Kabanata 5

2 1 0
                                    

Sa harap ng St. John Hospital, dumating ang ilang pulis sakay sa mga bagong police mobile at mabilis na pumasok sa loob ng ospital. Agad nilang tinungo ang admission table na napapaligiran din ng mga taong may mga dadalawing kakilala.

Mula sa bulsa, dumukot si Insp. Guererro at sabay labas ng maningning na tsapa. “DPD, Kailangan namin si Arterio Espirito.”

Hindi na nagdalawang-isip ang nurse na ibigay ang kwarto na tinutuluyan ni Arterio.

Dumiretso agad ang apat na pulis sa ikalawang palapag at hinanap ang kwarto ng biktima at doon nakita nila ang mga taong nakaupo sa tapat ng pintuan ng kwarto.

Hindi na pinaporma ni Selyo ang mga taga-DPD at agad sinabihan, “Bakit ngayon lang kayo?

“Musta ang lagay ng biktima?” tanong ng isang pulis na halatang umiiwas sa tanong kanina.

“Ayon nacomatose si Mang Terio, hindi pa nagigising at malamang sa malamang hindi nyo makukunan ng salaysay sa loob ng mahabang panahon,” pabalang na tugon ni Mang Enteng.

“Maaari ba kayong magbigay ng salaysay tungkol sa nangyari?”

Nanahimik sina Selyo at nagkatinginan waring naghihintay ng magkukusang maunang magsalita sa pulisya.

Lumakad palapit si Insp. Guererro. “Sabihin nyo sa akin, may nalalaman ba kayo ha?”

Ngunit nag-aalinlangan pa rin silang sumagot at naghari ang katahimikan.



Sa may tarangkahan ng mansyon ng mga Villafranca, kinausap ng mga taga-DPD ang guwardiya, “Kailangan naming makausap si—”

“Ako bang hinahanap nyo?” wika bigla ni Don Rafael, “Sasama ako sa inyo pero kailangan kong makausap si Guererro.”

Tumakbo palapit ang asawang si Lucilda at naluluhang sinabi, “Rafael!”

“Hindi namin kasama si sir ‘pagkat siya’y nasa ospital ngayon upang tingnan ang biktima,” wika ng isang pulis na nasa bandang unahan, “Sumama na kayo sa amin Don Rafael sa opisina.”
Ngumiti lamang si Don Rafael na may kalmadong mukha. Sumakay na sa sasakyan ng pulis ang matanda at umandar ang sasakyan palayo, papunta sa istasyon ng DPD sa Centro.

Dumating si Dr. Lazaro upang basagin ang katahimikan.“Oh Inspector, glad to see you.” Inalok niya si Insp. Guererro na makipagkamay ngunit mukhang nainsulto si Alfredo ngunit hindi na ito ininda ng pulis.

“Kailangan ko kayong matanong tungkol sa biktima,” wika ni Insp. Guererro habang nakatingin ng diretso kay Dr. Lazaro.

Bago pa man makapagsalita ang doktor ay may dumating na nurse at kinulbit siya sabay may ibinulong. Mukhang mahalaga ang ipinahatid ng nurse. Napatingin si Dr. Lazaro sa mga pulis. “Kinalulungkot, pero mauna ako.”

Tumahik lang ang mga pulis pero may umingay—ang cellphone ni Alfredo. Kinuha ito ito ni Alfredo sa bulsa.

“Sir nandito na si Don Rafael sa opisina lagi kayo ang hinahanap.”

“Pupunta na ako dyan. Gusto ko kaming dalawa lang mag-uusap. Kuha nyo?”

Ibinaba niya ang cellphone at humarap sa kanyang mga tauhan.

“Balik na tayo sa opisina, naroon na ang ating main suspect.”

Pagkatapos magpakuha ng isang bag ng dugo, mahilo-hilong tinungo ni Domino ang mga kasama. Sa daan, nakasalubong niya ang isang nurse at si Dr. Lazaro na nagmamadali. Saglit na napatingin si Dr. Lazaro kay Domino at dumiretso na uli.

Pagdating niya sa harap ng kwarto, naabutan pa niya sina Insp. Guererro. Tinanong niya agad si Aling Luz tungkol sa bahay nito.
“Aling Luz kailan kayo huling umakyat sa ikatlong palapag ng inyong bahay?”

Domino Effect: Child of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon