Makatapos ng limang araw , sumapit ang Lunes. Alas singko pa lang ay naghanda siya ng mga kakailangin para sa eksaminasyon upang makapasok sa YES. Nagdala siya ng dalawang lapis, sampung piraso ng bond paper at ang kanyang paboritong ballpen - GTech. Nagdala siya ng isang tumbler na may lamang tubig, panyo, at payong. Handang-handa na siya.
Hindi na siya naintindi ng ama dahil ito'y maagang pumunta sa bahay nina Mang Terio suot ang puting polo-shirt. Ngayon kasi ililibing si Aling Milagros at nagpasya si Selyo na sumama. Gusto man sumama ni Domino, hindi niya magawa, kailangan niyang makuha ng pagsusulit. Mas lalong malungkot para kay Mang Terio dahil hindi man lang niya masisilayan ang kapatid sa huling pagkakataon.
Nagsuot ang blue jeans, Converse rubber shoes na itim at ang puting t-shirt na may nakatatak sa harapan na kataga na nakasulat sa maliliit na titik - Touch Me Not, salingwika sa Ingles ng Noli me Tangere na nakatatak naman sa likuran ng t-shirt. Ipinuyod niya ang kanyang mahabang buhok, isinuot ang bag at bumaba na ng hagdan.
Nag-iwan ang kanyang tatay ng almusal-tapsilog. Meron din umuusok-usok na tasa ng gatas na may kape na kung tawagin niya ay gape. Si tatay talaga maalaga at kinacareer na pagluluto. Nang unti-unti siyang lumapit, napansin niya ang isang piraso ng papel. Sulat?
Tiningnan niya ang nilalaman ng papel na resibo pala ng kuryente at sa likod nga niya nakita.
Anak galingan mo, o eto pampagana
araw mo. Kung naghahanap ka ng baon
nasa may kusina, natatakpan ng plato.
Tingnan mo na lang kung ano ulam mo.
Goodluck-tatay
Namula ng hindi niya namamalayan ang kanyang mga pisngi. Tatay talaga. Bago niya makalimutan, kinapa niya ang mga bulsa.
Walang laman.
Naalala niya bigla na sinanay siya ng tatay Selyo niya na maging masinop sa pera kaya minsan lang siya nabibigyan ng perang pambaon. Bumalik siya sa kwarto at kumuha siya ng sandaang piso mula sa mga perang nakalagay sa maliit na basket na yari sa nito.
Bumalik siya sa hapag kainan at kumain ng masigla dahil sa isip niya, kailangan niya ng maraming sustansya. Humigop siya sa tasa ng gape at tumingin sa kanyang kakaibang relo. 5:37 am na pala at sa oras na alas siyete magsisimula ang eksaminasyon. Kailangan niyang agahan para hindi lang makaabot sa oras at para makakuha ng magandang pwesto sa lugar na pagdarausan.
Pagkatapos kumain, nagsepilyo siya sa may lababo. Naalala niya ang sinabi ng isang sales agent na isang kompanya habang nag-aalok ng produkto sa kanila.
"Itong toothpaste namin, konti lang ang fluoride," sabi ng sales agent.
"Hindi ba mahalaga sa ngipin yun?" tanong ni Selyo.
"Oo nga po, pero masama ang sobrang fluoride lalo na at mahirap maiwasan na malunok yun. Nakakaapekto sa utak ang sobrang fluoride-nakakabobo."
Tumunog bigla ang cellphone ni Domino.
"Ino gayak ka na ba? Andito na ako sa may labasan."
"Newton hintayin mo na ako dyan, papunta na ako."
"May pararating na tricycle."
Naputol na ang tawagan nina. Agad na lumabas si Domino at tinungo ang labasan. Kahit malayo pa nakikita na niya ang kumakaway sa kanya.
"Domino, bilisan mo," wika ni Newton. "Mamang driver nandito na kasama ko."
Sumakay na silang dalawa papunta sa terminal ng jeep upang makaabot sa biyaheng alas sais. Dumating sila sa terminal ng jeep ng 5:50 am at nagbayad sila ng tig-sampung piso. Naupo sina Domino sa mga upuan at hinintay ang pag-alis ng jeep.
BINABASA MO ANG
Domino Effect: Child of Destiny
Mistero / Thriller"Sa dilim lang makikita ang pinakamaliwanag na katotohanan ngunit sa nakakasilaw na liwanag nagtatago ang pinakamadilim na kasinungalingan" Sa mundong palihim na namumuno ang mga pantas-mga taong may mataas na karunungan, namumuhay ng masaya at tahi...