Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang mga pulis at agad bumalik sa pinangyarihan ng krimen. Dahil maaaring balikan ng mga kalaban si Mang Terio, inatasan ni Insp. Guererro ang ilang pulis na bantayan ang kwarto ni Mang Terio sa St. John Hospital. Nag-alok din si Don Rafael na magdagdag ng mga tauhan sa kwarto pero tinanggihan ni Guererro ang kanyang tulong.
Pinayuan ni Guererro bumalik na sa kanyang tirahan sina Selyo at Domino pagkatapos makunan ng salaysay, gayundin kay Don Rafael matapos isuko ang baril. Pumunta na si Guererro at mga pulis sa Brgy. Maliwanag upang isagawa ang mas malalim na imbestigasyon.
Tinawagan ni Don Rafael si Tonyo upang sunduin siya sa istasyon. Lumapit ang kanyang abogado upang magpaalam na may aasikasuhin pa siya sa kanyang opisina.
“Don Rafael, may ipapagawa ba kayo sa’kin?”
“Mamaya na lang attorney, ako ang magsasadya sa inyong opisina.”
“Sa tono ng pananalita ninyo, parang mahalagang bagay yan at kayo pa mismo ang pupunta sa akin.
“Malalaman mo mamaya, huwag ka munang umalis ng opisina mo ngayong araw, maliwanag ba?”
“Sige ho Don Rafael, mauna na ako sa inyo.”
Umalis si Atty. Chavez sakay ng kanyang kotse at nagmaneho papunta sa kanyang opisina sa Villafranca Inc. Building sa Lungsod ng Felicidad.
Pagkatapos makuhanan ng salaysay umalis ang mag-ama at nakasalubong si Don Rafael sa mga entrada. “Magpapaalam na ho kami Don Rafael,” bati ni Selyo.
Pero hindi man lang lumingon at kumibo si Don Rafael na para bang walang narinig. Mukhang malalim ang iniisip nito kaya hindi na nila ito inabala pang uli at nagpatuloy na sa labas upang mag-abang ng tricycle na masasakyan pauwi.
Dahil wala ng gagawin sa ospital, nagdesisyon na sina Mang Enteng at ang mga kasama na umuwi na at sa daan nakasalubong nila ang dalawang pulis na sinabing magbabantay kay Mang Terio. Tumunog bigla ang cellphone ni Mang Enteng.
“Tay, nagpunta ang mga pulis sa bahay ni Aling Luz, kinordonan na nila ito.”
“Sige sasabihin ko,” sagot ni Mang Enteng. “Aling Luz bilisan na natin umuwi ang bahay nyo...”
“Ang bahay ko?”
“Tara na Mang Enteng at Aling Luz,” pagyayaya ni Cris.
Pagdating nila sa labas, saktong may nagpapasaherong tricycle at agad silang sumakay pauwi.
Ang hinahanap na si Kenkoy sinto-sinto ay hindi pa rin nakikita ng mga pulis na lingid sa kanilang kaalaman ay nagtatago pala sa sementeryo ng Brgy. Maliwanag. Nagtago ito sa likod ng isang ‘appartment’ sa takot nito na makita ng mga alagad ng batas.
Pagdating ni Guererro sakay ng kanyang owner na jeep, nakita ang mga tauhan sa bahay ni Aling Luz. Tumingin sa paligid si Guererro upang makita si Kenkoy pero wala ito. Nagtanong-tanong si Guererro sa mga tao kung may umaaligid na bagong mukha sa likod na maaaring kasabwat ng gunman pero wala naman daw na dumadayo sa lugar. Lalong naguluhan si Guererro, “Taga-rito ang kumuha ng bala?”
Mula sa mga sinabi ni Domino, nag-iisip pa rin si Guererro ng posibleng motibo kung bakit may nagtatangka sa buhay ni Mang Terio. Kaya naman kanina pang nagpadala ng bantay si Guererro sa ospital habang hindi pa nahuhuli ang salarin. Pero mayroon na siyang naiisip na maaaring magtangka kay Mang Terio, “Kung sangkot nga sila rito, ano ang kanilang kailangan sa matanda?”
Biglang may lumapit kay Guererro mula sa kawalan—si Aling Lambing.
“Insp. Guererro, alam ko kung nasaan si Kenkoy.”
BINABASA MO ANG
Domino Effect: Child of Destiny
Mystère / Thriller"Sa dilim lang makikita ang pinakamaliwanag na katotohanan ngunit sa nakakasilaw na liwanag nagtatago ang pinakamadilim na kasinungalingan" Sa mundong palihim na namumuno ang mga pantas-mga taong may mataas na karunungan, namumuhay ng masaya at tahi...