Prologue

888 21 66
                                    




"Ugh, ang hirap" reklamo ni Kate sa akin, she's one of my blockmates. Nakatambay kami sa may Children's Paradise, actually nandito kami para magmeet-up nang iba pa naming blockmates. Dito kasi ang usual na meeting place dito sa Odiongan.



"Haielle, natapos ka na ba doon sa paper works na pinapagawa sa atin?" tanong niya sa akin. 



Agad akong umiling, "Hindi pa, malayo pa naman deadline" sagot ko naman at nagpatuloy sa pagsoscroll sa phone ko. Nagbabasa ako nang mga meme sa facebook. 



"Grabe, antagal nila ha" reklamo nang reklamador na si Kate at kinalabit ako. "Pagnatapos ka sa paperworks pa tingin ha, kukuha lang ako nang idea" pang-uuto niya.



"Bahala ka sa buhay mo," sabi ko naman at umirap. 



"Oh? Hindi ba kapatid 'yon ni Cashcade?" tanong niya kaya agad akong napalingon kung saan siya nakatingin. Agad na napangiti ako nang makita siya. Tama siya, si Pay nga. 



Nakasandal siya sa bakal na railing papasok nang Children's Paradise sa tapat nang Municipal Hall. Inaadmire ko talaga ang galing niya sa pagdala nang damit, kahit simpleng white shirt at blackpants lang ay napu-pull off niya.



"Teka lang," paalam ko kay Kate at agad na tumakbo papunta kay Pay. Dahan dahan pa akong lumapit sa kanya para gulatin siya pero bigla siyang humarap sa akin nang magkasalubong ang kilay. 



"Ano ba 'yan, corny naman ne'to" agad na reklamo ko.  "Gugulatin pa nga kita 'e."



"Whaa, nakakatakot" sabi niya at umiling. "You're creepy," naiiling na sabi niya. "By the way, ano ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin. 



"Wala, tambay lang. Naghahanap nang gwapo, alam mo naman" pagbibiro ko. 



"May nahanap ka naman?" 



Tumango ako, "Oo" mayabang na sagot ko. 



"Asan na?"



"Ikaw," nakangiting banat ko. Tumawa siya at umiling, ang gwapo niya naman. 



"Wala akong piso," agad na sabi niya. 



"Kahit kiss na lang," pang-uuto ko at tinuro ang pisngi ko. "Isa lang," sabi ko pa. 



"Hinahanap ka na ata nang mga kasama mo," biglang sabi niya at tinuro sina Kate na kumakaway na kasama ang iba pa naming kaklase. Napairap ako at ngumuso bago humarap kay Pay. 



"Teka, ba't ka pala nandito?" tanong ko. "Wala bang internet sa bahay niyo at nagpunta ka pa dito para maki-wifi?" natatawang tanong ko. 



"I'm meeting someone," sagot niya na ikinagulat ko. "May i-a-ask daw sila sa akin about my course" pagkukwento niya pa. 



Tumango ako, "Ah, akala ko makikipagdate ka sa jowa mo 'e. Isusumbong kita kay Cash" pagbabanta ko. 



Tumawa siya, "Ayoko magjowa," natatawang sabi niya. 



"Bakit naman?"



"Girls are noisy and crazy," sagot niya at tumingin sa akin. "Sa inyo palang nina Cash at Bree, naiingayan na ako 'e mga ate ko palang kayo n'yan, paano nalang kung magjojowa pa ako?"



Ah, ate. Palihim akong napabuntong hininga bago tumingin sa kanya. "Ate mo kami pero hindi mo kami tinatawag na ate."



"Mga isip bata kasi kayo," simpleng rason niya. "Tignan mo, 'yang sintas mo nga hindi mo maayos" sabi niya at umiling. Nagtaka ako nang lumuhod siya at itali nang maayos ang sintas nang sapatos ko. 



"Kaya siguro kayo friends nina Cash, pare-pareho kayong parang bata umasta" panenermon niya habang tinatali ang sintas ko. Tumayo siya at tumingin sa akin. "Oh? Ba't natulala ka na?" tanong niya at nagsnap ka sa harap ko. 



"Naghang lang ako," nakangiting pagpapalusot ko, kahit ang totoo ay natouch ako sa ginawa niya. Lagi niya akong nato-touch sa mga ginagawa niya, kahit alam ko na kapati lang tingin niya sa akin.



"Laki na nang eyebags mo," pagpansin niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. "Puyat ka nang puyat wala ka namang jowa" pang-aasar niya pa.



"Gumagawa ako ng mga requirements sa school 'no," pagpapalusot ko.



Tumawa siya, "You can fool anyone, but not me" sabi niya at hinawi palikod ang buhok niya. "I know you so well na," naiiling na sabi niya. 



"Nagbabagong buhay na ako 'no" sabi ko naman.




Tumango siya, "Okay" napipilitang pag-sang-ayon niya.  "Ang laki pa nang mata mo, para kang owl" pang-aasar niya pa.



"Mukha ka ngang radish 'e," pag-ganti ko naman.



"Nakakamatay ang puyat, kaya 'wag ka na magpuyat" sabi niya na parang doctor. "Madaming sakit makukuha mo" sabi niya pa. 



"Malakas internet sa gabi," pagrarason ko. "Natutulog naman ako sa umaga 'e" sabi ko pa.



"Great, maaga ka din niyang mamatay" sabi niya at umiling. 



"Natatakot ka ba na mamatay ako?"



"Malamang," sabi niya napahawak sa ilong niya. "Amoy tae," biglang reklamo niya.



"Hindi ako 'yon ha," agad pagdepensa ko. 



Tumawa siya, "Wala namang akong sinabing ikaw, and besides hindi ka amoy tae" sabi niya at ngumiti. "Amoy kaning baboy ka"



"Alam mo minsan, tangina ka din" sabi ko at umirap. Tumawa naman siya.



"Shh, malapit tayo sa church bawal magmura" natatawang sabi niya. 



"Magkapatid talaga kayo ni Cashcade, pareho kayong mapanlait" sabi ko at umiling.



"Coming from you ha," sabi niya at tumawa. "By the way, sabi ni Cash hihingiin mo daw jersey ko, bakit?" tanong niya.



Umiling ako, "Masama ba? Nagkokolekta kasi ako nang jersey" pagdadahlan ko, ang totoo ay kanya lang jersey na hinihingi ko. 



"1k" sabi niya.



"'Wag na, mukha kang pera parang kang ate mo" sabi ko at umiling. 



"Just kidding, I'll send it to you nalang" sabi niya at tumango. "Ilan na nacollect mo?" tanong niya bigla.



"12?" pagsisinungaling ko.



Tumango siya, "You have too many boys," naiiling na sabi niya. "Mas marami pa kesa kay Bree" dagdag niya pa.



"S'yempre, mas maganda ako doon 'e" confident na sabi ko. 



"Paycific?!"



Sabay kaming napatingin ni Pay sa tumawag sa kanya. Naka-uniform sila nang blue, uniform nang senior high school sa ONHS. 



"Ako po si Persephone Andrea Torres," nakangiting pagpapakilala nung bata. Maganda siya, maputi, matango ilong, kissable lips at nagpadagdag pa sa ganda niya ang dimple niya. 



"I'm Pay," pakilala naman ni Pay. "Where's Pat?" tanong nito doon sa mga bata.



"Ako po si Pat," nakangiting sabi naman nung Persephone, "Nickname ko po 'yon" sabi pa nito kay Pay. 



Tumango naman si Pay, "Ah, magsa-start na ba?" tanong nito sa kanila. "Okay lang ba kung ganito lang shirt ko?" 



"Ang gwapo mo na nga 'e," 



Nagkatinginan kami nung Pat nang sabay kaming magsalita. Mukhang nagulat siya nang mapansin ako, kanina pa ako nakatayo dito ngayon niya lang ako napansin.



"Hello po," bati niya sa akin. "Girlfriend ka po ba ni Pay?" tanong niya sa akin. E kung sabihin ko kayang 'oo'. 



"She's my ate," sagot naman ni Pay. Ilang taon ko nang naririnig 'yan mula sa kanya pero ang sakit pa din. "Bestfriend siya nang sister ko."



Tumango naman 'yung Pat, "Hello po," bati niya ulit sa akin. "Ako po si Pat," pagpapakilala niya.



"Haielle," sagot ko naman at pilit na ngumiti. "Ate niya," mapait na sabi ko. 



"Ang ganda mo po," pambobola sa akin nung Pat.



"You can also interview her," suggest ni Pay. "IT student siya," sabi pa nito at tumingin sa akin. "She's great," pagpuri nito sa akin. 



"I think familiar po sa akin ang name niyo," sabi ni Pat at kunwaring nag-isip. "Ah! Nakita ko po 'yung trophy niyo sa E-Library sa school."



"See?" nakangiting sabi ni Pay at tinapik ang balikat ko, "She's great."



"Pero ang kailangan lang kasi namin is connected sa medical field," sabat naman nang kasama nung Pat. 



"Hindi na," sabi ko naman at ngumiti. "Kayo nalang" sabi ko pa at tumingin kay Pay. "Balik na ako sa mga kasama ko," sabi ko at tinapik ang balikat niya.



"Haielle!"



Natigilan ako sa paglalakad nang bigla niya akong tawagin. Tumingin ako sa kanya. 



"May sasakyan ka?" tanong niya sa akin. Agad naman akong umiling, nirerepair kasi ang kotse ko at ang scooter ko. 



"Bakit?" tanong ko.



"Hatid na kita, sabihan mo lang ako kapag uuwi ka na." sabi niya at ngumiti. I know, me and my friends made rules. BAWAL MAGKAGUSTO SA EX/KAPATID NG KAHIT SINO SA AMING LIMA. 



"'Wag na," sabi ko naman. 



"I insist," sabi niya at ngumiti. "Baka isumbong mo pa kay Cash na hindi kita sinabay, kaya tawagin mo lang ako" sabi nito at bumaling na doon kina Pat. 



Hindi niya ako inaalala dahil concerned siya, kundi dahil ayaw niya na magalit sa kanya si Cash. Natawa ako, nag-assume na naman ako.  Alam ko na bawal, pero hindi ko maiwasan. Isang bese ko nang inamin kay Pay pero akala niya lasing lang ako. 



Alam ko na ate lang tingin niya sa akin, ate niyang isip bata. Hindi ko na mababago 'yon, at ang sakit isipin na wala akong magawa dahil may pangako din si Pay na hindi magkakagusto sa mga kaibigan ni Cash. 



Ang totoo n'yan, alam ko na masama pero nung araw na sinabi 'yan ni Pay parang ginusto ko na hindi maging kaibigan si Cash dahil baka sakaling magustuhan niya ako pero wala. Nagbuntong hininga ako at tumingin kay Pay na ngayon ay nakikipag-usap na doon sa mga bata.



Tumalikod na ako at naglakad na nang bigla akong may mabangga na lalaki. Bumangga ako sa dibdib niya, parang naramdaman ko sa noo ko ang ribcage niya 'e.



"Aray ha!" reklamo ko.



"Ikaw pa nagreklamo, ako nga 'tong nauntog sa pader 'e," mapanlait niyang sabi habang hinahaplos ang dibdib niya kung saan ako nauntog. "Nilagyan mo pa nang laway damit ko," reklamo niya.



"Kapal nang mukha mo, laway ka d'yan" inis na sabi ko. "Paharang harang ka kasi d'yan 'e" sabi ko pa. Umirap siya at nagbuntong hininga. Baklang 'to. 



"Ako pa paharang harang ikaw nga nasa gitna ka nang daan, iyo ba 'to?" inis na tanong niya.



"Hey," biglang singit ni Pay. "You don't have to yell at her," pagtatanggol ni Pay at hinawakan ang palapulsuhan ko. 



"Tss," sabi naman nung lalaki. "'Wag kasi siya paharang harang" sabi pa nito at tumingin sa akin. "Para tuloy poste," sabi pa nito at nilagpasan ako.



"Ano?!" inis na sigaw ko.




"Para kang poste!" sigaw pa nito habang naglalakad palayo.




"Gago ka! Mukha kang walking stick!" sigaw ko. 



"Stop na kasi," saway naman ni Pay. "Are you okay?" tanong niya. 



Tumango ako, "Salamat" sabi ko at ngumiti.



"Sige, I'll go continue the interview" sabi niya at umalis na. Nakita ko 'yung lalaki na nandoon sa may bandang playground na. Ang sama nang tingin niya sa akin, sarap tusukin. Pinakyuhan ko siya at hindi naman siya nagpatalo at agad na gumanti.



"Poste!" sigaw pa nung lalaki. 



"Gago!" sigaw ko. Poste ako? Pahawak ko 'to sa kanya 'e. Tumingin ulit ako sa direksyon nung lalaki at abala na siya sa pagcecellphone, mukha siyang tingting.



"Oh, grabe ha lakas magmura ha" natatawang sabi ni Alice, isa pa sa mga kaklase ko. "Pati 'yung heartthrob ng MedTech Department inaaway mo."



"Heartthob ba 'yon?" inis na tanong ko. "Parang pangheart attack itsura no'n 'e" sabi ko pa.



"Tss, gwapo kaya" sabay nilang sabi ni Kate at agad na nag-appear.



"Tss, nagagwapuhan kayo sa mga gano'n? Tss, mga walang taste."



"Sus, palibhasa ang gwapo lang sa mata mo 'e 'yung kapatid lang ni Cash" naiiling na hirit ni Alice. 



"Gwapo naman talaga si Pay 'e," pagdepensa ko.



"'E gwapo din naman si Neo ah," sabi niya pa.



"Neo?" tanong ko at nagsalubong ang kilay. "Neo pangalan niya? Ang panget ha, parang mukha niya."



"Ang cute kaya, Neocole name niya"



"Nicole?" tanong ko. 



"Neocole" pagtatama ni Kate. 



Umirap ako, "Bakla 'yan."



"Kapag ikaw anuhin niyan," pagbabanta ni Kate.



"E'di anuhin niya, tss. Bakla 'yan" sabi ko pa. "Nicole pala ha."



Hindi nila mababago isip ko na mas gwapo si Pay, 'e totoo naman kasi. Pero may itsura din naman 'yung Neo, mukha siyang kupal tss. 


ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Interact with me:
Facebook: Neomi Wp
Twitter/Instagram: naeyooomi

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon