26

242 12 715
                                    


"Hindi niyo dapat sinabihan ng gano'n si Cash," agad na sermon sa amin ni Trex.


"Shut up, Trex" inis na sagot naman agad ni Bree. "She deserves to hear those," sabi pa ni Bree at tumingin sa labas ng bintana.


"Tama si Bree," sagot ko. "Masyado na siyang nakikiaalam sa buhay ng may buhay. Masyado na siyang nagpapasikat" dagdag ko pa. "Kaya hayaan mo kami" sabi ko pa.


"Shut up both of you," sabi ni Trex. "Maybe she's wrong pero hindi niyo siya kailangan sabihan ng masasakit na mga salita" sabi ni Trex at saglit kaming nilingon. "Don't let your anger ruin our friendship" sabi niya pa.


"Friendship," mahinang bulong ko at yumuko.


"Kung concern siya sa akin, she should have stayed put. Hindi niya dapat ako pinangunahan, masyado siyang nagmamagaling" sabi pa ni Bree at tumingin kay Trex. "Tama si Haielle, pabida nga si Cash" sabi pa nito at nailing.


"Tigilan niyo na 'yan," sabi ni Trex.


"Shut up," sabi ko at tumingin kay Bree. "May pinagdadaanan si Bree, nagalit siya kay Cash kasi mali si Cash. Kaya pwede ba tigilan mo na pagprotekta sa kanya" sabi ko pa.


"Tumahimik ka na, Haielle" sabi ni Trex at inihinto ang sasakyan ng makarating kami sa tapat ng bahay nina Bree.


"At Trex, kung ayaw niya na masira 'tong putanginang friendship na 'to e'di sana ginamit niya 'yung kokote niya" sabi ni Bree at binuksan na ang pinto ng kotse. "Matalino siya pero hindi niya ginagamit utak niya" sabi ni Bree at padabog na sinara ang kotse ni Trex.


"'Wag ka nang sumunod, ihahatid na kita" sabi niya.


"'Wag na," sabi ko.


"Saan ka nakatira?" tanong niya at tumingin sa akin. "Kina Neo" pagsagot niya sa sarili niyang tanong at muling tumingin sa daan at agad na pinaandar sasakyan niya. Nanatili akong tahimik.


"Hindi ka na dapat nakisali kanina" sabi naman ni Trex. "Mas lalo mo lang pinalala 'yung sitwasyon" sabi niya at lumiko. Hindi ko naman siya sinasagot.


Kinakampihan niya na naman si Cash.


"Haielle, sana nanahimik ka nalang kanina at tinulungan mo nalang ako na awatin si Bree pero ano ginawa mo? Tinulungan mo pa siya na awayin lalo si Cash, ano bang tumatakbo sa utak mo ha?"


"Mali si Cash," sabi ko at tumingin sa kanya. "Susugod sugod siya sa bahay nina Jaemin ng hindi manlang nag iisip kung anong mararamdaman ni Bree. Gusto niyo lang kasi laging masabihan na siya 'yung mabait, siya 'yung mabuting kaibigan, siya BEST FRIEND kahit ang totoo wala naman talaga siyang naitutulong" sabi ko.


"Oh?" sarcastikong tanong ni Trex. "'E ikaw? Nakatulong ka ba?" tanong niya sa akin habang nakataas ang kilay. "May naitulong ka ba?"

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon