“It’s time. Please be seated and the second phase shall commence in any moment now.”
Napako ang mga paningin ng mga mag-aaral sa nagsasalitang si Dr. Primo. Hawak nito ngayon ang makapal na bungkos ng mga papel, ito ang mga pagsusulit na sasagutan ng mga mag-aaral na nais makapasok ng YES.“I already explained on how students will be picked to enter this school. In the first phase, it is only 30% and the other 70% is in these papers I mean your scores in these tests. This second phase questions will be composed of questions within the curriculum of the Senior High School especially Grade 11. So—”
“Cut the talk, mahihinang utak lang ang nangangailangan ng muling paalala. Let’s begin shall we?”
“Ms. Aragon, you speak too much for yourself.” Lumapit si Dr. Primo kay Cattaleya at bumulong, “Kilala kita, kilalang-kilala.”
“Hindi mo ako lubos na nakikilala.”
“Kung yung ibang paaralan at guro nasindak sa’yo, natakot sa katauhan mong saksakan ng talino, Ibahin mo ako.”
“Is that threat Dr. Socrates I. Primo?”“It’s an advice, a friendly one I assume.”
“Well, I take that as a compliment,” sambit ni Cattaleya habang nakangiti na may bakas na lihim.
Sa titig pa lang ni Cattaleya mula sa matatapang na mga mata nito, sino mang titigan ay nababato sa takot at kaba ng kung anong misteryo ang dala ng magandang mukha nito. Habang nakatitig pa rin kay Cattaleya, dahan-dahang bumalik sa kanyang pwesto si Dr. Primo.
“Alam nyo kung bakit ako narito Dr. Primo,” mahinhin na wika ni Cattaleya.
Ibinaling ni Dr. Primo ang kanyang tingin sa mga mag-aaral. “You heard her, let’s begin. Take one then pass.”
Nagsimulang mabulungan ang mga nakuha ng exam tungkol kay Cattaleya na agad na huminto nang matanggap ang mga papel.
Sa may likuran nagbubulungan sina Newton at Altair, “Sigurado ka bang yan ang the one? Yang babaeng leon na yan?”
“Siya na nga Newton, wala ngang iba.”
“Mas matapang pa kay Domino yan eh. Pero tingnan mo, parang magkamukha lang naman silang dalawa, bat hindi na lang si Domino?”
“Huh? Inirereto mo ba sa akin yung kaibigan mo? Di bale na... I already came this far for that lioness and I will not stop just to get her.”
“Iba ka rin no?”
Napatigil sila nang sitahin ng babaeng nasa unahan, “Psst, itigil nyo nga yan. Oh ito test paper. Kanina ka pang lalaki ka ha.”
“Ako ba?” tanong ni Newton sa babae na kaninang first phase ay nasa kaliwa niya at ngayon ay nasa harap na niya.
“Ikaw nga tinutukoy ko, ang daldal mo. Magsagot na kayo diyan.”
Marahang inilapit ni Newton ang mukha kay Altair at ibinulong,“Bakit ang tatapang ng mga kababaihan ngayon? Nagplaplano ba silang mag-aklas sa ating mga lalaki.”
“Well, I’m not a sexist. But I think women don’t need empowerment...”
“Huh? Kala ko ba hindi ka sexist—”
“Ano ga isusumbong ko kayo diyan mamaya ha.”
“Mamaya na nga tayo mag-usap—”
“Ano ga?” galit na pamumuna ng babae sa unahan nila.
Tumiklop ang dalawa sa pananaway ng babae sa harap nila.Wala silang nagawa kung hindi magsagot ng questionnaire.
“Eh di magsasagot,” mahinang sagot ni Newton.
Hindi man naulit ni Dr. Primo kung gaano kahaba ang pagsasagot ng mga katanungan dahil kay Cattaleya pero alam ni Newton na dalawang oras ang nakalaan para magsagot. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at sinagutan na niya ang mga tanong.
Mag-iisang oras na ang nakalipas, abala pa rin ang mga mag-aaral sa iba’t-ibang silid upang masagutan ng ayos ang pagsusulit na malaking bahagdan ng kanilang iskor upang makapasok.
Wala nag-uusap. Walang lumilingon. Iisa lang ang tinitingnan.
Isang guro ang nagpakita sa may pinto. “Dr. Primo, hinahanap kayo ni Mr. Batongbakal. Urgent.”
Sa tono pa lang ng nagtatawag, walang tanong-tanong, pumunta agad si Dr. Primo. Mahalagang-mahalaga ang bagay na ito. Sigurado.
“Dr. Primo,” tawag ni Cattaleya. “Bago kayo umalis, magpapasa na ako, tapos na ako.”
Bago umalis, hinigit ni Dr. Primo mula kay Cattaleya ang mga sinagutan nito.
“Good for you,” sambit ni Dr. Primo. “Bueno, makakaalis ka na, at may lakad pa ako.”
Ngumiti lang si Cattaleya.
“Tara na Mrs. Del Valle.”
Kinuha ni Cattaleya ang kanyang gamit at umalis ng silid. Habol ang tingin ng ilang mga nagsasagot pati na sina Altair at Newton. Nang wala na sa paningin ang dalaga, bumalik sa dati ang mga mag-aaral na para bang walang nangyari.
Kita ni Cattaleya na pumasok sina Dr. Primo sa loob ng Principal’s Office. Hindi lingid sa dalaga na maaaring siya ang pinaguusapan ng mga opisyal ng paaralan. Isa lang naman ang aking ipinunta rito at hindi ninyo ako mapipigilan.
Mula sa canteen, dahan-dahan bumaba si Domino upang masilip ang mga testing rooms. Sa kanyang paglalakad, may nakasalubong siya. Ang dalagang nakatayo sa harap niya ay walang iba kung hindi si Cattaleya.
Nag-ipon siya ng lakas ng loob upang makausap ang kaharap. “Hello Cattaleya.”
Nakatayo lang at hindi umimik ang kausap. Matagal na nagpalitan ng malalalim na tingin ang dalawa.
“So tapos ka ng kumuha ng exam?” tanong ni Domino. “ Domino Vergara.” Inaalok ni Domino na makipagpakamay si Cattaleya.
“Cattaleya Aragon, nice to meet you,” bati ng dalaga habang kinakamayan si Domino. “Nararamdaman ko na hindi ka nila katulad...”
“Nila?”
Itinuro ni Cattaleya ang mga kabataang kasalukuyang nagsasagot sa loob.“Bakit naman?”
“Why don’t we get some coffee while we talk?”
“Sure.”
Walang nararamdamang kakaiba si Domino sa mga ekspresyon ng mukha ni Cattaleya. Pawang ngiti lang ang pumapalamuti sa kaayaaya nitong ganda. Gandang parang matagal na niyang kilala.
Sa loob ng Principal’s Office, kasalukuyang nag-uusap ang mga guro.
“Sir Gerry, kailangang may gawin tayo,” sabi ni Mrs. Del Valle.
“Nakasalalay dito ang karangalan ng paaralan,” dagdag ni Dr. Primo
Tumayo ang punongguro. “Mga kasama, alam kong nangangamba kayo tulad ng akin. Bukas natin pag-uusap ang ating magiging hakbang. Nakaalis na ba si Ms. Aragon?”
“Kakaalis lang po sir,” tugon ni Mrs. Del Valle.
Ngumiti ang principal. “Then good, let us not delay it for tomorrow. Today, we shall start.”
Sa isang cafe, malapit sa YES, nag-uusap ang bagong magkakilala.
“So how did you recognized me?”
“Uhmm an acquaintance told,” tugon ni Domino.
Lumapit ang waiter sa kanilang mesa. “Can I take your order ladies?”
“Cold macchiato and croissant for two,” tugon ni Cattaleya.
Ngumiti ang waiter habang inililista ang order ng mga binibini at nagtungo sa counter.
“Coffee-lover?” tanong ni Cattaleya sa kasama.
“Coincidentally yes.”
“So that explains the familiarity. Feeling ko na we share something the same and it turns out that I’m right.”“Caffeine infused beauties I guess.”
Dumating na ang kanilang inorder.
Itinaas ni Domino ang baso ng kape. “Let’s toast for the Caffeine Ladies”
“Cheers.” Itinaas din ni Cattaleya ang baso. “You know what, I think we share something greater the coffee.”
BINABASA MO ANG
Domino Effect: Child of Destiny
Mystery / Thriller"Sa dilim lang makikita ang pinakamaliwanag na katotohanan ngunit sa nakakasilaw na liwanag nagtatago ang pinakamadilim na kasinungalingan" Sa mundong palihim na namumuno ang mga pantas-mga taong may mataas na karunungan, namumuhay ng masaya at tahi...