Umiyak ang langit.
Binuksan ni Domino ang dalang payong at nagtungo sa isang tindahan sa tapat ng paaralan upang hintayin si Newton.
Naupo siya sa mahabang upuan, sumandal at nagnilay. Sinasabayan ba ako ng langit sa aking kalungkutan, kalungkutan na mas mababaw kumpara sa pagkamatay ng pamilya at kawalan ng hustisya? Tumingin siya sa langit, Cumulonimbus clouds. Kahit nanghihinayang si Domino at hindi siya umabot sa cut-off, hindi na siya naghanap pa ng taong masisisi
Ilang saglit lang, biglang lumakas ang ulan na para bang ang mababaw na kalungkutan ay sumidhi at naging galit. Ang napanirang emosyon na galit ay kayang bumuwal ng malalim na pagkakaibigan at matagal na pagsasama. Pero ayon sa mga pananaliksik na nabasa ni Domino mas produktibo ang tao kapag galit. The destructive feeling of anger is what makes a man productive, how ironic! Ang kalungkutan naman ang emosyon na kapag naramdaman ng tao ay nagiging matamlay at hindi gaano nakakagawa pero ito ang nanapagpaluwag ng pakiramdam.
Mula sa malayo, tumingin siya sa mahabang pila na sana ay kinabilangan niya, “Hindi ko hinihiling na may mangyaring masama sa mga taong yun pero sana naman ay katukin sila ng kanilang mga konsensiya.”
“Ano yun iha? May bibilhin ka ba?” tanong ng tindera sa dalaga na may sinasabi.
“Ah...saglit lang po, pipili pa po ako.” Tumayo siya at lumapit sa mga panindang streetfood. “Uhmm siomai nga po apat na piraso, tas isang takal ng pineapple juice at isang... mangga nga po na may alamang.” Kahit hindi nagplaplanong bumili, pinanindigan na niya. Iniabot niya ang limampung pisong papel na may malungkot na mukha ni Sergio Osmena Sr.
“Bente tas sais ...tas singko—”
“Nineteen pesos po sukli, bale thirty-one po lahat.”
Tumingin ang tindera kay Domino. “Oo nga, magaling ka iha. Hindi ba may qualifiers ang mga estudyante para sa school na yan,” habang itinuturo ang YES.
“Ah...kasama po sana ako pero—”
“Hindi ka umabot sa cut-off ganun ba? Yung anak ko noong Grade 7 siya, hindi rin siya nakaabot, limitado kasi yung bilang. Sobrang late ba naman gumising kahit ang bahay namin malapit lang dito sa pwesto. Ngayong Grade 11 na siya tulad mo, umabot naman siya.”
“Ganun po ba,” wika ni Domino habang nakatingin sa mga binili nya.
“Naku pasensiya na kalimutan ko. Ito na yung binibili mo tas ayan ang sukli.”
“Salamat po.”
Inilapag niya ang mga binili at umupo, hindi siya sanay na bumili ng mga ganitong pagkain dahil sinanay siya ng tatay niya na kumain ng masusustansyang pagkain. Pero nakakain naman siya ng mga ganito kapag dumadayo siya sa mga paligsahan.
Tumingin muli si Domino sa pila ng mga estudyante na umaarangkada na paloob at si Newton naman ay sumesenyas sa kanya kung ayos lang ba siya. Sumenyas naman pabalik si Domino na ayos lang siya at bumalik sa pagkain na para bang walang nangyari kanina. Tunog bigla ang cellphone ni Domino, nagchat pala si Newton.
Mmaya p kami matatapos dto, dito k maghintay s loob.
Uuwi na lang ako...sasabihin ko kay Tatay.
HUH? Bat ka uuwi...
e di ba hindi naman ako makakakuha eh bakit pa ako magtatagal, geh goodluck na lang
Luh malayo-layo biyahe natin tas uuwi ka lang ng ganun
geh bye.Dama ni Newton sa mga mensahe ng kaibigan ang kalungkutan nito at hindi naman ito mapuntahan upang pagaanin ang loob nito dahil magsisimula na ang pagsusulit at nakaupo na siya sa mga silid.
BINABASA MO ANG
Domino Effect: Child of Destiny
Gizem / Gerilim"Sa dilim lang makikita ang pinakamaliwanag na katotohanan ngunit sa nakakasilaw na liwanag nagtatago ang pinakamadilim na kasinungalingan" Sa mundong palihim na namumuno ang mga pantas-mga taong may mataas na karunungan, namumuhay ng masaya at tahi...