. Del Valle. "Paano po natin sasabihin sa tatay niya ang mangyayari?"
"Sabihin mo na ang anak niya ay may espesyal na rekomendasyon."
Inilagay ni Mrs. Del Valle ang mga numero sa kanyang cellphone at tinawagan si Mang Selyo.
Matapos ng halos kalahating oras na biyahe, nakarating na ang jeep sa Daanghari. Sa terminal ng jeep, masayang nagbabaan ang mga pasahero dahil sila ay nailigtas sa biyahe at sa holdaper. Saka naman nag-abot ng bayad ang mga pasahero sa driver na walang kasamang konduktor. Nagbayad sina Domino at bumaba na sa sinakyan.
Nanibago si Domino sa kaibigan, maaliwalas ang mukha nito hindi tulad kanina na masusuka na ata sa biyahe. Mukhang effective ang payo ko sa kanya. Mind over matter.
Nag-abang sila ng masasakyang tricycle pauwi sa Brgy. Maliwanag. Ilang minuto rin na naghintay sina Domino ng masasakyan at dumating na nga ang tricycle na patungong Brgy. Maliwanag. Sa loob ng sidecar pumasok sina Domino at Newton kaya naman si Altair ay napaupo na lang sa likuran ng nagmamaneho.
Ang kaninang mga sasakyan, mga kalsada at mga gusali sa sentro ng Daanghari ay unti-unting nawawala habang papasok sa loob ng Brgy. Maliwanag na nababalot ng makapal na kagubatan kung saan nakuha ng kahoy na pinagmumulan ng kanilang pangunahing ikinabubuhay.
Hindi nagpatinag sa ugong ng motor si Newton upang magtanong sa binatang bayani. "May formal training ka sa martial arts?"
"Wing chun, karate, judo, muay thai, jiu jitsu to name a few," tugon ni Altair. "Pero mas kilala ako bilang arnisador."
Sa mga nabanggit ni Altair, parang mas naituon niya ang pagkatuto sa martial arts kaysa sa akademikong larangan.
Sa isip ni Domino, manghang-mangha siya sa kakayahan ni Altair at nang malaman na marami pang larangan ng sining ng pakikipaglaban ang alam nito mas humanga siya sa binata. Kahit ganoon, iniisip pa rin ni Domino kung paano nagkaroon ng peklat sa mukha si Altair. Maaaring sa kanyang pagsasanay ng mga martial arts niya nakuha ang peklat. Naisip rin niya na wala siya sa posisyon para mag-usisa.
Nakarating na sila sa Maliwanag. Matapos magbayad ng pamasahe, tumungo agad sila sa bahay nina Domino. Kahit nadaanan na ni Newton ang kanilang tahanan, sinamahan pa rin niya an kaibigan upang magpaliwanag kay Mang Selyo.
Hindi pa man nila nararating ang bahay nina Selyo at Domino, nakita nila mula sa malayo ang taong hinahanap nila at mukhang galak na galak na makita ang anak. Nagtatakbo papalapit sa kanyang ama si Domino at niyakap ito. Hindi niya namamalayan, may luhang dahan-dahang umaagos mula sa kanyang mga mata.
Nginitian ni Selyo ang anak na naluluha. "Anak, may sasabihin ka ba?" Sa tono ng pagtatanong ni Selyo ay tila ba may kaunti silang nalalaman.
"Tay I'm sorry," wika ni Domino. "I didn't make it."
"I am to be blamed sir, I'm verry sorry," buong pagpapakumbabang sabi ni Altair.
Nakangisi lang si Selyo habang tinitingnan ang dalawa. "Anong you didn't make it, eh eto nga kanina nakatanggap ako ng tawag mula sa school na ikaw daw ay nabigyan ng special recommendation. Niyakap ni Selyo ang anak ng mahigpit. "Bibiruin mo pa tatay mo eh."
Nagkatinginan sina Altair at Domino na takang-taka sa nalaman. Nagkatinginan din silang tatlo at napakibit-balikat lang si Newton na wala talagang ideya sa special recommendation.
Napatingin din si Selyo sa mga kabataan. "Wala kang alam yung special recommendation sa'yo?"
"Wala talaga tay. Akala ko hindi po ako pasok tay," tugon ni Domino.
"Tara na sa bahay 'nak. Oh kayong dalawang binata dyan, hindi kayo sasama? May konting handaan dito," anyaya ni Selyo.
Napailing lang si Altair. "I done so much trouble today, magpapaalam na po ako." Kumaway si Altair sa mga bagong kaibigan. "Newton, Domino bye."
"See you soon Altair," bati ni Newton.
Malayo na si Altair at lumingon ito sa kanila. "Congrats Domino." Nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang hindi na matanaw ang makisig na binata na uuwi ng mag-isa pabalik sa siyudad.
Napangiti si Domino sa pagbati ni Altair. Kasama ang ama at si Newton, pumunta na sila ng bahay upang pagsaluhan ang munting handaan.
May solusyon na sila.
Hinihintay na lang nila kung gagana ang plano.
Dunong laban sa dunong. The wheels are set into motion. Sa isip ni Sir Gerry at ni Atty. Chavez na yun lang ang tanging paraan upang hadlangan kung anumang hakbang na gagawin ni Cattaleya. "Okay, looks like we're done here. Meeting adjourned."
BINABASA MO ANG
Domino Effect: Child of Destiny
Misterio / Suspenso"Sa dilim lang makikita ang pinakamaliwanag na katotohanan ngunit sa nakakasilaw na liwanag nagtatago ang pinakamadilim na kasinungalingan" Sa mundong palihim na namumuno ang mga pantas-mga taong may mataas na karunungan, namumuhay ng masaya at tahi...