Lumabas ng opisina sina Don Rafael at Atty. Chavez at nagtungo sa may paradahan ng mga sasakyan.
“Merong nalalaman si Alfredo na hindi niya sinasabi Don Rafael.”
“Sa tingin ko nga.”
“Don Rafael, mauna na po ako sa inyo.”
“Paalis ka na? Saan ka naman pupunta.”
“Pupunta ako ng Daanghari National High School.”
“Hindi naman kita napakinabangan kanina. Masyado kang late. Go on, do your things.”
Ilang minutong biyahe ang Daanghari National High School mula sa istasyon kaya ilang saglit lang nakarating na agad sa paaralan.
Tahimik, walang mga estudyante, iilang mga gurong nagtratrabaho ngayong bakasyon, yaan ang dinatnan ni Atty. Chavez. Sinalubong si Atty. Chavez ng isang guro at niyaya siyang pumasok sa Records Office. Saan man luminga ang paningin ng abogado, mga papeles na nakapatas sa cabinet. Sunod-sunod ang mga record ng mga nag-aral dito mula A hanggang Z.
“V, maghanap ka ng Vergara,” utos ni Atty. Chavez.
“You mean Domino Vergara?”
“Exactly.”
“Hindi dapat tayo diyan naghahanap.”
“I’m sorry?” Mukhang nalilito si Atty. Chavez sa winika ng kausap.Ibinalik ng guro ang folder na may na tatak na titik V sa cabinet.
“So nasaan?”
“Sinasabi ko sa’yo Atty. Chavez, she’s one in a million.”
“But I need proof.”
“Attorney, Intelligence is like beauty, it’s indefinite but you’ll know when you see one.”
“I see. So maiba ako, may bago na kayong principal dito?”
“Meron na. Pagkatapos noong pagkamatay ng dating principal na nangyari pa rito sa loob ng paaralan, bumaba ang naging enrollment namin compare to last year.”
“Iba talaga ang nagagawa ng takot.”
“At sa tingin ko yun ang isa sa mga dahilan kung bakit lumipat ng paaralan si Ino, actually ito ang first choice niyang school. I’m the school paper adviser of this school and she is our Editor-in-Chief.”
“Why are to telling me these?”
“Di ba gusto mo ng credentials? Well I am already giving you some; 2019 ISEF First placer for her research about intelligence hereditary patterns, Metrobank MTAP DepEd Math Challenge National Champion, 61st International Math Olympiad Gold medalist, 2019 NSPC Editorial Writing Champion.”
“She’s the one,” sambit ni Atty. Chavez. “Pero alam nyo ba na hindi siya natuloy sa YES?”
“Hindi, paano?”
“Ngayon di ba ang eksaminasyon sa YES. Hindi siya nakaabot. Nabalitaan mo na ba na nagbalik na ang anak ng mga Aragon?”
“Siya nga?”
“Nasa YES din siya, nakuha ng test.”
“At paano kung makapasok siya?”
“Hindi yun tanong, talagang makakapasok siya.”
“Oh sige, may mga gagawin pa kaming paghahanda sa pasukan.”
“Salamat sa inyong oras. Aalis na ako.”
Sa paglabas, may nakikita mailan-ilang mga kabataang magpapaenroll sa paaralan si Atty. Chavez. Habang naglalakad palabas ng eskwelahan, may tinawagan sa cellphone si Atty. Chavez;
“Gerardo, I would like to make a recommendation.”
“Sige, nakikinig ako.”
BINABASA MO ANG
Domino Effect: Child of Destiny
Mystery / Thriller"Sa dilim lang makikita ang pinakamaliwanag na katotohanan ngunit sa nakakasilaw na liwanag nagtatago ang pinakamadilim na kasinungalingan" Sa mundong palihim na namumuno ang mga pantas-mga taong may mataas na karunungan, namumuhay ng masaya at tahi...