4

298 13 59
                                    



"May gusto si Neo kay Cash?" tanong ni Kate, hindi makapaniwala.

Hindi ko siya sinagot at sumimsim nalang sa milktea ko. Nandito kami ngayon sa Star Palace,niyaya ko kasi si Kate na gumala lang saglit.

"No doubt," sabi niya bigla at tumango. Nilapag niya ang milktea niya at pinatong ang siko sa table. "I mean, maganda din naman si Cash tsaka magaling na Engineer. 'Yung l'avenir pa lang niya iba na, school project palang 'yon ha" sabi niya pa. That's true.

"Yeah," simpleng sagot ko nalang. "She's great."

"Sobrang bright niya din," dagdag niya pa. "And ang gwapo nang kapatid niya di'ba?" nang aasar na sabi niya sa akin. I don't know but I am not affected anymore. Mas nangingibabaw pa ang pag-iisip ko kung bakit gusto ni Neo si Cash kahit alam ko na madami naman talagang nagkakagusto do'n.

"Uwi na tayo," sabi niya habang nakatingin sa relo niya. "Baka pagalitan na ako, may family dinner kami 'e" sabi niya at nauna nang tumayo. Tumango lang ako kinawayan siya. Nagstay lang ako sandali hanggang sa maubos ang milktea ko at umalis na din ako.

Since nandito lang sa bayan ang bahay namin ay naglakad nalang ako. Napadaan ako sa mga nagtitinda hilera nang nagtitinda nang mga streetfoods. As usual, dito na naman mauubos ang pera ko.

"Isaw nga po, tatlo atsaka apat na chicken balls" sabi ko sa tindera. Maya-maya pa ay agad din na naluto ang inorder ko. Iaabot ko na sana ang bayad ko nang biglang may naunang mag-abot nang bayad.

"Ako nalang po."

"Pay," agad na usal ko nang makita si Pay. Nginitian niya lang ako. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

He smiled, "Bibili din" sagot niya naman. "Ate, one nga po'ng dynamite and dalawang siomai po." Sabi niya doon sa nagtitinda bago nagbalik nang tingin sa akin. "Why you alone?" tanong niya sa akin.

"Busy silang lahat 'e," sagot ko naman at tsaka hinipan 'yung isaw. "Ikaw? Ba't mag-isa ka?" tanong ko sa kanya.

"Nasa Children's 'yung mga friends ko, kakatapos lang namin magmeeting" sagot niya naman. Tumango nalang ako at kumain. Iniiwasan ko na mag-open nang topic about kay Pat kaya nanahimik nalang ako.

"Two nga pong palamig," sabi naman ni Pay. Inabot niya 'yung isa sa akin.

"Thank you," nakangiting sabi ko. "Gabi na, hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya.

"Are making taboy of me?" natatawang tanong niya.

"Hindi naman," agad namang depensa ko. Gusto nga kitang makasama pa 'e. "Baka lang walang mag-aalalaga kina Credit at Debit" pagdadahilan ko.

"I fed them na," simpleng sagot niya. "Um, are you going home na ba?" tanong niya bago ubusin ang natitirang palamig niya.

"Hindi pa," sagot ko naman bago ko itapon ang lalagyan nang kinainan ko sa basurahan.

"Great," sabi niya at ngumiti. "Let's stay around the area muna, ayoko muna umuwi 'e" sabi niya pa at tumawa. "Cash, is not there din naman" sabi niya pa.

"Kamusta na siya at ang seaman niya?" tanong ko bago kami magsimulang maglakad. Nililiitan niya lang ang mga habang niya para magsabay kami sa paglalakad since mahaba mga biyas niya. He's tall kasi he's the opposite of Cash.

"She's happy," sagot niya naman habang nakangiti. This is one of the reasons why I love Pay, he treasures Cash so much. "She looks so happy," sabi niya pa at tumingin sa akin.

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon