"Oh, ba't umuwi ka agad?" tanong sa akin ni Ate Cora ng makapasok ako sa bahay.
Ngumiti ako at umiling, "Ah, masakit po kasi 'yung ulo ko" pagdadahilan ko. Agad naman siyang naglakad palapit sa akin at sinipat ang noo ko para tignan kung mainit ako.
"Wala ka namang lagnat," sabi niya at hinaplos ang buhok ko. "Sige na, pumasok ka na sa kwarto mo at nang makapagpahinga ka ha" nakangiting sabi niya at tinapik ang balikat ko. Matamlay naman akong ngumiti at tumango.
"Salamat po," sabi ko. Nginitian niya ako bago ako maglakad papunta sa aking kwarto. Pabagsak akong napaupo sa aking kama bago nagbuntong hininga. Sobrang tamlay ng buong katawan ko, ewan ko kung bakit.
Natigilan ako ng maalala ko na naman ang nangyari kanina. Naalala ko kung paano titigan ni Neo si Cash, kung paano siya ngumiti habang nakatingin dito. Hindi lang makikita sa labi niya 'yung saya kundi pati sa mata niya.
"Haielle!"
Agad akong napatayo ng marinig ang boses ni Ate Cora mula sa labas kwarto ko. Naglakad ako palapit para buksan ang pinto. Pagbukas ko ay nakita ko siya na may hawak na tray, may nakalagay doon na soup, tubig at gamot.
"Halika," sabi niya at naunang pumasok ng kwarto ko. Inilapag niya sa table ko ang tray. "Oh, maupo a at kumain ka" sabi niya sa akin.
Agad naman akong ngumiti bago umupo sa upuan ko. "Salamat po," nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kaniya.
"Nako, kumain na muna bago ka magpasalamat" sabi niya at hinaplos ang buhok ko. Sumandal siya sa desk ko habang pinapanood akong kumain. "May problema ka ba?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Umiling ako, "Wala naman" pagsisinungaling ko atsaka nagpatuloy sa pagkain.
"Kahit hindi pa tayo gaanong matagal na magkasama, Haielle alam ko na kung may dinaramdam ka o wala" sabi niya kaya napatigil ako sa pagkain. "At ngayon, nararamdaman ko na meron kang problema, kaya malaya ka na sabihin sa akin ang problema mo dahil sabi nga nila nakakabawas ng bigat ang pagsasabi sa iba" sabi nito habang nakangiti.
Kinagat ko ang labi ko at nilapag ang kutsara, "Salamat po" sabi ko nalang.
"Basta, tandaan mo hindi ka na nag iisa ngayon" sabi niya at hinaplos ang buhok ko. "Nandito ako, si Kya Ben mo at si... Neo" sabi niya at ngumiti.
"Alam ko po," nakangiting sagot ko.
"At ang mga kaibigan mo, nand'yan din sila." sabi niya pa. Kaibigan. "Nandito kaming lahat para tulungan ka at hindi ka namin iiwan" nakangiting paalala niya.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hindi nalang nagsalita. Nang matapos akong kumain ay agad akong pinainom ng gamot ni Ate Cora.
"Oh, sige na magpahinga ka na ha" sabi niya at inayos ang kumot ko. "Pagkagising mo mawawala 'yang sakit na nararamdaman mo," nakangiting sabi niya at naglakad paalis. Sana nga gano'n ang mangyari. Mabilis akong nakatulog dahil din sa nakainom ako ng gamot.
BINABASA MO ANG
Skies Of The Idyllic Arrow
Teen FictionARCHER SERIES 3 Haielle Sinio, an IT student who's been broken for years because of being trapped on a one-sided-love decided to move on and find someone new who can give back the intensity of love she gives... but what if she'll end up being trapp...