Nagpahinga na ang mag-ama sa bahay at naupo sa sofa sa kanilang salas. Hanggang ngayon. hindi pa rin nawawaglit sa mga isipan nila ang imbestigasyon sa pagkakabaril kay Mang Terio. May biglang naalala si Selyo.
“Ino anak, isantabi mo muna ang mga pangyayari malapit na ang pasukan at malapit na rin yung pagsusulit para makapasok Young Erudite School. Di ba hindi natuloy ngayon, may nagtext sa akin, sa Lunes na raw.”
“Ganun po ba eh sige ichat ko lang po si Newton kung alam na po niya.”
“Sige anak.”
Kinuha ni Domino ang kanyang smartphone sa bulsa at nagchat kay Newton;
Newton, sa lunes na daw qualifiers
D nga?
OO nga
G ssbihn ko sa tatay...Nilingon ni Domino ang ama at napatingin ito sa kanya. “Anak may problema ba?”
“College na sana ako, kaso sumingit ang K-12.”
“Hayaan mo na.”
Napatingin si Domino sa mga medalyang nakasabit sa may dingding.
“Anak mahirap bilangin yan,” biro ng ama.
Umakyat ng kwarto ni Domino at naupo sa tapat ng kanyang lamesa. Naalala niya ang huling pag-uusap nila ni Mang Terio. Hindi maganda ang naging lugar ng pag-uusap nila—sa sementeryo. Ang tono ng pananalita ni Mang Arterio ng mga panahon na iyon ay parang namamaalam at nagpapahayag ng mga huling sentimiyento. Ang tumatak sa kanyang isipan ay ang katagang iniwan ni Mang Terio sa kanya;
Sa dilim lang makikita ang pinakamaliwanag na katotohanan ngunit sa nakakasilaw na liwanag nagtatago ang pinakamadilim na kasinungalingan.
Nakuha naman niya ang ibig sabihin ng mga salitang iyon ngunit binabagabag pa rin siya sa ibig ipakahulugan ng mga sinasabi ni Mang Arterio at ano ang koneksyon nito sa pagkakabaril sa kanya. Meron ba siyang mga kaaway o kaya may atraso siya sa ibang tao. Ano naman ang maaaring magawang masama ng isang hamak na sepulturero?
“Focus Domino,” huminga ng malalim si Domino, “Mind over matter, focus, focus. Sa lunes na ang test. Justice will be served soon para kay Mang Terio.”
Tumingin si Domino na kanyang bookshelf at namili ng babasahin, Binuklat ni Domino ang isang libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa pahinang nabuklat niya, nakita niya ang La Liga Pilipina at binasa ito. Naalala tuloy ni Domino noong sumasali siya sa iba’t ibang patimpalak na naging daan niya sa paghakot ng napakaraming medalya. Sumasali siya ng mga paligsahan tungkol sa Kasaysayan ng Pilipinas at umabot na siya sa Pambansan kategorya kung saan nakamit niya ang gintong medalya. Doon sa paligsahan na iyon, napansin siya ng isang batikang Historian na si Dr. Conan B. Miranda at tinanong siya nito kung gusto ba niyang maging isang magaling ding historian. Kahit marunong sa kasaysayan hindi ito ang forte ni Domino at malayo ito sa nais niyang tahaking karera.
Matapos magbasa, ibinalik niya ang libro sa lagayan nito at humiga. Mukhang pagod na pagod si Domino mula sa mga ginawa niya. Maaaring dulot din ito ng pagpapakuha niya ng dugo kanina. Mabuti na lang at AB negative ang dugo niya at nakatulong siya upang madugtungan ang buhay ng sepulturero.
Handang-handa na naman ang isip ni Domino para sagutan ang mga katanungan sa qualifiers na kakailangin niya para makakuha ng scholarship sa pretiyosong YES. Scholar din noong high school si Domino ng isang NGO. Dahil sa angking katalinuhan, hindi na siya ang lumalapit upang maging scholar, sa halip ang mga iba’t ibang organisasyon, indibidwal at maging si Dr. Miranda ang nag-aalok sa dalaga na maging scholar nila.
Patuloy pa rin naglalaro sa isip ni Domino ang mukha ni Mang Arterio habang binabanggit ang mga katagang tumatak sa isip niya. Noong nakaraang Linggo matapos na magsimba nina Domino at ng kanyang tatay, dumaan sila sa sementeryo upang maglagay ng bulaklak sa puntod ng ina, pagkatapos magsindi ng kandila at mag-alay ng bulaklak, may boses na tumatawag kay Domino mula sa malayo, “Domino, Domino, iha halika rito”
BINABASA MO ANG
Domino Effect: Child of Destiny
Mystery / Thriller"Sa dilim lang makikita ang pinakamaliwanag na katotohanan ngunit sa nakakasilaw na liwanag nagtatago ang pinakamadilim na kasinungalingan" Sa mundong palihim na namumuno ang mga pantas-mga taong may mataas na karunungan, namumuhay ng masaya at tahi...